-RANCH DEL ROMANCE-
I winced as I felt my throat burning in pain again.
"Here, inumin mo 'to."
Napapitlag ako nang ilapag ni Lucy ang isang baso ng mainit init na ginger tea sa aking harapan.
Bumalik kami sa rancho matapos ang pagsampal nito sa akin sa sementeryo.
As much na gusto ko itong gantihan, wala ako sa mood na magpakakontra-bida sa mga sandaling 'yon.
Masyado akong distracted dahil sa unang pagkakataon, nadalaw ko ang aking namayapang mudra.
At sa mga sandaling iyon, habang nasa kusina at kaharap ko ang aking stepsister, hindi ko alam kung ano bang klaseng pakikitungo ang ibibigay ko dito.
Should I treat her like a dirty rug doll again?
Should I snap and shout at her like how I used to?
I heaved a deep sigh and mentally shook my head.
Marami ng nagbago sa aming sitwasyon.
Two months ago, she was just a weakling Omega na super kong kinaiinisan. Sumasakit ang mga mata ko sa tuwing nakikita ang luma nitong style sa pananamit.
Her simple but pretty face, kinaiinggitan ko iyon ng sobra.
For me, she's a rival cause how could she be more prettier than me?
She's just a low rank pero bakit ito ang napili ni Zacria Reid na maging kapareha noong gabi ng Mating Season's Ball?
I took a deep breath as I felt my own bitterness.
To be honest, alam ko na ang sagot.
It is her heart that made her beautiful.
Her kindness and humility.
Iyon ang nagpatingkad ng kagandahan nito.
And in fairness, sa nakikita ko sa mga sandaling iyon, lumevel up pa to the hundreth power ang charm ng bruha.
Her looks, her style and the way she moved, may halo na iyong class.
Also her aura, it reeked of superiority now.
I snickered.
Tingnan mo nga naman ang pagkakataon.
Ito pa pala ang magiging Luna ng DarkStone.
What a lucky bitch...
Naiiling na minabuti kong simulan na lang ang pag-inom ng ginger tea na ibinigay nito sa akin.
"So, any plan?" Lucy suddenly ask. Umupo ito sa tapat ng aking kinapupuwestuhan na larawan ng interes ang mukha.
Puzzled na tinaasan ko ito ng kilay.
Plan?
What plan?
"Haist! Anong plano mo sa future? I mean, wala ka bang balak na bumalik dito? Ano bang nangyari sa'yo? Saan ka nagpunta? Bakit ang tagal mong nawala at sino ang... sino ang walanghiyang gumawa ng bagay na iyon kay Aunty!"
Saglit na natigilan ako sa hindi inaasahang pag-uusisa nito sa mga nangyari sa aking mom.
Should I tell her what really happened that day?
May konsensya pa ba ako para iinvolve ito sa gulo ng aking buhay.
Lucy experienced a lot of worst things in the past. Niyon pa lang gumaganda ang buhay nito.
BINABASA MO ANG
TAMED BY SASHA
Werewolf•DARKSTONE SERIES 2• Katrina's life turned upside-down after the Mating Season's Ball. Una, ibinigay n'ya ang sarili sa Beta ng DarkStone dahil sa sobrang kalasingan. Pangalawa, pinaslang ni Ashter Vertillo ang kan'yang ina. Minabuti n'yang lumayo...