Kabanata 4

280 48 49
                                    

Kabanata 4: Commander

 

 

Kasalukuyan akong nakatambay sa bahay ngayon dahil weekend. Buti na lang at hindi ako isa sa mga gumagawa ng report ngayon. Perks of being in the top of the class. Yung iba kasi nagpapakaabala sa paggawa ng kani-kanilang report. 

Wala akong alam gawin ngayon kundi ang mag-review. Malapit na rin kasi ang exam namin. And I need to maintain my standing in class. This is the only thing I have. The only thing that I must not lose.

Binabalak ko na kumuha ng scholarship sa ibang University noon bago pa sabihin ni Tito Jaime na siya na ang bahala sa pag-aaral ko. Kahit yung malapit na lang dito at hindi na sa Manila. Sa totoo lang ayaw ko rin naman huminto sa pag-aaral. At ayaw ko rin namang umasa sa ibang tao kung pwede naman akong kumuha ng scholariship di ba? Paano kung biglang nagbago pala ang isip ng Don? Hindi ko naman kasi kailangang pabayaan ang pag-aaral ko dahil lang sa may susuporta sakin ngayon sa pag-aaral. At mabuti na rin siguro na kumuha ako ng scholarship para hindi ganun kabigat sa bulsa. Kailangan kong magtyaga sa kung anong meron ako ngayon. At ayaw ko namang i-asa lagi sa mga magulang ko ang pag-aaral ko.

Sinabi rin ni Mam Valdez na ayusin ko ang pag-aaral ko kasi may mga iba’t ibang unibersidad ang nag-aalok ng scholarship sa mga estudyanteng nasa top 5 ng klase. Nabuhayan ako ng loob doon.

“Isabelle! Where are you?” Dinig kong sigaw ni Tj.

Nandito na naman ang unggoy na yun! Wala na naman mangyayaring mabuti sa araw ko ngayon.

“Ma kapag may naghanap sa akin sabihin mo wala ako!” Sigaw ko kay inay na nasa kusina. Nagkukulong na nga ako sa kwarto para walang istorbo sa pag-aaral ko.

“Hoy anong wala, dinig na dinig ko ang sigaw mo. Tuturuan mo pang magsinungaling si Tita Carmen.” Ang bilis naman ng tipaklong na’to at nakapasok agad sa kwarto.

“Hindi ka man lang marunong kumatok Thomas! Paano kung nagbibihis pala ako ha! Tuloy-tuloy ka lang sa pagpasok.”

“Sabihin mo nga sa akin paano ako kakatok kung wala naman pinto dito sa kwarto mo. Sige paano ako kakatok kung kurtina lang ito.” Hinawakan pa niya ang kurtina na ginagamit ko bilang pinto dito sa kwarto. Nakalimutan ko na wala palang pintuan ang kwarto. Mahirap ang buhay ngayon. Bawal mag-inarte. “Toktok. Nandyan ka ba sa loob Isabelle?” Iminuwestra pa niya ang pagkatok sa kurtina. Inirapan ko siya.

“Tigilan mo ako Thomas! Lumayas ka.”

 

“Isabelle! Ganyan ka ba makitungo sa mga bisita. Mabuti pa ikuha mo ng meryenda si Tj.” Bumaling ako sa kanya at ang laki ng ngisi niya. Padabog akong lumabas ng kwarto. Humalakhak ito na mas lalong kinainis ko. Palibhasa gustong gusto siya dito ni Inay! Nakakainis.

“Uso ngumiti Isabelle. Humahaba nguso mo, pumapangit ka tuloy.” May gana pa talaga siyang sundan ako. Hindi pa rin humuhupa ang tawa niya. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko. Kapag kasi napansin niya na naiinis niya ako ay mas lalo niya akong iinisin. Lagyan ko kaya ng lason ang pagkain.

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon