XXIII: SOMETHING IN BETWEEN

8.7K 300 20
                                    

"Ashter Vertillo is still out there. Hanggat hindi ko naibibigay sa lalakeng iyon ang blackbook, alam kong babalik at babalikan n'ya ako."

Inilahad ko kay Lucy ang lahat ng mga nangyayari sa aking buhay sa loob ng nakaraang dalawang buwan.

I saw my stepsister clenched her fist as pure anger passed in his eyes. "Those Vertillos! Bakit ba napakasama ng mag-amang iyon!" she angrily ranted. "God! Kawawa naman si Aunty Selene." tears escaped from her eyes but she immidiately wiped them away.

Buhat sa pagkakasalampak ng upo sa ibabaw ng mga nagkalat na libro ay mapait akong napangiti sabay iling.

Akala ko ay malaki na ang ipinagbago ni Lucy ngunit nagkamali pala ako.

She's still a softie one just like before.

Matapos ang lahat ng mga masasamang ginawa namin dito, hindi ko inaasahan na mag-aaksaya pa ito ng luha para sa aking ina.

Lucy walked towards me and sat beside me on the floor covered with books.

Bumuntong-hininga ito. "Katrina, can we just forget about the past? Sa totoo lang, hindi ko talaga magawang magalit kay Aunty o kaya sa'yo. And this may sounds a little dramatic but now that Aunty is gone, we only have each other. Ikaw na lang ang nag-iisa kong pamilya. Alam kong hindi tayo nagkakasundo sa maraming bagay, pero sana sa pagkakataong ito, subukan nating pakisamahan ng maayos ang isa't isa."

I bit my lips.

Wow!

Ako dapat ang nag-sasabi ng mga bagay na iyon, hindi ba?

Dahil wala na ang aking mom, si Lucy na lang ang natitira sa akin. Ito na lang ang nag-iisang nilalang na maari kong takbuhan.

Si Magnum Sasha?

I don't think so.

Hindi ko alam kung ano na ang magiging desisyon nito sa oras na malaman nitong magaling na ang aking lalamunan.

If he finds out, that only meant one thing. He will kick me out of his house and his life soon.

I felt a sudden pinch inside of my chest. Ngunit agad kong binalewala iyon saka hinarap ang aking stepsister.

"Okay," I finally replied to her with a scowl on my face. "Pero hindi ako hihingi ng sorry sa mga ginawa ko noon. You deserved it being a masochist and a kindhearted witch!"

Ngumisi si Lucy. "Well, thank you for the compliment, my ever so mean sister!"
_______

Five minutes later...

Matapos ang kaunting drama sa pagitan namin ni Lucy ay napagkasunduan naming linisin muna ang library.

"Sapalagay mo ba talaga may kinalaman si Ashter Vertillo dito?" tanong ng aking stepsis habang pinapatas sa isang tabi ang mga libro.

I nodded while helping her. "Based on what I've heard from one of my Master's phone conversations, he's still on the loose. Isa pa, walang sinoman ang may lakas ng loob ang papasok sa Rancho na pag-aari ng Luna ng DarkStone kundi ang masamang nilalang na iyon lang."

She snickered.

Saglit na huminto ito sa ginagawa at dahan-dahang humakbang patungo sa isang lumang kalendaryo na nasa isang sulok ng silid.

"But I guess, no matter how many times that stupid mutt ransacked this house, he will only fail and ended up disappointed."

Napakunot-noo ako.

Paano naman nito nalaman iyon?

Nasagot ang aking katanungan ng bumaling ako dito.

Nakita ko si Lucy na may hinigit na isang maliit na papel na naka-attached sa kalendaryo.

TAMED BY SASHA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon