Kabanata 32

97 3 1
                                    

Kabanata 32: Truth or Lie?

 

 

Nang mga oras na ‘yon, hindi ko alam kung paano napatid ang tensyon sa dalawa. Walang malay na sumunod nalang ako kay Aimee nang hinila niya ako patayo para pumunta na kami sa opisina ng aming adviser dahil nakumpleto na rin kami.

Samantala, nagpaiwan naman si Tj at masuyong sinabihan ako na maghihintay siya. Katulad ng iba naming kaklase na naroon na hindi naman kasali sa Top 10 ay naiwan din sa garden. Napagtanto ko na hindi naman pala sa garden tatambay si Tj nang pumihit ito patalikod sa mga kaklase namin at tumungo sa cafeteria. Sira ulo ka ba, Isabelle? Malamang hindi ‘yon mag-aasam pa na magpaiwan kasama ang isang Kevin matapos ang mapangahas na hakbang ng tsismosong ‘yon sa’yo kanina!

 

Umiling ako hudyat ng pagsuko sa isang bahagi ng isip ko. May lamat na sa relasyon ni Tj at Kevin bilang magbarkada.

Mabilis lang na ibinalita ni Mrs. Carreon ang resulta sa aming pagsusulit at maging ang aming ranko sa klase. Walang nagbago sa ranko na nakasanayan ko na. Pansamantala pa nga lang iyon ngunit naging opisyal din hanggang sa natapos ang deliberation.

“Congrats Isabelle,” masuyong bati ni Popoy na nasa kaliwa ko. Sa kabilang banda ng silid-aralan ay doon nakaupo ang magulang ng bawat isa.

Magalang na nakipagkamay ang aming principal at ibang guro sa mga magulang namin. Sa sobrang tuwa ko ay napatayo na rin gaya ng iba at niyakap si Popoy.

“Thank you! Congrats din!”

Hindi agad nakabawi sa pagkabigla kaya naiwan sa ere ang dalawa niyang kamay. Ngunit ilang saglit lang ay naramdaman ko rin ang mga braso niya. Nagtama ang mga mata ni Tj na nakatayo sa bandang dulo ng silid-aralan. Sa buong akala ko ay maglalaro na naman sa apoy ang kanyang mata dahil sa galit.

Taliwas sa karaniwan niyang reaksyon ay puno ng tuwa ang kanyang mga mata. Nang napagmasdan ko na ng matagal ang mga iyon ay saka ako bumitaw sa pagkakayakap kay Popoy.

Agad na hinarang ako ng aking mga kaklase nang mapagpasyahan ko na lumapit kay Tj. May ilan na umangat ang kanilang ranko at ang iba naman ay kabaligtaran niyon. Subalit, naging maayos naman iyon sa kanila.

Pinigilan ko lang ang sarili ko na ipalupot ang aking mga braso kay Tj at yakapin siya nang mahigpit. Sa tingin ko pagdating kay Tj ay hindi ko nagagawa ang lahat ng gusto ko dahil napapangunahan ako ng hiya.

“Well, I consider that you don’t need my greetings anymore. I’m so proud of you, baby,” malumanay na sambit ng aking prinsipe.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapangiti ng hawakan niya ang aking kamay at tumitig sa aking mata na puno ng pagmamahal. Nasasanay na ako sa ganito. Lahat ng corny para sakin noon ay unti unti nang niyayakap ng sistema ko bilang isang nakakagalak na pakiramdam.

“Thank you, Tommy. Hmm… hindi ka ba galit?”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 21, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon