VI: ARE YOU HER?

13.8K 443 37
                                    


Katrina's POV...

I woke up inside of an unfamiliar room feeling my throat burning like hell.

I groaned.

Anong nangyari?

Bumalikwas ako ng bangon sabay sapo sa aking leeg para lang mapakunot-noo ng malamang naka-cast iyon.

Agad na napuno ng pagtataka ang aking isip.

What the---

Bakit may cast ako sa leeg?

I closed my eyes tightly and grabbed the sheets on my side and tried to remember what  happpened but only to snap it open again and winced.

Nasapo ko ang aking lalamunan, nang tila may dumaang apoy sa loob niyon.

Oh God.

It sting like a fucking bitch!

Bumalik ako sa aking pagkakahiga nang makaramdam ng matinding hilo. Bumagsak ang talukap ng aking mga mata at maya-maya pa ay kinain na ng kadiliman ang aking diwa.

____

Later that day....

Nang muling bumalik ang aking kamalayan ay may naulinigan akong mga boses sa paligid.

"It is the silver blade that cause the infections and the swelling of her larynx. Makararanas ang pasyente ng temporary voice paralysis. But being a wolf, the damage will heal in no time. Let's say a week or two ay magagawa na ulit na makapagsalita ng normal ang binibini. On the other hand, the gunshot wound on her right shoulder is already healed. She'll feel a little weak, when she wakes up but she'll recover her strength in no time."

My forehead turned into knots.

Voice Paralysis and gunshot wounds?

Ano bang pinag-uusapan ng mga may-ari ng boses na iyon?

"Thanks Doc. Anyway, kailan maaaring tanggalin ang cast sa leeg ng pasyente?" a familiar baritone voice tickled my ear that made me flinched and my wolf's ears perked up.

Wait a minute.

I knew the owner of that voice!

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at hinagilap ang kinaroroonan ng mga nag-uusap at buhat sa tagiliran ng queenSize poster bed na aking kinahihigaan, dalawang matangkad na lalake ang aking namataan.

The first one whom I noticed was a gorgeous papaliscious man was  wearing a grey sweatshirt and a tight pants. May nakasabit na stethoscope sa leeg nito na ikinataas ng isa kong kilay.

Obviously, he's a doctor. Maybe he is the man who I heard talking earlier.

Nakaharap ito sa aking direksyon ngunit nasa kausap ang atensyon nito.

I sighed and was about to divert my gaze to the other one when the doctor spoke again.

"Puwede nang tanggalin ang cast kapag nagising na ang binibini. Inilagay lang natin iyon dahil malikot s'yang matulog. I'm afraid that the stitches won't hold it dahil sa kakaiba n'yang sleeping habit."

Muling nag-igkasan ang aking mga kilay sa aking narinig dito.

Malikot matulog?

Ako ba ang tinutukoy nito!

Awtomatikong umakyat sa aking ulo ang lahat ng aking dugo at bago ko pa mapigilan ang aking sarili, mabilis na akong bumalikwas ng bangon sabay hagilap ng isang unan.

TAMED BY SASHA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon