Kabanata 14

124 9 6
                                    

Kabanata 14: Sa library

 

 

 

Ilang araw na kaming naging abala sa school. Maraming requirements ang dapat gawin kaya halos hindi na rin ako nakakasabay kay Tj pauwi.

Naging malawak naman ang pang-unawa niya dahil madalas din siyang may meeting sa mga ka-group niya. Bukod sa reporting ay may isa pang project kaming dapat pag-ukulan ng pansin.

Mas madalas na magkasama sila ni Claire. Napagkaalaman kong magkagrupo sila sa project namin ngayong period. Dalawang grading periods nalang din at magtatapos na kami ng high school. Kung kailan naging malapit na ang pagtatapos namin ay doon kami tinatambakan ng mga projects at reporting.

Pinagmasdan ko ang napakaseryosong mukha ni Popoy habang abala siya sa kanyang sinusulat.

“Tinatawanan mo ba ako?” Nag-angat ito ng tingin. Mas lalong nadagdagan ang mga linya niya sa kanyang noo. Gaya ng sabi ko, abala kami sa school. At ang reporting ang inuuna namin dahil bukas na ito. Nasa library kami ngayon at tinatapos na lang ni Popoy ang mga importanteng sasabihin bukas.

“Hindi bakit naman kita tatawanan?” Pigil pigil kong mapatawa dahil sa istura nito. Napakaseryoso niya sa pagsusulat. Yung tipong siya lang ang mag-isa at walang kasama dito sa library.

Mas lalong kumunot ang kanyang noo ngunit ipinagpatuloy din ang kanyang ginagawa. Nakasalumbaba ako habang pinagmamasdan siyang magsulat. Hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil na din sa pagpipigil ng tawa ko.

“Huwag ka ngang masyadong seryoso dyan.” Bulong ko sa kanya sabay pisil sa kanyang ilong.

Ang tagal naman ni Aimee. Ang takaw takaw kasi ng babaeng ‘yon. Magpupuslit pa talaga ng pagkain dito sa loob kahit na ipinagbabawal iyon dito sa library.

“Aray!” Naagaw ang atensyon ng iba sa kanyang boses. Napangiwi ito sa hiya. Gusto ko tuloy matawa subalit baka palabasin kami kaya ngumisi nalang ako sa kanya.

“Napakaseryoso mo kasi. Tigilan mo na nga kasi yan.” Inagaw ko sa kanya ang hawak niyang papel at bolpen.

“Isabelle, akin na ‘yan. Malapit na rin matapos.” Natatawa lalo ako dahil sa pagbubulungan namin.

“Kanina pa tayo dito at kanina ka pa rin nagsusulat.” Nakakapagtaka naman at hindi pa ito tapos.

“Konti na nga lang.” Aniya at pilit niyang inaagaw ang papel sakin.

“Pwede na ito.” Tugon ko. Ngumisi ako sa kanya. Why so good boy Paulo?

Huminto lang ito nang napansin kami ng isang nagbabantay sa library. Labis naman ang hiya ni Popoy dahil sa pinagalitan kami. Hindi ko na lamang pinansin ‘yon. Ibinababa ko ang hawak kong papel sa mesa.

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon