Kabanata 12

129 7 7
                                    

Kabanata 12: Mood swings

 

 

 

Lunes na at panibagong araw na naman. At nandito na naman kami sa school. Bago magsimula ang klase ay sinubukan akong lapitan ni Popoy ngunit agad din humaharang si Tj. Kakausapin ako nito para lang hindi matuloy ni Popoy ang paglapit sakin. Anong akala niya ay hindi ko napapansin ‘yun?

Sumisimangot nalang ako sa kanya. Kawawa naman kasi si Popoy dahil wala naman siyang ginagawang masama. Bagamat ganun nga ang nangyayari, mamaya lalapitan ko siya. Tila gwardiya ang lintek na’to! Hanggang sa i-announce ng aming guro ang magiging grupo para sa reporting. Magkagrupo kami ni Popoy. Si Tj naman ay iba ang kagrupo. Tuwang tuwa talaga ako ng hindi ko siya ka-group.

Pinilit pa nito ang aming guro na makipagpalit nalang kay Aimee na kasama namin ni Popoy sa group ngunit sa kasamaang palad ay hindi pumayag ang aming guro. Dumating ang lunch time. Kasabay ko si Marjorie sa pagpunta sa canteen. Si Tj ay nasa classroom pa at tinatapos ang activity na pinagawa samin.

“Nakakainis talaga. Ang malas malas ko pagdating sa group na ‘yan.” Pagrereklamo niya. Kumunot naman ang noo ko. Kapag talaga malas ka ay napupunta sa’yo minsan ang ayaw mong maging grupo.

“Bakit sino bang mga kagroup mo?” Tanong ko kay Marjorie. Tumingin-tingin ako sa paligid. Ilang buwan nalang at aalis na kami sa paaralan na’to. Masaya na nakakalungkot. There’s so much memories in here. Napansin ko pa ang dalawa naming kaklase na si Ivy at Jenny na tila may hinihintay sa isang tabi. Sila ang mga kagroup ni Tj ah? Baka naman siya nga ang hinihintay nila. Hindi ko nalang pinansin at mukhang alam naman nila na hindi pa tapos ang lalaking ‘yun sa activity.

“Si Miko at Tyler!” Nalagpasan na namin sila ng muling magsalita si Marjorie. “Puro naman kasi yabang ang dalawang ‘yun. Mabuti pa ikaw, kasama mo si Paulo. Ang unfair talaga. Parehas na kayong matalino at masipag. Pwedeng ipag-switch ko man lang kahit ang isa sa kanila sa inyo?” Natawa nalang ako sa sinabi niya. Pulos nga kayabangan ang alam ng dalawang ‘yun. Iniisip ko palang kung sila ang makakasama ko ay sigurado ako rin ang gagawa sa lahat.

“Sige sa’yo nalang si Paulo.” Biro ko sa kanya at tumawa pa.

 

“Huwag na. Baka magselos kapa,” bumuntong hininga siya. “At isa pa bawal naman ang makipagpalit, ‘di ba? Kung pwede lang edi sana kanina pa pinayagan si Tj sa grupo niyo. Ikaw ah. Isa pa ang lalaking ‘yun. Mukhang may tama sa’yo.” Dagdag niya.

“Wala no’. Bakit ba pinag-iisipan ng kung anu-ano ang isang kilos lang ng tao? Ganun lang talaga si Tj.” Tanggi ko.

Marahil nakakahalata na ang isang ‘to. Hindi naman siguro masama kung sabihin ko sa kanya, ‘di ba? Ang hirap naman kasi ng tinatago mo ang nararamdaman mo sa sarili mo lang. Bumuntong hininga ako. Wala naman kasi akong ibang pwedeng pagsabihan.

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon