CHAPTER 39

1.2K 47 5
                                    

Almira's

"Ito yung video."

Hinarap ng pulis ang laptop niya sakin at nasa kanila talaga ang CCTV footage na nawala samin. May possibility kaya na si Ian ang kumuha?

"Saan niyo dinala si Ms. Montes?" muling tanong niya.

"We had a celebration party at nalasing siya noon kaya inalalayan namin siya sa bahay ni Atrina since hindi naman namin alam kung saan siya nakatira."

"Alam mo ba yung sumunod na araw dito ay may magreport na nawawala siya or should I say may nagbigay ng information na nakabalik na siya sa New York?"

"Alam ko. It's because noong sumunod na araw, wala na siya sa bahay ni Atrina. She left without leaving a word. Hindi na namin alam kung saan siya pumunta."

Nagkatitigan kami ng pulis na kausap ko. Wala naman siyang ebidensya na ako ang pumatay dyan dahil CCTV lang ang mayroon sila. To be honest, it wasn't me who killed her. My only intention was to kidnapped her.

"This case... has been open for re-investigation."

Kumunot agad ang noo ko. "Ano?"

"As you can see, nagfile si Mr. Largado ng re-investigation sa death ni Ms. Montes."

Napahawak ako ng mahigpit sa palda. What the heck? Anong pumasok sa isip ni Ian?

"This time, I'll ask you about sa embezzlement." I heard he said kaya napalingon ako sa kanya. "Saan napunta ang perang ninakaw mo?"

Hindi ako nakapagsalita. I don't want to tell him. For sure, madadamay sila kapag sinabi ko.

"Ms. Wong, kanino napunta ang perang ninakaw mo?"

"S-sa... Love.. and Hope..." Napapikit ako. "...Orphanage."

Christian's

"I heard the news." Avery said as she puts down her coffee. "Totoo ba yung sa embezzlement?"

"Oo. Nakita ko yun sa mga papeles na nasa kwarto ni mama."

Biglang nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. Napatingin ako sa kanya at nahuli ko siyang nakatitig sakin. "Why are you looking at me like that?"

Napangiti siya. "It's just that... I never imagined that you'll be helping us one day."

"I have to. It is the job that I should have done 6 years ago. I'm such an idiot."

"You don't have to worry about that." I heard she said at iba pa ang tono ng pagkakasabi niya.

"Huh?" I cluelessly asked.

Nilapit niya ang mukha niya ng konti. "You were already born as an idiot." then she smiled. Bumalik siya sa pagkakaupo niya. "Well~" she paused. "I think I have to go. Hindi ko pwedeng kalimutan na employee ako dito." she said at saka siya tumayo. "See you later." at saka siya naglakad palabas.

Hanggang sa paglabas niya, ni isang salita walang lumabas mula sa bibig ko at nakatulala lang ako. Wow. Mukhang may oras na nahuhulog ako sa mga trip niya. To be honest, she must have been practicing how to be Lez kasi kung yung totoong Lez ang kausap ko kanina, malamang, I mean, sure na sure na ayun ang sasabihin niya.

Tumayo nako mula sa couch and I was about to sit at my swivel chair nang may biglang pumasok. Hindi ko inexpect na siya ang magiging bisita ko.

"I should be handing this over to Avery pero I think it's a good idea kung sa'yo ko ibibigay." she said at agad niyang binigay sakin ang brown envelope.

"Ikaw si Juli Wong, di ba? Yung bitch stepsister ni Almira?"

"Ano? Did she said that to you?" she quickly response.

ENDLESS JOURNEY OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon