Kabanata 29

70 7 3
                                    

Kabanata 29: Don’t give a fuck

 

 

Sa araw na iyon, hindi lang ang mga nakita ko ang nakapagpainis sakin. Akala ko huhupa rin ang nararamdaman kong inis sa mga babae ni Tj. Oo mga babae niya talaga! Kainis.

I’m being so unreasonable. Pero anong magagawa ko? Hindi ko maiwasan ang magselos. Lalo na pakiramdam ko sinasadya ni Tj iyon pagdating kay Claire. O baka talagang natutuwa siya kay Claire? Pakiramdam ko tuloy kinukurot ang puso ko tuwing naaalala ang eksena sa labas ng classroom.

Sabi ko naman sa sarili ko na hindi ko nalang papansinin yun. Nang pumasok ang guro namin kasabay sila, hindi ko napigilan ang pagtaas ng kilay ko habang pinagmamasdan silang dalawa. Iba pa rin talaga ang kutob ko kay Claire. Hindi man siya umaamin pero alam ko na may nararamdaman siya para kay Tj.

Umirap ako sa kawalan nang marinig ko ulit ang mahinang tawa niya sa sinabi ni Tj. Hindi ko lang iyon narinig dahil sa ingay ng mga kaklaseng malapit sa pwesto ko. AHHHH! Isabelle kailangan mong magtiwala kay Tj. Kaibigan lang si Claire gaya ni Popoy.

Natural lang naman ang magselos di ba? Pero sa kaibigan? Si Popoy kaibigan ko at pinagselosan ni Tj. Hindi lang noon pati ngayon. Ginigiit ko sa kanya noon na hanggang dun lang ang pwede kong i-offer para kay Popoy ngunit tila sarado ang pag-iisip niya. Tanging nangibabaw ang selos niya. Ganun din ba ang nangyayari sakin ngayon? Jusko!

Nang break time, kasabay namin si Claire. Hindi nito kasama ang mga alipores niya. Kaya hindi rin ako tinantanan ng inis ko. Nawalan tuloy akong ganang kumain.

“Tj, pahiram ng notebook mo. Kokopyahin ko yung assignment.” Kanina kasi pinatawag kami ng adviser ko. May ibinigay na assignment yung isang strikto naming guro.

“Huh? Anong notebook?” Tanong niya nang wala sa sarili. Parang nag-init agad ang ulo ko dahil abala siya sa pakikipag-usap kay Claire. Ni hindi nga nila ako sinasali sa usapan nila!

Sana naman sinasabi nila kung pwede na akong umalis at baka naiistorbo ko sila!

“Yung sa Math.” Lumakas ang boses ko. Hayaan niyo lang. Hinding hindi ko kayo iistorbohin at gagawin nalang ang letseng assignment na yun!

“Hmm. Eto…” Agad kong kinuha ang notebook niya nang hindi siya tinitignan. Bwiset!

“Uy Isabelle. Kumain ka muna kaya. Mamaya mo nalang gawin yan.” May pag-aalala sa boses niya. Kita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin si Claire sakin.

Wala kang pake Tj! Makipag-usap ka nalang dyan kay Claire! Ugh!

“Mamaya nalang.” Nginitian ko siya ng plastik. Inirapan ko siya nang hindi na nakatingin si Claire samin. Ayaw kong mahalata niya na naiinis ako.

Tila nagulat naman si Tj at napalunok. Ngayon tignan natin kung manhid ka at di mo mapansin na naiinis na ako.

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon