Kabanata 20

115 6 4
                                    

Kabanata 20: Ang Kaarawan

 

Nang maghapon at uwian na, sabay sabay kami ng mga kaklase kong pumanta sa bahay nila Popoy. At syempre kasama na namin si Birthday boy. Hindi naman lahat sumama. Ilan lamang ang sumama na hindi taga farm.

At halos sa mga kasama ko ngayon ay ang mga naging kaklase ko noon. Hindi rin naman sumabay sila Tj. Silang dalawa ni Claire ang magkasabay at ang alam ko’y magpapaalam muna sila kay Mayor.

Sabi ni Popoy hindi naman bongga talaga ang handaan sa kanila. Nakakapagtaka nga dahil noon, kami kami lang talaga ang nagse-celebrate ng kaarawan niya.

Pinagmasdan ko siya habang papunta kami sa terminal. Hindi mawala sa mukha niya ang ngiting kanina niya pang suot. Nang bumaling siya sakin ay agad na nagtama ang mga mata namin. Mas lalong lumuwang ang ngiti niya nang mahuli akong nakatitig sa kanya. Shit!

Tumaas ang isang kilay niya habang titig na ngayon sa mukha ko. Tila nagbara ang lalamunan ko at hindi makapagsalita.

“Uy Paulo kantahan mo kami ha!” Malakas na utas ni Esel.

“Ha? Ano yun?” Aniya na tila hindi narinig ang sinabi sa kanya ni Esel. Yan kasi! Ang lakas na nga ng pagkakasabi hindi pa rin narinig.

“Kasi naman huwag niyo ng iniistorbo ang dalawa.” Singit naman ni Aimee. Takte! Kasama nga pala ang bruhang ‘to.

“Ay oo nga pala!” Humalakhak sila. Hanggang sa makasakay kami ng jeep ay puro tukso lang ang naririnig ko sa kanila.

Ngunit nang umandar na ang jeep ay saka lang sila tumigil. May kanya kanya na silang pinag-uusapan. Si Popoy naman tahimik na din sa tabi ko.

“AHHH!” Halos mapasigaw ako nang bigla nalang huminto ang sinasakyan namin jeep.

Mabuti nalang at agad na nahawakan ako sa braso at mapigilan sa pagsubsob ni Popoy.

“Walangya!” Galit niyang bulaslas. Napanganga naman ako nang marinig yun. Marunong din pala siyang magalit huh?

Magkasalubong ang kilay nito nang tumitig sakin. “Okay ka lang ba?”

Tumango nalang ako. Nagreklamo at kung anu ano pa ang sinabi ng ibang kasama namin maging ang ibang sakay sa jeep.

“Ano ba yan?!”

 

“Paharang harang naman sa daan!”

 

Ang iba naman namin kaklase ay tinatawanan pa ang mga napasubsob dahil sa biglang pagpreno ng jeep. Mga adik! Dahil pala sa isang kalabaw kung bakit biglang huminto ang jeep. Baku-bako na nga ang daan banda dito tapos biglang susulpot pa ang kalabaw na’to!

Lintek! Unti-unti naman napakunot ang noo ko nang mapansin na hindi pa inaalis ni Popoy ang braso niya sa balikat ko. Nang umandar na muli ang jeep saka niya lang naalala ang pagkakahawak niya sakin.

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon