Kabanata 15

130 8 6
                                    

Kabanata 15: Hindi totoo

 

 

Sa loob ng classroom, isa isa kaming umupo sa mga pwesto namin. Magulo ang iba naming kaklse nang pumasok kami.

Kanya kanya ang lahat sa pinagkakaabalahan. Ang ingay dito. Yung nakakairita na sa pandinig. Halos lahat pinag-uusapan ang reporting bukas. Apat na grupo ang mauuna sa reporting bukas. At ang iba naman ay sa susunod na araw.

“Hoy Aimee sinong mga kagrupo mo? Tapos na ba kayo?” Sigaw ng isang kaklase na animo’y bingi ang kanyang kausap.

“Ay OO. Maging kagrupo mo sina Isabelle at Paulo, tignan natin kung hindi kayo matatapos agad.” Sagot naman ni Aimee. Umupo si Popoy sa tabi ko habang wala si Tj. Humahalakhak ito na nakikinig din pala kina Aimee.

Kahit nga pala wala kang balak makinig sa kanila, maririnig mo rin dahil sa sigawan nila. Isa nga din pala itong si Aimee na mahilig sumigaw. Natural na siguro ang boses niyang malakas.

“Ang swerte mo naman Aimeetot!” Humagalpak ng tawa ang iba naming kaklase sa pang-aasar nito kay Aimee.

“Wow ha! Sigaw ka pa, hindi ko kasi marinig!” Ganting sigaw ni Aimee na hindi naman pinansin ang tinawag sa kanya ni Jesa. Isa sa mga komedyante sa classroom.

Hindi ko na narinig ang kasunod na sinabi ni Jesa dahil sa biglang nagsalita si Popoy.

“Maganda pala sa pwestong ‘to. Sana dito nalang pala ako.” Nakangiting wika niya.

Ngumisi ako sa kanya. Gusto kong sabihin na makipagpalit siya kay Tj ngunit naalala ko na malabo na pumayag iyon. Lalo na ngayon na mukhang labis ang inis niya kay Popoy.

“Mas gusto ko nga doon sa bandang pwesto mo.” Nagpatuloy lang ang pag-uusap namin hanggang sa sumingit sa usapan si Claire.

“Isabelle, where’s Tj?” Aniya gamit ang kanyang maarteng boses at seryosong mukha.

Bakit hindi mo hanapin, Claire? Mukha bang tinago ko siya? Tss.

“Kanina nasa library siya kasama sina Jenny at Ivy.”

 

“Oh okay. Hi Paulo!” Ngumiti naman si Paulo nang nginitian siya nito. “Alam niyo, may napapansin talaga ako sa inyong dalawa.”

 

“Ano naman iyon?” Ani Popoy.

“Madalas kayong magkasama eh.” Ngumisi at tinignan kaming dalawa.

 

“Natural magkagrupo kami. Ano ka ba naman Claire?” Sagot ko. Ang chismosa din pala nitong si Claire.

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon