Kabanata 1

426 53 55
                                    

Kabanata 1: Best friend

 

“Bumalik ka na nga dun sa bestfriend mo! Nakapamaywang kong sigaw kay Tom. Hawak na niya ang kanyang tyan at pinipigilan pa ang tawa niya.

“Come on Isabelle. Alam mo naman kapag hindi ko sinamahan si Claire ay baka mag-sumbong ‘yon kay Daddy. Lagot na naman ako.” Tumigil na ito sa pagtawa pero nakangiti pa rin. Tila nagmamaka-awa pa ito.

“Yeah yeah.” I rolled my eyes. “Promises are really meant to be broken.” Tumalikod na ako sa kanya at nagsimulang maglakad papunta sa terminal ng jeep.

Kailangan pa kasing sumakay ng isang jeep bago makarating sa farm. Sa farm na pag-aari ng mga Jimenez—ang pamilya ni Thomas a.k.a. Tj Jimenez at isa sa pinakamayamang pamilya sa lalawigan. Isang malaking farm kung saan nagta-trabaho ang aking ama. Dahil sa sobrang laki ng farm ay may nakalaan na lugar para sa mga tirahan ng mga trabahador ng farm. Noon ay hindi sakop ng farm ng mga Jimenez ang lupang tinitirhan namin hanggang sa nagustuhan na bilhin ni Don Jaime Jimenez ang lupang iyon.

Napahinto ako sa paglalakad nang hawakan niya ako sa braso at iniharap sa kanya. “Huwag ka nang magtampo. Ikaw pa rin naman ang tunay na bestfriend ko.” Nakangisi niyang sabi. Inaasar na naman ako ng kumag na ito eh.

“Tumigil ka nga dyan. Ang arte mo!” Binawi ko yung braso ko na hawak niya. Iniisip ba niya na nagtatampo ako? Duh! “Hindi ako nagtatampo. Okay na nga sakin na samahan mo siya di ba? Wala akong pake. Uuwi na ako at gagawa pa ako ng project.” Tumawa na naman ito at namumula pa ang pisngi ng kumag. Hmp! Palibhasa ang puti ng balat niya. Mestizo.

Pero tinawanan pa rin niya ako kahit tinignan ko na ito ng masama. Tsk.

Sumimangot ako nang hindi pa ito tumigil sa pagtawa. “Ang sipag naman talaga ng best friend ko oh!” Inakbayan niya ako at ikinawit ang isang kamay sa leeg ko.

“Lumayo ka nga Tj. Nasasakal ako! Ang baho baho mo pa! Amoy pawis!” Tinaboy-taboy ko pa ito kahit hindi naman talaga siya amoy pawis. Ayaw na ayaw kasi niya na sinasabihan na amoy pawis. Ngumisi ako nang makita ko itong inamoy ang sarili. Napaka-conscious niya sa pangangatawan. This time humagalpak ako ng tawa.

“Amoy pawis pala ah. Gusto mong ipaamoy ko sa’yo ang kili-kili ko?” Tinaas niya ang kanyang kilay.

Adik ba siya? Sino kaya ang gugustuhin na amuyin yun? May mga ibang estudyante ang napapatingin samin at yung iba ay talagang nakikinig pa sa usapan namin. Ay naku! Mga fan girls ni Tj. Alam mo yung kunwari kuno hindi sila nakikinig pero jusko! Halata naman na nakikinig sila.

“Ayoko nga! Bakit hindi mo ipaamoy sa best friend mong si Claire?” Tinaasan ko rin siya ng kilay. May mga tumawa pa nga na iba. See? Mga walangya nakikinig talaga sila.

Hindi na nakasagot si Tj nang biglang magsalita si Claire mula sa likod nito. Perfect timing. Sigurado naman na aamuyin niya ang kili-kili ni Tj. Masyadong linta kung makadikit kay Tj. Kala mo mamamatay kapag hindi kasama si Tj.

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon