Kabanata 11

132 8 7
                                    

Kabanata 11: Marry you

 

 

Lulan kami ng kanilang ranger pauwi sa bahay. Bumalot ang matinding katahimikan sa loob. Tanging si Kuya George lang ang nagsasalita at kung tatanungin si Tj ay doon lamang ito nagsasalita. Itinikom ko na lang din ang bibig ko. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang halikan na nangyari sa pagitan namin ni Tj. Umabot ba talaga kami sa puntong ‘yon? Tanong na paulit-ulit na umiikot sa isip ko. Nasa backseat kaming parehas ni Tj. Umupo ako sa kabilang upuan malapit sa bintana at siya naman ang sa kabila. Nakaharap sakin ang inuupuan ni Kuya George.

Habang binabagtas naman ang daan pauwi samin ay naisip ko ang naramdaman ko ng hinahalikan ako ni Tj. Awtomatikong pumula ang pisngi ko. Shit ano ba ‘tong nararamdaman ko sa tyan ko?! Bakit ba simula ng umamin si Tj ay hindi na ako mapalagay sa mga nangyayari, sa mga kilos na pinapakita niya at sa mga salitang binibitawan niya. And this feeling, it’s like a puzzle to me that I can’t even solve. I don’t know how.

Napasandal ako sa aking kinauupuan. What about Popoy? Yung naramdaman ko noong umamin siya na may crush siya sakin? Bumilis din ang tibok ko sa mga matatamis na salitang binitiwan niya. Love ba ang tawag sa dalawang ‘yun? Maybe no or maybe yes. Although now, I can’t distinguish. But I know someday, I am able to name this feeling.

Oh josko. Paano nalang kapag nalaman ni nanay at tatay ang mga pinag-iisip ko ngayon? Malamang kanina pa nila ako binatukan.

Sa gitna ng paglalakbay ng aking isip ay naramdaman ko ang isang kamay na humawak sa kamay ko. Napapikit na lamang ako nang muling nabigyang buhay ang puso ko. Just one touch and I could hear my heart beating. Mabuti nalang talaga at nasa likod ako ni Kuya George kung hindi ay makikita niya ang mapanlinlang kong pisngi. Namumula na naman ang mga iyon panigurado.

Humilig siya sa kanyang kinauupuan. Kahit na sa labas ako tumitingin ay alam na alam kong naghihintay ang mapupungay niyang mga mata na tignan ko.

Thomas Jimenez. What are you doing to me?

“Anong iniisip mo? Bakit ang tahimik mo? I’ll go with you to church tomorrow. Luluwas sila mommy sa Manila mamayang gabi.” Pwede Tj isa isa lang? Yan na naman siya. Ang hilig niyang tanungin ang mga iniisip ko. He so much cares about my thoughts. Dati ang simple lang ng buhay naming dalawa kapag magkasama. Nagkukulitan. Nag-aasaran.

Sumulyap ako sa kanya at tama nga ang hinala ko. Ang mga mapupungay niyang mga mata ang bumungad sakin. Tumango nalang ako at tumingin ulit sa labas. Hindi na rin niya ako kinulit gaya ng dating ginagawa niya kapag alam niyang wala ako sa mood. Kukulitin niya talaga ako hanggang sa mapatawa niya ako. Hindi ko alam noon, kapag wala ako sa mood at gumagana ang pagiging makulit niya, ay matatawa o maiinis nalang ako sa kanya.

                                                

Tuwing linggo ay nagsisimba kami ng pamilya ko. Minsan hindi namin nakakasama si Kuya Renz dahil na rin sa pagiging abala nito sa pag-aaral. Ganun din sina Tj at ng ibang tao sa farm. Ang kaso nga lang ay sa bayan pa ang simbahan kung saan ginaganap ang misa.

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon