Kabanata 10

158 14 15
                                    

Kabanata 10: Just a kiss

Sa sumunod na mga araw ay hindi na humihiwalay si Tj sa akin. Mukhang seryoso nga siya sa sinabi niya. Nakikita palang niyang papalapit si Popoy ay sumisimangot na siya. Noong isang araw hinila niya talaga ako para lang magpasama sa Guidance Office kahit alam ko na ayaw niya lang lumapit si Popoy. He’s so possessive and yet I find it cute.

Hindi na rin ako tumanggi sa ‘panliligaw’ niya. Kahit naman anong tanggi ko ay ipipilit niya pa rin ang gusto niya. Knowing Tj… Pero sinabi ko sa kanya na ayokong ipahalata niya sa mga tao dito sa school na nanliligaw siya. Just like when he gave me a rose. Agad agad kong itinago sa bag yun na siyang ikinagulat niya. Sinabi pa nga niya na tinakas niya pa daw yun kay Tita Elizabeth sa garden nito. Nakakatawa talaga siya. Noong una naiinis siya sa set up na gusto ko pero sa bandang huli ay pumayag din siya.

“Anong ngini-ngiti mo dyan?”

 

“Wala. May iniisip lang ako.” Bumaling ako sa kanya na nakataas ang isang kilay. Kasalukayan kaming nasa cafeteria. Umayos ito sa pagkakaupo at humalukipkip. Pinagmasdan kong mabuti ang itsura niya. Hindi na nakakapagtaka kung tinatapunan siya ng malagkit na tingin halos ng mga babae dito.

Tumingin ako sa mga babaeng nagbubulungan sa kabilang table. Masyado talaga silang halata at mabuti nalang ay hindi napapansin ni Tj yun. Baka naman alam niya pero hindi niya lang pinapansin? I rolled my eyes. Bahala nga sila. Bakit pati yun ay pinoproblema ko? Ano nga naman pakielam ko sa—

“Sinong iniisip mo? Siguro iniisip mo na naman yung may crush sayo ‘no?” Kunot-noo ko siyang binalingan. Again, I rolled my eyes. Hanggang ngayon hindi pa rin siya nakakamove on sa issue na yun.

Napansin kong tinignan niya ang isang babae na nakatingin sa kanya kanina pa. Ngumiti siya kay Tj ngunit blanko lang ang ekspresyon ni kumag! Ngumisi ako at pinigilang tumawa ng malakas. Mabuti nga sa kanya. Kababaeng tao tapos siya pa ang nagpapakita ng motibo.

“So iniisip mo nga siya kaya ka ngiti-ngiti dyan?” Ngayon ay naiinis na siya. Ang sarap sapukin ng lalaking ‘to. Kung hindi ko lang siya best friend ay kanina ko pa siya iniwan sa mga babaeng malalagkit ang tingin sa kanya!

“Hindi ‘no! Pwede ba Tj. Kung anu-ano ang iniisip mo ngumiti lang ako.”

“Nagtatanong lang naman ako. Anyway, yayayain sana kita bukas.” Aniya

“Saan?” Ano na naman kayang balak ng lalaking ‘to? Sabado na bukas at wala naman akong alam na gagawin.

“Sa kubo.” Pagkarinig ko sa salitang iyon ay sunod sunod na bumuhos ang mga alaala noong una naming punta dun. Tinakpan ko ang pisngi ko upang itago ang pamumula nito sa kanya. Yung moment na konti na lang ay mahahalikan niya na ako dahil sa sobrang lapit ng mukha niya. Yung araw na sinabi niyang gusto niya akong makasama sa college. Ugh! “Don’t worry ipagpapaalam kita kay Tito mamaya.”

Kaya kinabukasan ay pumunta nga kami sa kubo. Nagpahatid kami kay Kuya George at nagbaon na rin si Tj nang napakadaming pagkain. Dalawa lang naman kami pero bakit sobra naman sa dami ang mga dala niya?

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon