Kabanata 13

138 7 6
                                    

Kabanata 13: Naguguluhan

 

 

Huling subject at matapos iyon ay lalabas na kami. Kanina pa ako tumitingin sa oras, yamot na yamot na rin ang mga kaklase ko at inaabangan na talagang matapos ang klase. Bumuntong hininga ako nang maisip na may gagawin pa pala kami bago umuwi at pagtapos ng klase.

Dumating na si Mrs. Puli nang magpaalam si Tj na magc-cr. Ilang sandali ay sumunod si Claire. Kumunot ang noo ko ngunit ipinagkibit balikat ko nalang. Himala at hindi na nga gaanong dumadikit si Claire kay Tj. Lumipas ang ilang minuto kahit ang isa sa kanila ay hindi pa bumabalik sa classroom. Bakit tumagal sila ng ganoon?

Well, si Tj parang si Dora the Explorer. Magc-cr daw kuno pero magwa-wander lang sa labas lalo na kapag naiinip siya sa klase. Minsan nga nahuhuli ko pa itong nakatambay lang sa isang bench na dadaanan mo pag pupuntang cr. Mabuti nga at hindi siya nahuhuli ng iba kung hindi ay madadali siya sa principal or sa adviser namin.

Kaya lang si Thomas Jimenez ‘yun. Halos favorite lahat ng guro dito.

 Sa buong pagtataka ay nagpasama ako kay Marjorie upang mag-cr. Ano naman kayang ginawa ng Claire na ‘yun? Wala naman talaga akong dapat pakielam kung ano man ang gawin ng babaeng ‘yun pero parang may maling kutob ako. Hay! Human instinct.

“Isabelle, huwag muna tayong pumasok agad. Nakakainip naman ang klase ni Mam ngayon.” Wika ni Marjorie habang naglalakad papunta sa cr. Halos ata ng mga estudyante ganito. Magpapaalam na lalabas pero di agad papasok.

“Tumigil ka nga. Magc-cr lang ako saglit ha?” Hindi ko na hinintay ang sagot niya at agad na pumasok sa isang cubicle sa cr. Nakalimutan ko na ang pakay ko dahil sa ihing-ihi na ako. Hindi naman daw magc-cr si Marjorie kaya naghintay na lamang siya sa labas.

Paglabas ay luminga linga ako sa paligid. Sa tambayan ni Tj. Pero walang tao. Huwag nilang sabihin na nagcutting sila?! Pero yung bag nila nasa room pa. Kaya lang yung iba ganun naman ang ginagawa kapag nagka-cutting, iniiwan ang kanilang bag at pagtapos ng klase ay babalikan nila. Hindi ko gawain ‘yun. Sadyang matanungin lang talaga ako.

“Wala naman tao sa loob.” Bulong ko.

“Hah? Ano ‘yun Isabelle?” Usisa ni Marjorie na tila hindi gaanong narinig ang aking sinabi.

Ang buong atensyon ko ay nasa paghahanap sa kanila na kahit ako’y hindi alam ang dahilan kung bakit ko sila hinahanap. There’s this feeling…

Bahala na nga sila kung nagcutting man sila. Ipinagkibit balikat ko na lamang ang kutob ko na nagcutting nga sila. Ngunit malabo naman na gawin ni Tj ‘yun. Si Claire? Well, baka siguro may tyansa na magagawa niya iyon. Tanging ang pagka-cutting na lang nila ang nasa isip ko. Pumihit ako upang maglakad na sana pabalik sa classroom nang may humawak sa kamay ko.

Tumindig lahat ng balahibo ko sa ginawang ‘yun ni Marjorie. Sapong-sapo ko ang dibdib ko at pinapakiramdaman ang mabilis kong paghinga. Sisigawan ko na sana ito nang mapansin kong may sinesenyas siya sakin na hindi ko naman agad nagets.

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon