Kabanata 21

108 5 5
                                    

Kabanata 21: Deja vu

 

Pagkalaho ni Popoy sa paningin ko ay siya namang pagdating ni Tj.

Nanliit pa ang mga mata ko habang papalapit siya. Madilim na kasi at hindi gaanong maaninag ang mukha niya. Nang sawakas na tumama sa mukha niya ang liwanag na nanggaling mula sa ilaw ng isang poste ay saka ko lang napagtanto na siya pala iyon.

Unti unti siyang nakalapit sakin at ang kabuuan nito ang napagmasdan ko lalo.

Nakapamulsa itong huminto sa harap ako. Déjà vu.

Ganitong ganito din ang eksena noong umamin si Popoy sakin ukol sa kanyang nararamdaman. Ang pagtakbo niya. At ang biglang pagsulpot ni Tj. Yung araw na wala akong kaalam alam na hinintay pala niya ako sa labas ng school.

Ang ipinagkaiba nga lang ay ang itsura niya ngayon. Tila nasa kanya na lahat ng problema sa mundo. Walang bahid na saya sa kanyang mukha. Naawa ako bigla sa itsura niya. Hindi ako sanay na nakikita siyang ganito. Si Tj ay isang masiyahin.

Mistulang naging estatwa kami sa labas. Walang gumagalaw at walang nag-abalang magsalita sa aming dalawa. Umihip ang hangin at tumindig ang mga balahibo ko sa sobrang lamig. Iba ang klima dito sa farm tuwing gabi. Kung sa araw nga, sobrang presko paano pa kaya kapag gabi? Lalo na’t maraming puno dito.

“Hmm…” Sinubukan kong magsalita ngunit tanging iyon lang ang lumabas sa bibig ko.

Dapat ba akong matuwa dahil nandito siya ngayon sa harap ko? Ibig sabihin lang naman nagtagumpay ako. Epektib ang ginawa ko. Kung hindi, wala siya dito. Kaya lang parang hindi ko makuhang matuwa sa mga nangyayari sa amin. Naiiyak pa ako. Hindi lang dahil sa pagkamiss ko sa kaniya maging ang presensiya niya ngayon.

Labis naman pinipiga ang puso ko tuwing nakikita siyang ganito. Tuliro. Tila walang kakampi. Gusto ko lagi siyang nakikitang masaya. Shit! Tapos namiss ko pa siya agad.

“Is he courting you now?” Napasinghap pa siya sa sarili niyang tanong.

Nagsimula ng maghurementado ang puso ko. Nanlalambot ang mga tuhod ko sa paraan niya ng pagtitig sakin. Tila nagsimulang inuukit sa puso ko ang guilt. Masakit. Kung nag-isip ako ng mabuti noon at hindi nagpadalos-dalos sa mga desisyon ko ay hindi ko sana siya nakikitang ganito.

ITO ANG GUSTO MONG MANGYARI DI BA? ANG MAGSELOS SIYA!

Plano ko ito. At ngayon na nasa harap ko na siya, kahit hindi ko pa kumpirmado na nagseselos nga siya, parang gusto ko nalang ulit na nagsusungit siya sakin. Gusto ko na talagang sabunutin ang sarili ko! Hindi ko na maisip kung tama ba ang ginawa ko o hindi.

Naging tanga na ata ako pagdating sa pag-iisip ng tama o mali.

“Isabelle.” Halos pabulong niyang sagot nang hindi ako sumagot. Mahina lang ang kanyang boses ngunit tila ma-awtoridad ito.

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon