Kabanata 26

92 3 3
                                    

Kabanata 26: Meron ka ba?

 

 

 

Napalunok ako sa tanong niya. Isa lang ang ibig sabihin nun, nakikinig siya kanina habang nag-uusap kami ni Popoy. O baka hindi siya nakikinig, ngunit sinundan niya kami.

Bago mag-usisa sa pang-aakbay niya kay Claire kanina ay sasagutin ko na muna ang tanong niya. At mabuti pang sabihin ko sa na kanya ang tungkol sa pinag-usapan namin ni Popoy.

Matama siyang nakinig. Magkasalubong ang dalawa niyang kilay at taimtim na nakikinig sa kwento ko.

“Ayun nga. At bakit ka nga pala nandoon?” Tanong ko nang matapos ako sa pagkukwento.

Ngumuso siya at nag-iwas ng tingin. Kumunot ang noo ko. Ano? Siguro naman nakumbinsi ko na siyang itigil na ang pagseselos kay Popoy. Kasi wala ng dahilan pa upang magselos kay Popoy. Ikaw lang mahal ko Thomas Jimenez.

“Dalawang beses mo siyang niyakap.” Nalaglag ang panga ko sa akusa niya. Oo dalawang beses nga iyon. Pero di ko aakalain na pati iyon ay bilang niya.

“Ano naman? Sinabi ko naman sa’yo. Gusto ko lang na i-comfort siya. Nasaktan ko siya okay?” Wala talagang pinapalampas. Hindi pa ba siya natutuwa dahil alam na ni Popoy ang relasyon namin?

“Kahit na—”

“Hep! Tumigil ka Thomas. Pwede bawas bawasan mo yang pagseselos mo!” Napaismid pa ako.

Masarap sa feeling kapag nagseselos ang taong mahal mo. Ibig sabihin, mahal ka niya at takot siyang mawala ka sa kanya. May iba’t ibang kahulugan ang pagseselos. May magandang naidudulot yun pero may negative effect din. Maganda kung ‘sakto’ lang at hindi yung sumusobra.

Inirapan ko siya. Kitang kita ko sa gilid ng mata ko ang ngiti niya kaya agad akong sumulyap ulit sa kanya. Ngunit nang magkaharap na kami ay hindi niya pinahalata ang ngiti niya. Bagkus ay nagseryoso ito.

“But it doesn’t mean that I will allow him to be near you always.” Aniya at ipinagdiinan pa ang salitang ‘always’.

“Tj!” Ang sarap sapakin ng lalaking ‘to! Ang tuso talaga. So selfish, protective and possessive!

“What? Gusto ka pa din ng lalaking yun! Pasalamat pa nga siya at pinayagan ko na ngang makalapit sa’yo pero hindi lagi!”

Yan na naman ang baluktot niyang dahilan na kahit anong proseso sa isip ko ay hindi ko maintindihan.

“Ikaw ha! Sobra ka talaga. Sobra makaharang. Sobra magselos! Pero dikit ka ng dikit kay Claire. Pagdating sa’yo, gusto mo okay lang lahat.” Lumapit ako sa kanya at dinuro duro siya sa kanyang dibdib.

Nag-iinit na naman ang ulo ko sa sobrang inis at asar sa lalaking ‘to. Hindi ko alam kung sinasadya niya ba talaga ito para mainis ako sa kanya o talagang ganito na talaga siya!

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon