Kabanata 8

152 16 11
                                    

Kabanata 8: Nagtatampo

 

 

Kasabay nang paglipas ng mga araw ang hindi pagpansin sa akin ni Tj. Nakakausap ko lamang ito kapag may itatanong ako sa kanya. Si Popoy na rin ang madalas kong kasabay. Lumalabas kasi agad si Tj ng classroom kapag uwian na. Iniisip ba niya na ayaw ko siyang kasabay dahil lang sa nakasabay ko noon si Popoy? Hindi naman siya ganito magtampo. Aaminin ko na nalulungkot na ako sa sitwasyon namin ngayon ni Tj.

Kahit kailan hindi ko naisip na magkakaganito kami. Siya kasi yung klase ng tao na hindi marunong magtanim ng sama ng loob o magtampo nang ganun katagal. Sino ba naman kasi ang hindi malulungkot kung ang best friend mo ay hindi ka pinapansin? Kami ang laging magkasabay maglunch, umuwi o pumasok sa school pero ngayon ay nagbago lahat.

Ang nakakalungkot doon ay nagbago ang lahat sa inyo ng hindi mo alam ang totoong dahilan kung bakit. At ang nakaka-inis, kahit alam mong wala kang ginagawang mali o walang mali sa ginagawa mo ay iyon pa ang pakiramdam mong dahilan kung bakit siya lumalayo sa’yo.

Pinagmasdam ko ang mga kasamahan ko na nag-aayos para sa program mamaya. Kasalukuyan kaming nagpapahinga ngayon kasama ang isa kong kaklase na si Marjorie. She is the secretary of our organization. Simula umaga ay inaasikaso na namin ang kailangan tapusin para mamaya. Excuse na rin kami sa klase dahil nga masyadong kaming abala para sa preparasyon dito.

“Okay na ba yung mag-ooperate ng sound system para sa dance contest?” Tanong ko kay Marjorie na abala sa pagtetext. Lumingon ito sa akin.

“Oo. 2pm daw sila darating para handa na kapag magsisimula na ang program. By 4pm pwede ng simulan.” Tugon nito at bumalik na ulit sa pagtingin sa kanyang cellphone. Tumango na lang ako.

Pinahintulutan din na manood ang mga magulang ng mga estudyante dahil Fund Raising Activity ito. Syempre magbabayad sila ng entrance fee para sa contest na gusto nilang panuorin. Kaya kahit sino pwedeng manood. 4pm sabay sabay na sisimulan ang lahat ng contest para sa activity na ito.

Katulong din kami sa pagbabantay ng entrance kasama nang ilang mga guro. Kaya bawal pumasok hangga’t hindi  nakakapagbayad.

Dumating ang 3pm ay marami na agad ang tao sa labas. Katabi ko ulit si Marjorie at ang isa naming guro. Nadagdagan na rin ang nagbabantay sa entrance dahil maraming tao ang gustong manood. Nakita ko na din na dumating na si Mayor Rico kasama ang kanyang mga body guards. At syempre kasunod nito ang kanyang anak. Si Mayor Rico kasi ang major sponsor sa program nito gaya nga ng sabi ni Mrs. Carreon. May mga pulis na rin upang maiwasan ang gulo lalo na’t hindi lang mga estudyante ang maaring manood.

“Isabelle!” Sigaw nang isang lalaki sa harap ko. Tumingala ako at nakita ang nakangising si Popoy.

Kunot noo ko siyang tinignan. Tila kadarating lang nito. Tinaasan ko siya ng kilay. “Mamaya ha.” Anito.

Akala ko pa naman ay nakalimutan na niya yung pinag-usapan namin o ako lang ang nakalimot? Inisip ko pa kasi kung ano ang tinutukoy nito. Paano kaya ako makakatakas nito kung ang dami ng tao. Hindi naman kasi expect na ganito kalaki ang bilang ng tao ang gustong makapasok. Ngayon pa nga lang ay ang dami na ng tao. Paano pa kaya mamaya?

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon