Kabanata 2

290 48 55
                                    

Kabanata 2: Tomy

Hindi pa ako nakakapasok sa bahay ay naririnig ko na ang boses ni Don Jaime. Pagkapasok ay agad itong napatingin sa akin. Kausap siya ni tatay bagamat mukha silang busy sa pinag-uusapan nila’y pinansin pa rin ako ng Don.

“Isabelle nasaan si Tj? Hindi ka ba sumabay sa kanya?” Nakangiti pa siya sakin. Mabait talaga ang ama ni Tj at matulungin pa.

Siguro sa kanya nagmana si Tj. Kahawig din kasi nito ang kanyang anak. Parehas na matangos ang ilong at ang hugis ng mukha. But that’s where the similarities end. Mahaba ang pilikmata ni Tj. Namana siguro iyon ni Tj sa mommy niya—kay Donya Elizabeth Jimenez. Nakakamangha ang natural nitong ganda.

“Isabelle?” Untag niya nang hindi ako nakasagot.

“Po?! Si Tj? Ah… Si Tj po kasama niya si Claire. Hindi ko po alam kung saan sila pumunta.” Natataranta kong sagot. Wew. Nakakahiya iyon ah! Bakit ko pa kasi pinagkukumpara ang kagwapuhan ni Don Jaime at ang mukhang asong si Tj. Kahit may edad na ito’y nagmumukha pa rin siyang bata. But don’t get me wrong. Humahanga lang talaga ako kay Don Jaime dahil sa kabaitan niya.

“Ganun ba? Ilang buwan na lang magtatapos na kayo. May napili ka na bang kurso sa kolehiyo?” Napadako ang tingin ko kay tatay na tahimik na nakikinig saming dalawa. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba o hindi. Hindi rin naman kasi ako sigurado kung ‘yon ang kursong ipapakuha sa akin kung sakali. Problema pa ang pera. Naku naman… Mag-aasawa na lang kaya ako para walang problema? Ha! Hindi. Problema pala ang mga ibang lalaki. Mas mamomroblema ako.

“Meron na po. Kaya lang dipende po kay tatay.” Ngumiti ako nang alanganin kay Don Jaime. Nakakalungkot lang isipin na gusto nilang huminto muna ako sa pag-aaral. Hintayin ko muna raw magtapos si Kuya. Isang taon na lang din at magtatapos na siya sa kolehiyo. Mabuti na nga lang at nakakuha ito ng scholarship sa Maynila. Pero hindi pa rin sapat iyon dahil may mga gastos pa siya na kaialngan suportahan nila itay. So ang eksena niyan pagka-graduate ko ay isa akong dakilang tambay samin. Watalyf.

“Ang balak namin ni Carmela ay huminto muna ng isang taon si Isabelle pagtapos nito ng high school. Alam mo naman Jaime hindi pa natatapos si Renz sa pag-aaral niya. Hindi pa kayang suportahan itong si Isabelle. Masyadong mabigat sa bulsa.” Sabad ni itay at tila nahihiya pa ito.

Masyado akong mabigat sa bulsa. Pinapasok nila kasi ako sa bulsa nila. De joke lang. Kapag natapos naman daw si Kuya Renz ay siya na ang susuporta sa akin. Mabuti na siguro ang maging tambay muna pansamantala kesa naman todong hindi ako mag-aaral. Huwag naman sanang ganun. Ayaw ko rin naman na poreber dito sa farm. Hindi masyadong nadi-discover ang kagandahan ko dito sa probinsya. Bakit may kailangan pa ba silang idiscover?

“Ano ka ba naman Michael? Sayang ang isang taon.” Sagot naman ni Don Jaime. Bumalik ang tingin niya sa akin. “Ano bang gusto mong kurso? Ako ng bahala sa gastos.” Biglang nagliwanag ang paningin ko. Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Don Jaime. Hindi na ako magiging dakilang tambay. Yes!

“Huwag na Jaime. Makakapaghintay naman si Isabelle.” Oh no. Pakipulot ang balikat ko nalaglag. Ayos na sana. Moment of happiness ko na iyon.

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon