Kabanata 30

65 6 2
                                    

Kabanata 30: Saan?

 

 

Dumoble ang ingay na naririnig namin nang makapasok kami sa loob ng gym. Hindi naman ganoon kalaki ang bilang ng mga magtatapos ngayong taon. Ngunit sadyang hindi nagpapaawat ang bibig ng iba sa pagsasalita. Nakakarindi tuloy ang ingay.

Tumulak na kaming tatlo sa harapan kung saan naroroon ang ibang mga honor students at mga magkakamit ng awards. Unti unti ng nalunod sa dagat ng mga tao si Tj. Nawala na siya sa paningin ko. Mabilis akong umupo sa tabi ni Popoy nang mapansin na paakyat sa stage ang isang instructor o guro.

 

Sa kabilang gilid ng gym nakapuwesto ang ibang mga guro. Abala sila sa isang diskusyon na hindi ko alam kung importante talaga dahil napakaseryoso nila.

“This will only take a few minutes. Brief instructions will be given to you for the preparation of your graduation day. Keep your mouth shut, children!” Wika ng instructor na bahagyang tumaas ang boses.

Marahang natawa ako sa sinabi nito. Siya pala ang nababalitaan ko na mahilig magsabi ng ‘children’ kapag maingay ang mga estudyante niya.

Ang ingay kanina ay naging bulong hanggang sa naglaho.

“Congratulations.” Sambit ni Popoy sa kalagitnaan ng pagsasalita ni Mrs. Carreon sa mga dapat tandaan sa graduation day.

Bumaling ako sa kanya. Muli ay nasilayan ko ang ngiti niya na walang bahid na lungkot. Just a pure smile that has the power to melt your heart. His strong personality for being a gentleman plastered on his face as he smiled at me.

“Don’t be late. You’re not kids anymore. Since this day is the last meeting we have, I congratulate you all. And again don’t be late. But of course, you can have the result of your exams tomorrow,” patuloy na sabi ni Mrs. Carreon.

“Wala pa nga opisyal na result. Malay mo mahabol mo pa ako,” tudyo ko na tinutukoy ang tungkol sa ranking.

Tahimik lang kaming nagpapalitan ng mga salita habang abala ang lahat sa pakikinig sa harapan. Ilang araw nalang at matatapos na ang pananatili namin sa high school.

“Malabo iyon. Hanggang sa likod mo nalang ako.” Aniya ng hindi nawawala ang kanyang ngiti sa mga labi.

Napakagat labi ako nang maisip na tila may ibang kahulugan ang sinabi niya. Tumikhim siya bigla at nag-iwas ng tingin nang mapagtanto iyon. Awkward.

Sa puntong yun ay wala ng nagtangka samin na magsalita pa hanggang sa matapos ang meeting.

Bago kami pinauwi ay pinatawag muna kami sa office ni Mrs. Carreon.

“I hope you already expected that your ranking will be determined by your exams and of course the extracurricular activities,” ani Mrs. Carreon habang mataman kaming pinasadahan ng tingin isa-isa. “And I required all of you to be here tomorrow for further announcement regarding the top 10. Okay?”

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon