Kabanata 23

114 6 3
                                    

Kabanata 23: First time

 

 

Agad na kumalabog ang puso ko nang marinig ang sinabi niya. Hindi yun tanong kaya dinig ko sa boses niya ang awtoridad.

Ito ang unang beses na magyaya siya sa isang date. Hindi naman sa ito ang unang beses na magkakasama kami, gaya nga ng sabi niya na ‘date’ na daw ang tawag tuwing lumalabas kami, pero ngayon palang niya talaga binanggit ito.

Umangat ang isang kilay ko nang tumingin ako sa kanya. Kahit maangas ang dating niya at sobrang yabang, walang kawala ang mga mata mo kapag natitigan mo na ang gwapo niyang mukha. Ito ang kinahuhumalingan ng mga babae sa school—pagiging cool ng dating niya. Maangas siya ngunit natatakpan yun dahil sa kagwapuhan niya. Mas mapapansin mo ang magandang tanawin sa pagmumukha ng mokong!

Kaya nga walang pakielam ang mga babae kahit maangas ito. Basta gwapo! Mahirap naman kung maangas pero pangit naman. Hoho. Tabi-tabi.

“Okay. Basta matapos mo within 30 minutes.” Pinaglaruan ko ang ballpen ko. Hindi niya matatapos agad dahil mahirap ang mga tanong. Kaya nga ‘by partner’ gagawin ang activity na’to. Hindi magpapagawa si Sir ng ganitong kahirap na activity kung individual.

Uubusin ng activity na ito ang isang oras. Ha! Paano pa kaya kung mag-isa siya. Gusto kong humalakhak. Tignan natin kung matatapos mo yan agad.

“Baka gusto mo pang bawasan. Hindi mo pa ginawang 20 minutes.” Manghang tumingin ako ulit sa kanya. Di ko mawari kung may halong sarkasmo iyon o gusto niya talagang gawin kong 20 minutes nalang.

Hindi na ako nagkomento pa lalo na nang ilabas niya ang sarili niyang libro. Napaangat ulit ang kilay ko. Marunong pala siyang magdala ng libro?

Nang maibalik niya ang libro ko ay hinanap na niya agad ang pahina kung saan ang activity-ng gagwin. Bahala nga siya. Wala sa sariling pinaglaruan ko nalang ang buhok ko at pinagmasdan ang mga kaklase kong abala sa kanilang trabaho.

May mga iba naman na nagdadaldalan pa ngunit seryoso ang karamihan sa kanila. Hindi ako sanay na walang ginagawa dahil naiinip ako agad. Aalukin ko na sana ng tulong ang mokong nang makitang ang bilis niyang magsulat. Namilog ang mga mata ko nang pinasadahan ng tingin ang kanyang libro. May mga sagot na!

Dahil sa sobrang abala ko sa pagtitig sa mga kaklase ko ay hindi ko na alam kung ngayon lang ba niya sinagutan ito o may sagot na talaga.

“Kailan mo sinagutan ang mga yan?” Untag ko habang hinihila ang libro niya upang mapagmasdan lalo ang mga sagot.

Hinablot niya agad sakin ang libro niya at diretsong tumitig sakin.

“Dati pa. Bakit?” Mayabang niyang sagot. Mayabang talaga! Para bang sinabi niya sa buong mundo na ang gwapo niya at yun ang totoo!

Hindi talaga ako makapaniwala hanggang sa matapos siya. Natapos niya agad ang activity nang hindi umaabot ng 30 minutes.

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon