Kabanata 25

89 5 2
                                    

Kabanata 25: Inis at galit

 

 

Naudlot ang tudyo ng mga kaklase ko samin nang dumating ang aming professor. Sa halip na pansinin at patulan ko ang mga tukso ng mga baliw kong kaklse ay titig na titig lang ako kay Tj. Nakapatong ang braso nito sa upuan ni Claire na animo’y nakaakbay na sa babae.

“What happened here? Arrange your chairs!” Galit na utas ng aming guro. Naalarma agad kami at nag-ayos ng kanya-kanyang upuan.

Dumiretso na ako sa aking pwesto. Tumayo na din si Tj. Bumaling siya sakin ngunit hindi ko siya pinansin. Nakakainis! Gusto ko siyang sabunutan. Silang dalawa!

Harap-harapan niya pang gagawin sakin ‘to! Ano na lang ang iisipin ko? Na umakbay siya kay Claire kasi trip niya lang? Kainis!

“Let’s answer your assignment.”

Imbes na tumingin kay Tj o kahit kanino ay itinuon ko nalang ang atensyon ko sa unahan. Kung anu ano pa ang sinasabi ni Mrs. Dizon na hindi ko naman lubos maintindihan dahil lumilipad na naman ang isip ko.

Ipinagkibit balikat ko nalang kanina ang mga tukso ng mga kaklase ko. Maging si Popoy ay mistulang bingi sa mga tukso nila. Hindi ko maiwasan ang isipin na tinanggihan ko siya at inamin sa kanya ang relasyon namin ni Tj.

Galit na galit siya nang humarang at sumingit kanina si Tj samin. Ibig sabihin palagi siyang naghahanap ng pagkakataon upang aminin sakin ang  nararamdaman niya? Paano kung sa mga panahon na hindi ko pa alam mismo sa sarili ko na mahal ko si Tj ay dun siya umamin sakin? Kami kaya ang laging magkama ngayon? O talagang si Tj ang destiny ko? Destiny?

Umiling ako. Parang kailan lang, hindi ako naniniwala sa destiny. Subalit, tila unti unting sumisiksik sa isip ko na gayun nga ang dahilan kung bakit si Tj ang nasa puso ko at hindi si Popoy.

Hindi ko na alam! Una, sobrang bago palang sakin ang ganito. Pangalawa, hindi ko pinag-uukulan ng pansin ang pakikipagrelasyon.

Natapos ang klase namin kay Mrs. Dizon ng hindi ako nakikinig. Halos wala ako sa sarili kaninang sinasagutan ang aming assignment.

“Isabelle, kamusta na kayo ni Paulo?” Untag ni Bobby nang nakangisi pa habang hinihintay ang pagdating ng susunod na guro.

Nagtataka ko siyang binalingan. “Okay lang naman?”

Saka ko lang napagtanto ang mga pangyayari kanina. Mula sa tukso ng mga kaklase namin hanggang sa tanong ni Bobby. MAY ALAM SILA? Ipinaalam ba ni Popoy na manliligaw siya? Kaya ganun nalang sila makapagtanong kanina? Ewan ko pero malakas ang kutob ko lalo na’t mga tsismosa’t tsismoso ang halos sa mga baliw kong kaklase.

May gusto pa itong itanong ngunit hindi niya naituloy dahil dumating na ang guro namin na sobrang istrikto. Umayos kami ng pagkakaupo na kala mo ay isa kaming batalyon ng sundalo. Sobrang arte ng gurong ito maging ang galaw namin ay napapansin niya.

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon