Kabanata 5

236 45 47
                                    

Kabanata 5: Moments

 

 

Gumagana na naman ang pagiging mayabang niya. May maipagmamayabang naman kasi. Ani nang isang bahagi ng isip ko.

Bumaling agad sa direksyon namin si tatay at si Kuya George nang makalapit kami sa kinatatayuan nila. Bakas sa mukha ng aking ama ang pagtataka. Kunot-noo itong napatingin sa kamay kong naka-kapit sa braso ni Tj. Geez. I thought he’s curious why I’m here. Tila may dumaloy na kuryente sa mga kamay ko kaya napahiwalay ako ng di oras kay Tj. Yun pala ang dahilan kung bakit naka-kunot ang noo niya. Takang napalingon din si Tj sa ginawa ko.

Ipinilig niya na lang ang kanyang ulo at inikot ang kanyang paningin sa mga manggagawa na nagsimula nang mag-ani sa farm. “Isabelle, anong ginagawa mo dito? Sinong kasama ng mama mo sa bahay?” May bahid na ‘di pagsang-ayon sa mukha ng aking ama. Sa boses pa lang niya ay ramdam na ramdam ko na ang di pag-apruba sa presensya ko rito. Gusto ko tuloy sabihan ng ‘I told you so’ si Tj.

Bago pa ako makasagot sa aking ama ay nilingon na ulit ni Tj ang aking ama at siya ang sumagot dito. “Commander, ako ang nagpumilit kay Isabelle na pumunta rito.” Ngumisi pa ito sa aking ama. Malakas din kasi ang loob ng unggoy na ‘to dahil close sila ng ama ko. “Pumunta po sa bayan si Tita Carmen kaya sinama ko na po si Isabelle dito.” Tumango ang aking ama sa kanya. Nakangiti at umiiling na lang si Kuya George siguro dahil sa sinabi ng kanyang alaga.

“Commander, hindi pa ba natin ilalagay ang mga iyon sa truck?” Nanunuksong tanong ni Kuya George sa aking ama. Tinignan ko ang mga tinuturo nitong mga kaing. Marami na rin pala silang naa-ani dahil bawat kaing ay may laman ng iba’t ibang prutas. May iba namang manggagawa na tulak tulak ang mga kariton papunta sa tabi ng truck. And the others were putting the fruits in crates.

Iluluwas na ba ito agad-agad? Ay hindi hindi. Itatambak lang ang mga yan hanggang sa bumulok.

“Huwag mo ng sinasakyan ang kalokohan ng bata George. Alam mo naman itong alaga mong si Tj ay masyadong mapag-biro.” Humalakhak pa silang tatlo. Minsan naitatanong ko na lang sa sarili ko kung ano ba ang pinakain nitong si Tj sa aking ama at masyado silang malapit sa isa’t isa.

Nagpaalam na sila sa amin upang simulan na ang kanilang trabaho. Naiwan kami ni Tj na nakatayo habang pinapanuod ang mga manggagawa sa farm. Ano na kayang balak ng kumag na ito? Tinignan ko ito habang pinapagmasdan niya ang mga tao na abalang-abala sa kanilang ginagawa.

“Isabelle tara dun tayo.” Itinuro niya ang nasa kanan ko kung saan napapalibutan ng mga puno ng mangga. Walang kibo akong sumunod sa itinuro niya. Binati naman siya ng mga trabahador nang makalapit kami.

“Gusto mo ba?” Pagkaraa’y tanong niya. Hindi ko alam kung ano ba ang tinatanong niya dahil nakatingin ako sa isang puno ng mangga. Napanganga na lang ako ng tumingin ako sa kanya. Hawak niya sa kanyang kanang kamay ang isang mangga.

Hindi naman talaga kasi ako mahilig sa mangga. Kahit matamis o maasim pa yan. Umiling na lang ako. Pero sadyang makulit ang lalaking ‘to kaya lumapit siya sa akin at inilahad sa kamay ko ang hawak niya.

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon