Kabanata 7

169 20 20
                                    

 

Kabanata 7: I waited for you

 

 

“Manong dito na lang po.” Tumigil ang tricycle sa harap ng bahay namin. Unang bumaba si Popoy at nagbayad kay manong. Pagkababa ko ay bumungad sa akin si inay na abala sa pagwawalis ngunit nakatingin sa amin. Nakakunot ang noo nito at pagkuwa’y ngumiti siya nang makita si Popoy.

Hindi na rin ako nagtaka kung si Popoy ang nagbayad. Malamang hindi rin naman nito tatanggapin ang bayad ko. Kaya nagpasalamat na lang ako sa kanya.

“Hijo bakit dito ka bumaba? Sana nagpahatid ka na hanggang sa inyo.” Wika ng aking inay. Lumapit ito sa bakuran.

“Hinatid ko lang po si Isabelle.” Nakangiting tugon ng kumag. Nagmano pa ito. Bumaling naman si inay sa akin na para bang nanunukso. Naku.

“Pumasok ka muna. May meryenda akong niluto.” Walang kibong sumunod sa loob ng bahay si Popoy. Sumunod na rin ako sa kanila.

Mahigit kalahating oras din na nasa bahay si Popoy. Magkalapit ang pamilya ni Popoy at ng pamilya ko. Halos naman ng pamilya dito sa farm ay magkakakilala. Mas malapit nga lang kami sa pamilya ni Popoy. Ninang ko pa ang nanay ni Popoy—si Ninang Janet. Kung hindi nga lang ako laging tinutukso nitong si Popoy ay malamang siya na ang best friend ko ngayon.

Lagi ngang sinusuway ni Ninang Janet ang kanyang anak kapag inaasar na ako nito. Pasalamat na nga lang daw sila dahil hindi ako napaiyak ni Popoy noon. Paano kasi lagi ko siyang sinusungitan o kaya naman ay hindi ko siya papansin. Simula nang mag-aral kami sa high school ay nagbago na itong si Popoy. Hindi niya na ako inaasar. Naging malapit ko siyang kaibigan. Nakakatuwa nga dahil kaming mga naging kaklase niya noong grade school ang tumatawag sa kanya ng ‘Popoy’. Yung mga nakakakilala sa kanya sa school ay tinatawag siyang Paulo. Yun talaga ang totoo niyang pangalan.

Mabuti nga’t hindi ito choosy pagdating sa panagalan. Hindi tulad ni Tj. Si Tj kaya sasali yun sa program?  Sabagay tinatanong pa ba yun. Hindi siya makikilahok dahil wala naman siyang ipapakitang talent. Puro pang-aasar lang din ang alam nun!

“Isabelle salamat ha. Sa susunod ulit. Sana sabay pa tayo.” Hindi ko na napansin na nakalabas na kami ng bahay. Gumagabi na kasi kaya nagpaalam na si Popoy. Natawa ako nang maisip ko ang sinabi niya.

“Sira ka ba. Gusto mo bang maubos ang pera mo. Baka pagalitan ka pa Ninang niyan. At kung sasabay ka sa akin dapat kasi hayaan mo rin akong magbayad. Hindi ako sasabay sa’yo kung hindi ganun.” Alam naman nang lahat na parehas lang kami ng kinatatayuan sa buhay ni Popoy. Hindi naman pwedeng araw-araw ay nililibre niya ako. Saan siya kukuha ng pera?

Napakamot siya sa kanyang ulo. “Lagi mo naman kasing kasabay si Tj. Okay naman sa akin kahit ako pa ang magbayad Isabelle basta kahit sabay lang tayo.” Namula ang kanyang pisngi. Ang pupungay pa ng kanyang mga mata. Shit! Hindi ko tuloy mapigilan ang pag-iinit ng pisngi ko.

“Kapag minsan naman hindi ko siya k-kasabay.” Nautal pa ako. Shit! “Kung sabay tayo dapat magbabayad din ako at dapat sabihin mo agad para masabi ko kay Tj. Alam mo naman yun. Talagang sinasabay niya ako.” Nagmukha pa tuloy hadlang si Tj sa pagkakasabay naming dalawa ni Popoy. Magtatampo sigurado yun kapag hindi ako sumabay sa kanya! Teka! Wala naman siyang dapat ikatampo di ba?

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon