Kabanata 31

46 4 1
                                    

Kabanata 31: Girlfriend

 

 

Inakay na ako ni Tj sa kanyang Hummer nang mapagtantong walang bahid na tuwa sa mukha ko matapos niyang naisantinig ang mga katagang iyon.

Pumailanlang ang katahimikan sa pagitan namin nang nasa loob na kami. Tanging ang ingay nalang na dulot ng sasakyan at mabibigat na paghinga ni Tj ang aking naririnig. Ilang saglit lang, ng marahil hindi makatiis ay binuhay ni Kuya Dan ang stereo.

May kung anong opinion na sinasabi ang DJ ng isang sikat na radio station tungkol sa babaeng iniwan ng kanyang kasintahan.

“Alam mo kasi Greta, dapat nilinaw mo sa kanya ang lahat bago pa siya makapag-isip ng kung ano…” anang DJ.

 

Ramdam ko ang paghigit ng hininga ng aking katabi. Tumaas ang isang kilay ko dahil sa mga sumunod na sinabi ng DJ. Mahihimigan pa sa boses ng babae sa kabilang linya ang lungkot at pagkabigo. Trust issues. That’s strange, right? Nakikipaglaro ba samin ang tadhana?

“I’m sorry,” paanas na sabi ni Tj. Nakikinita ko sa gilid ng aking mata ang paglunok niya.

Nang mag angat ako ng tingin sa kanya ay inakala kong magkakasalubong ang aming mga mata. Ngunit nakadungaw lang ito sa kanyang kamay na nakapatong sa kanyang kandungan.

“I know I was the one who built a barrier between us…”

 

Bago pa niya maipagpatuloy ang kanyang nais sabihin ay tumingin na ako sa direksyon ni Kuya Dan sa harap bilang pahiwatig kay Tj na masyadong pribado ang ganoong bagay para pag-usapan namin kasama ang ibang tao. Kung iisipin ay nakakahiya kay Kuya Dan.

“He can’t hear us. He wears earphone,” kaswal na sambit ni Tj. Ilang segundo bago maproseso ng utak ko ang sinabi niya.

Kung paano at bakit ay isinantabi ko muna iyon. Malamang si Tj ang nasa likod na kalokohang ginawa ni Kuya Dan. Lubos ko pa namang inakala na sa pagbubukas niya ng stereo ay dahil sa nakakabaliw na katahimikan sa loob ng Hummer kanina.

“Hindi ako galit Tj. Sa’yo. O dapat kong sabihin na hindi naman ako galit sa kahit kanino. Kahit gaano ko gustong wala sa paligid mo si Claire, hindi pwede ‘yon. O… siguro… pwede nga na wala siya pero hindi tama na hilingin ko ang ganoong bagay. Kahit ikaw. Naisip ko na dapat tayong masanay na mabuhay kasama ng mga tao o bagay na pwedeng makasira satin,” hinuli ko ang kanyang tingin habang patuloy ako sa pagsasalita.

“Dahil kung lagi tayong iiwas at magpapaapekto, tayo ang masisira. Oo nagseselos ako, just like you. At obvious naman kung kanino. Pero hindi siya ang naging dahilan kung bakit hindi tayo nagkakausap ng matino nitong mga nakaraang araw. Hindi ko naman maitatanggi na hindi ako naiinis noong una. We’ll stand before them and we’ll live with them but we won’t allow them to tear us apart. Deal?”

 

Sumilay ang ngiti sa aking mga labi ng mapansin ang pagkalito sa kanyang mukha. I got him there.

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon