Girl cousin po ni suwoo yan. Enjoy reading! ------------------------------------------------------
"You such a bully kasi" sabi ni unice noona. Nasa bahay na kami ni yoo min kanina pa at nakarating na kay eomma at appa yung ginawa ko kaya ito. Tiis tiis sa taxi papasok. Hay. Tapos narinig pa ng mga to edi ang saya diba.
"Shut up noona" sabi ko at nagkamot na lang ng ulo.
"Dont shut up me suwoo! Sumbong kita kay uncle woozi!" Ang arte ang ingay pa. Pareho talaga sila ni miwoo noona.
Umakyat na lang ako sa kwarto nang maiwasan yung mga yun. Asan ba kasi si juyien hyung.
ㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡ
"Happy birthday yoo min!" Bati ng mga bisita kay yoo min. Wednesday na ngayon. Di ako nakapasok kahapon dahil yung napagdesisyunan ng school isuspend muna ako ng tatlong araw. Peste.
Yang ayanna na yan talaga pahamak eh.
"Tignan mo si ate miwoo. Crush ata si dawon eh." Tinuro ni yoo min si ate miwoo at dawon.
"Hayaan mo sila." Sabi ko. Maya maya may lumapit kay yoo min na tatlong babae.
"Buti nakarating kayo!" Napaharap ako sa kausap nya.
Si in jeo, da yen, at...
Ayanna.
Tumalas ang tingin ko kay ayanna.
"bakit ka andito? Bawal ka sa pamamahay na to" sabi ko sa kanya.
"Ano ka ba naman suwoo. Ininvite ko si ayanna. Birthday ko suwoo please don't start." Sabi ni yoo min. Iniwan ko na lang sila dun at lumipat sa circle of cousins ko. Bahala sila dyan.
"O nakasimangot ka?" taong ni byuhui. Umiling na lang ako.
"Ah kase andito ata yung chicks tapos nagseselos kasi kausap si birthday boy" gatong ni zhu tzu.
"Hala nasaan?" Tanong ni asher. Akala ko ba kampi ka sakin asher?!
"Oo nga asan?" Isa pa tong si juyien hyung. Ayoko na talaga bakit ba mga pinsan ko to.
"Sinong chicks?" Tanong ni ate miwoo. Great. Narinig na nila.
Hanggang sa lahat sila nacurious na kung sino ang tinutukoy ni byuhui kanina. Daldal kasi parang bading.
"Wala!" Sigaw ko kaya natawa naman sila.
Dumiretcho ako ng balcony at nagpahangin.
Buti pa dito tahimik. Dun kasi sa baba parang ewan dun aasarin lang ako.
"Andito ka din pala." May nagsalita sa likod ko. Si ayanna.
"Hindi. Standee ko lang to. Wag mo pansinin." Pilosopo kong sabi sa kanya. Sa lahat lahat ng tao sa baba sya na naman.
"Sorry sige aalis na ako." Siguro sa isang gabi na pagpapakabait ko sa kanya okay na yun diba?
Babalik rin naman ako sa dati di na ako magiging mabait sa kanya.
"No. Stay." Sabi ko sa kanya na ikinatigil nya ng lakad.
Unting unti syang lumingon sa akin habang nasisinagan sya ng ilaw ng buwan.
Ito na naman yung nararamdaman ko nung unang kita ko sa kanya.
I admitt, maganda sya. Maganda nga talaga sya.
Maganda sakalin. Joke lang. Seryoso na. Maganda naman sya at mabait. Ah ewan basta ganun okay. Ngayon lang ako magcocompliment sa kanya.
"A-ah.." utal kong sabi. Tumalikod agad ako sa kanya habang nararamdaman kong unti unti syang lumapit sa pwesto ko at tumabi sa akin.
"P-pwede ba lumayo ka ng isang ruler ang layo?" Sabi ko sa kanya. Hindi porket nagpapakita ako ng kabaitan eh magfefeeling close na sya.
"Sorry. May gusto lang ako itanong sayo suwoo, bakit mo ko binubully? Mukhang ayaw na ayaw mo sakin ah?" Humarap ako sa kanya at nakaharap na sya sakin.
Mahaba ang pilikmata nya at maganda ang mata nya, parang doe eyes. Ganun na nga.
"Basta. Sa akin na lang ang rason na yun ayanna."
THIRD PERSON'S POV
hindi alam ng dalawa na nakasilip sa may pintuan ng balcony ang magpipinsan kasama si soonie, dawon , at ang birthday boy na si yoo min.
Balak ito ni yoo min na pagkasunduin na ang dalawa. Nakikitaan nya kasi ang matalik na kaibigan na hint na may gusto ito kay ayanna ayaw lang aminin.
Isa pa, alam nya kung bakit dinedeny ni suwoo yun dahil never pa sya nagkagirlfriend or crush.
"Sigurado bang ayos tong plano mo ha, yoo min?" Tanong ni miwoo, ang nakakatanda sa magpipinsan.
"Oo noona! Pwede ba wag ka maingay at makinig na lang tayo sa usapan nila." Sabi ni yoo min.
"Wag mo naman ako daganan asher" sita ni unice.
"Sorry noona"
"I dont like girls that's why." Rinig nilang sabi ni suwoo kay ayanna.
"Omg bading couz natin?" React ni unice kaya binatukan sya ni nayoung.
"Pwede ba unnie?" Irap sa kanya ni nayoung.
"Eh sa dinami dami ng babaeng ibubully mo ako pa talaga?" Natatawang sabi ni ayanna.
"You stand out kasi." Tatalikod na sana si suwoo para umalis pero natigilan sya sa sinabi ni ayanna.
"Kahit anong pang aapi mo sakin hinding hindi ako aalis sa neoz suwoo." Kanya kanyang tago ang magpipinsan nung tuluyan nang paalis si suwoo sa balcony.
"Gosh. May guts ang girl na yun" bulong ni unice sa mga kapatid nya na si byuhui at juyien.
"Noona manahimik ka nga marinig pa tayo ni suwoo eh." Sita ni juyien.
"Fine"
Hindi maitindihan ni suwoo ang nararamdaman nya sa tuwing magkalapit sila ni ayanna.
Oo nga unang beses nya pa lang ito naramdaman pero alam nya sa sarili nya na hindi normal yun at ang naramdaman nya ay espesyal para sa dalaga.
It starts with letter L and ends with E. Leavogue. Di, joke lang. Love yun.
Nararamdaman na ito ni suwoo kay ayanna pero hirap syang aminin sa sarili nya sapagkat pinaninidigan nya padin ang pagiging manhid nya sa mga babae.
Bumalik na sya sa ibaba ng bahay nila kung saan nagaganap ang party. Hinahanap nya ang mga pinsan nya ngunit ni isa sa kanila ay di nya matagpuan.
"Asan na yung mga yun?" Napakamot sya sa ulo at patuloy na naglakad lakad sa crowded na lugar. Baka sakaling andun sila.
Samantalang isa isa silang bumaba sa isa pang balcony para di mahalata ni suwoo na galing din sila sa taas.
"Omg ang taas i dont want to do it" tili ni unice at miwoo.
"Ang aarte nyo!paano tayo magiging malinis kay suwoo diba tyaka kaninong idea to? Diba sayo miwoo noona" sigaw ni juyien mula sa ibaba.
"Eh di ko naman alam na gagawin nyo talaga!" Nasa baba na ang mga lalaki habang ang mga babae ay nasa taas pa.
"You go first soonie" kahit ayaw ni soonie, nauna sya. Wala naman sya magagawa eh.
Sumunod naman si nayoung na para bang wala lang sa kanya na ganun kataas ang binababa nila. At pangatlo si sana.
"Iiwan na talaga namin kayo dyan bahala kayo. " umalis na silang lahat na nasa baba pwera sa dalawa.
"Damn. Dumaan na lang tayo sa hagdan!" Asar na sabi ni unice kaya hinila na nya si miwoo papunta sa hagdan.
BINABASA MO ANG
I'm The Little Evil Man's Son
FanfictionI'm lee suwoo, son of lee jihoon (woozi) and sue alonzo, and this is my story. >read the little evil man (book 1) and do you remember (book 2) before reading this. thank you.