Kabanata 27

78 4 3
                                    

Kabanata 27: Masarap ba?

 

 

Tila naubusan ako ng dugo nang marinig ang boses na yun. Parehas kaming na-estatwa ni Tj sa aming kinatatayuan. Kapagkuwa’y sabay kaming lumingon ni Tj sa bahay. Nakapamaywang na nakatayo si inay sa gilid ng pinto habang nanliliit ang kanyang mga mata na nakatingin samin.

Halos hindi ko na mahabol ang aking hininga sa sobrang kaba. Napabuntong hininga na lamang ako ng walang soot na salamin ang aking inay. Muntikan na iyon!

 

Parang humihiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan kanina. Jusko!

Marahas na bumuga ng hangin si Tj at lumayo ng tuluyan sakin.

“PO! Teka lang! Nanghihiram po ng notebook si Tj.” Sigaw ko at kinagat ang labi. Babatukan ako ni inay kung alam lang niya na nagsisinungaling ako.

Mas lalo pang kumunot ang noo ni inay habang nakatuon ang mga mata niya sa gawi namin. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maaawa dahil malabo ang mga mata ni inay. Ngunit sa ganitong pagkakataon ako nagpapasalamat dahil hindi kami nakita ng maayos. HAHA!

“Bakit ang hilig niyong mag-usap sa labas at hindi dito sa loob?”

 

“Aalis na din po kasi ako Tita!” Sabad naman ni Tj.

Ilang sandali lang ay pumasok na sa loob si inay. Malabo nga ang mga mata subalit matalas naman ang pandinig. Natunugan agad ang pagdating ko.

Diyos ko salamat. Mabuti nalang! Bulong ko.

“Mga palusot mo ha.” Wika ni Tj at tinaasan pa ako ng kilay. Langya! At nakuha pa niyang ngumisi. Pasalamat nga siya at hindi kami nahuli!

“Umalis ka na! Muntik na tayo dun!” Hinampas ko siya sa dibdib. Walang pinagbago! Ang tigas pa rin. Tinaboy ko na talaga siya ng tuluyan.

Paano kung hindi si inay ang lumabas? Paano kung si tatay? Naku po. Katapusan ko na sigurado.

Sa mga sumunod na araw ay naging maingat kami sa mga kilos namin. Ako lang naman ang may pag-aalinlangan na mabuko kami. Kung si Tj lang, walang pakielam yun kahit malaman ng lahat. Matutuwa pa nga siya.

Minsan natutukso na din ako na isiwalat na lang ang lahat tungkol samin o hindi naalng itago ang relasyon namin. Minsan gusto ko ng pumayag sa nais ni Tj. Ano nga naman ang ipinagkaiba ng ngayon sa darating ng panahon?  

Sa tuwing nakakahalubilo ko ang pamilya ni Tj, ang Daddy at Mommy niya, tila nagbabago ang isip ko na itago namin ito. Unti unti akong nakukumbinsi na ipaalam sa kanila. Talaga naman na mabait ang pamilya ni Tj. Ngunit hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon nila. Kung nagustuhan nila ako bilang kaibigan ni Tj, paano kung bilang girlfriend? Paano kung mas gusto nila para sa kanilang anak ang napapabilang sa kanila? Isang tulad din nilang mayaman?

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon