One week later...Sunod-sunod na pagbayo sa pinto ng victorian house ni Magnum Sasha ang aking ginawa.
"Open this door, you dumbass! Or I swear na gigibain ko 'to!" I yelled out.
The heck!
Sampung minuto ko nang kinakalampag ang makapal na kahoy na nasa aking harapan ay wala pa ring senyales na pagbubuksan ako ng kumag na second in command ng DarkStone.
I groaned in irriation and grabbed the door knob. Pinihit ko iyon at ganoon na lang ang aking pagkasorpresa ng makarinig ng mahinang 'click'.
I scoffed exhasperately.
Tingnan mo nga naman. Kanina pa ako nagpapakahirap eh bukas naman pala ang pinto.
Snickering, I twisted the knob and kicked the door open. A smirk formed from the corner of my lips as I sneaked inside the Beta's house.
I looked around and searched for Sasha in the kitchen and in the living room but failed to see him there.
Pumihit ako sa direksyon ng hagdanan.
Kung wala sa first floor, tiyak nasa silid n'ya ang binata.
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras.
Maingat na itinaas ko ang laylayan ng aking suot na dress sabay hakbang paakyat sa ikalawang palapag ng Victorian house na iyon.
Hoping na naroon nga ang aking pakay cause to be honest, the news of Magnum Sasha quiting his job and leaving DarkStone's territory was very shocking.
So very infuriating!
Kaninang umaga ko lang nabalitaan iyon mula kay Lewis.
Matapos kasi nang insidente sa Ranch del Romance; nang walang awang paslangin ni Sasha si Ashter Vertillo sa mismong harapan ko ay hindi na ito nagpakita pa sa akin.It bothered me the moment I woke up the next day after passing out.
I thought he was just buying some time for himself but one week had passed and still no signs of him.
Ni hindi man lang ako nito kinumusta o binisita sa Reid's mansion kung saan pansamantala muna akong tumutuloy.
I sighed and shook my head feeling disappointed.
Didn't he miss me!
Kung kelan wala ni Ashter Vertillo, saka ba ito susuko at iiwan ako?
Wala pang naka-aalam na bumalik na ang aking memorya.
Kung sasabihin ko ba na naaalala ko na ang lahat, hindi na ba ito aalis?
Kung sasabihin ko ba na pinatatawad ko na ito noong mas pinili nitong maniwala kay Hera Frost, hindi na ba ako iiwan ng binata?
Nang tumapat ako sa silid ni Magnum Sasha ay wala sa sariling binuksan ko ang pinto at dire-diretsong humakbang papasok.
As I found him laying on his bed in his topless glory, my heart clenched painfully.
I miss the jerk.
Samantala, napabalikwas naman ito nang bangon dahil sa bigla kong pag-intrude sa privacy nito.
"K-katrina?" lumarawan ang pagkagulat sa guwapong mukha ni Sasha ngunit napalitan agad iyon ng 'di pagkapaniwala. "What... what are you doing here, pet?"
I gulped hard and took paces towards him. "Kanina pa ako kumakatok sa ibaba, akala ko wala ka na."
He stood up and scratched his nape. "Mamaya pang gabi ang alis ko. Anong... anong ginagawa mo dito? Nasaan si Lewis? I assigned him as your new bodyguard. Did something happen to him?" may pag-aalalang tanong nito.
BINABASA MO ANG
TAMED BY SASHA
Werewolf•DARKSTONE SERIES 2• Katrina's life turned upside-down after the Mating Season's Ball. Una, ibinigay n'ya ang sarili sa Beta ng DarkStone dahil sa sobrang kalasingan. Pangalawa, pinaslang ni Ashter Vertillo ang kan'yang ina. Minabuti n'yang lumayo...