8

193 9 4
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




Ayanna's brothers.

Patuloy kong ginagawa yung mga kabalbalan na sinasabi sakin ni yoo min para kay ayanna.

Like bigyan ko naman daw sya chocolates tayo ihatid ko naman sya sa room at sa sakayan pauwi tapos yayain mag lunch at ngayon naman yayain lumabas.

"Bilis na suwoo! Paano mo mapapaibig ang isang dalaga kung ganyan ka." Ayan na naman sya. Padabog kong inabot ang tuwalya ko at naligo na. Nalaman ko na kasi kung saan ang bahay ni ayanna.

Yayain lang naman lumabas. Walang masama dun. Walang malisya sakin yun. Ewan ko na lang kung sa kay ayanna merong malisya.

Wala rin naman akong pake.

Agad na ako umalis pagkatapos ko mag ayos. May date pa kasi ako.

Di naman malayo yung bahay ni ayanna dito samin mga tatlong kanto lang naman.

Pagkarating ko sa harap ng bahay nila nag doorbell ako at buti na lang si ayanna ang nagbukas ng gate.

"Oh suwoo? Ano ginagawa mo dito?" Gusto ko na sana syang layasan kaso wag muna mag pakabait ka muna dyan suwoo konting tiis na lang.

Bibigay din si ayanna.

"Yayayain sana kita lumabas kung ayos lang sayo" ngumiti ako sa kanya ng pilit. Oo PILIT.

"Oo sige teka lang mag aayos lang ako." Gusto ko sana isigaw na 'bilisan mo' kasi ayoko mag antay. Mainipin ako eh.

Di naman kalakihan ang bahay nila, tama lang. Umupo muna ako sa may pwedeng upuan makapag antay lang sa babaeng to.

Tinignan ko pa ang orasan ko. Di naman ganun kalaki ang binawas sa oras pero parang feeling ko isang oras na sya nagpapalit ng damit.

"Huuuuy~ sino inaantay mo dyan suwoo?" Nanlaki ang mata ko nang makita ko yung nang hahabol sa akin galing sa bar nun. Yung gangster.

Bakit dito pa?

"A-ah janus kamusta hehehe...p-pogi ng p-porma mo ah." Tinapik tapik ko ang likod nya habang umaatras ako papasok sa bahay ni ayanna.

"Naalala mo pa ba yung sinabi ko? Di pa tayo tapos diba?" Agad ko sya sinarhan ng gate at sakto namang lumabas si ayanna sa bahay nila.

"O? Bakit andito ka na sa loob?" Nagkamot na lang ako sa ulo.

"Ano kasi ayanna, di na tayo aalis tara sa loob na tayo hehe" tinulak ko sya papasok.

"Ha? Eh sayang yung sinuot ko" wala ako pake! Kailangan ko makatakas kahiy ngayon lang kay janus.

"Okay lang yan." Binuksan na nya ang pinto at tumambad sa akin ang pamilya nya.

Di naman nya sinabi na andito pala ang pamilya nya ngayong araw.

I'm The Little Evil Man's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon