Kabanata 18

116 7 4
                                    

Kabanata 18: Umiiwas

 

Ilang linggo na ang lumipas, pero nakatatak pa rin sa isip ko ang sakit na nakita ko sa kanyang mga mata noon. Sa paglipas ng mga araw, wala akong ibang ginawa kundi gugulin ang sarili ko sa pag-aaral.

Ang bilis ng araw, dalawang buwan nalang mahigit at magtatapos na kami. Ilang araw o lingo na bang dumidistansya si Tj sakin? Sa hindi mabilang na pagkakataon, unti unti siyang umiiwas. Wala naman akong magawa kundi ang unawain siya.

Paminsan minsan pinapansin niya din ako. Kaya lang ang hindi ko maintindihan kung bakit nagiging okay na sa kanya kahit hindi na kami magkasamang madalas. Hindi na rin siya nagagalit kahit madalas kong nakakasama si Popoy.

Lubos na akong nag-aalala tuwing hindi ko siya kasama. Tuluyan na ba siyang lumalayo? Ang sakit naman isipin na kaya niya akong tiisin ng ganito. Pakiramdam ko wala na akong halaga sa kanya. Ang hirap tanggapin na kung noon napaka-espesyal ko sa kanya, ngayon todo todo ang pagbabalewala niya. Ano naman ang magagawa ko? Hindi siya yung pinili ko. Pero hindi ba siya pwedeng maging masaya para sa akin? Kung mahal niya ako dapat sinusuportahan niya ako. Ganun naman iyon di ba?

Sinusubukan ko siyang kausapin kaya lang lagi siyang busy. Kung dinadahilan niya lamang iyon sana tigilan niya na. Lagi akong naghahanap ng pagkakataon para lang masolo ko siya. Yes. Masolo. Kasi kapag may mga kasama siya, hindi ko masabi kung anu man ang dapat kong sabihin sa kanya.

Kaya naman nang isang hapon na nasa school, nakita ko siyang naglalakad mag-isa sa corridor.

“Tj!” Tawag ko sa kanya. Nilakas ko pa ang boses ko ng sa ganun ay marinig niya ako lalo. Pumihit ito upang harapin ako at agad na nagtama ang mga mata namin. He looks the same. Pero bakit pakiramdam ko, ibang iba na siya sa Tj na nakilala ko.

Nagbabadya na ang pamumuo ng luha ko. Ang sakit sakit! Pakiramdam ko ang layo layo niya sakin kahit nasa harapan ko lang siya. Ayaw kong nararamdaman ito. Sumisikip ang dibdib ko at parang ang hirap huminga.

“Ano?” Namanhid ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang boses niya. Napakalamig na parang walang emosyon. Anong nangyari Tommy? Ikaw pa ba yan? Please bumalik ka na sa dati.

I can’t just stand here and let him slip away from my life. Ngayon ko lang napagtanto na hindi ko siyang kayang i-give up. Na kaya ko palang mag-sacrifice ng ibang bagay para sa kanya. Hindi pa naman huli ang lahat ‘di ba? It’s not too late to make things right, ‘di ba?

“Mag-usap tayo.” Lumapit ako sa kanya kahit na nanginginig ang mga tuhod ko sa sobrang kaba. Hindi ako humihiwalay ng tingin sa kanya. Tumango lang siya ngunit blanko pa rin ang ekspresyon sa kanyang mukha.

“Iniiwasan mo ba ako? Galit ka ba sakin?” Untag ko nang makalapit na ako sa kanya.

“Hindi.” Aniya

Hindi? Ganun lang? Walang explanations? Lalong dumadagdag ang kaba ko. Labis din ang paninikip ng dibdib ko sa sobrang sakit. Hindi na nga ba ikaw yan Tj? Ang bilis mong nagbago. Ganito ba ang pagmamahal na sinasabi mo? Parang hindi ko matanggap. Kung kaya mong maging makulit, kaya ko din.

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon