Kabanata 3

267 49 50
                                    

Kabanata 3: Sinong tanga?

 

 

Pagdating ng second subject ay iba na ang pwesto ni Tj. Si Popoy na ang katabi ko. Hindi naman ito nagsalita o nakipagkwentuhan man lang sa akin dahil dumating agad ang prof namin. Kapag tumitingin ako sa kanya ay umiiwas siya ng tingin. Geez. Nahiya siguro ito dahil sa sinabi niya kahapon.

May nakalaan na seating arrangement para sa amin. Hindi tulad sa subject ni Mam Valdez ay kahit saan pwede kang umupo.

Hindi ko pa rin alam kung ano ba ang problema nitong si Tj. Nang mag-break time na ay nag-uunahan sa paglabas ang mga kaklase namin. Nag-bye lang si Popoy at agad na rin itong lumabas. Okay ano kaya ang problema nang isang ‘yon?

“Tj gusto mo bang sumabay samin?” Dinig kong tanong ni Claire kay Tj na kasalukuyang inaayos ang mga gamit niya. Kasama nito ang dalawa niyang kaibigan na sina Ruby at Bridget.

“Hindi. Kayo na lang.” Nang makaalis na sina Claire ay nilapitan ko na si Tj. As usual siya lagi ang kasama ko tuwing break time. Minsan naman ay kaming tatlo nila Claire. Pero minsan lang iyon mangyari.

“Tj tara na.” Tumingin lang ito at naglakad na palabas ng room. “Huy may problema ka ba?” untag ko nang hindi man ako kinakausap.

“Nope.”

“Pa nope nope ka pa dyan. Eh bakit ka pala ganyan? Kanina lang ngiting-aso ka tapos ngayon bigla kang tatahimik.” Ang bipolar niya. Pagpasok niya kanina ang energetic niya tapos biglang nawalan ng energy ngayon.

“Wala nga. Tara na bilis gutom nako.” Hinila na niya na lang bigla ang kamay ko. Nagmamadali pa itong maglakad. Walangya to. Uso magmadali?

Pagkapasok sa canteen ay nag-order din siya agad. Hindi niya man lang tinanong kung ano ba ang kakainin ko. Hindi na rin ako nagreklamo kasi saktong sakto naman ang inorder niyang pagkain. Naku kung hindi ipapalamon ko sa kanya yun. Haha.

Nagtataka ako kung bakit hanggang ngayon ay tahimik pa rin siya. Ipinilig ko na lang ang ulo ko siguro’y gutom lang talaga siya. Ilang minuto lang ay natapos na ito sa pagkain. Since isang oras ang break time namin, may 30 minuto pa bago magsimula ang susunod na klase. Hinila na naman niya ako sa kung saan-saan.

“Thomas! Kanina mo pa ako hinihila! Pwede wag masyadong magmadali.” Tumigil ito sa paglalakad at muntikan pa akong madapa dahil hawak-hawak niya ang kamay ko. Tinignan ko ito nang masama pero nakasimangot lang siya.

“Bilisan mo kasi. Konti na lang ang time na natitira. May sasabihin pa ako bilisan mo.” Naglakad na siya ulit at sumunod na lang ako. Ang seryoso naman kasi ng lalaking ‘to. Hmm. Ano kaya ang sasabihin niya? Ah baka ikekwento niya kung saan sila nagpunta ni Claire kahapon.

Pagkuwa’y huminto ito at umupo sa may damuhan. “Dito lang tayo pupunta?! Tapos sobra ka makahila kanina.” Sigaw ko sa kanya na nakapamaywang pa. Kung alam ko lang na dito niya ako dadalhin ay sana pala huminto na lang ako kanina sa garden ng school. Nandito kami ngayon sa ilalim ng puno. Ayos na rin kasi ang sarap ng simoy ng hangin. Hmm…

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon