EPILOGUE

104 2 0
                                    

*ring ring ring ring ring ri-*

Lintik na alarm clock to aba. Pasok na naman, kailangan na naman asikasuhin ang kompanya.

Kinapa ko ang gilid ko at naramdaman kong wala na yung asawa ko sa tabi ko. Agad ako umupo sa kama at nagkusot ng mata.

Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang maganda kong asawa at pabibo kong anak.

"Good morning daddy!!" Ngumiti ako at tumakbo palapit sa akin ang anak namin.

"Good morning princess!" Inilapag ng asawa ko ang tray sa kama habang nakangiti sa akin.

"Daddy i made that for you!" Turo ng anak ko sa pancakes.

Tumabi sa amin ang asawa ko at hinalikan ko ito.

Ayanna and i were married for 7 years already. Ambilis ng panahon, parang kahapon lang. At ang ganda ni ayanna, walang kupas.

"Good morning, love." Napangiti naman si ayanna sa greeting ko.

Nung nalaman kong buntis si ayanna kahit hindi pa kami kasal, shempre agad ko na pinakasalan no! Para sure na sure na! Tyaka alam kong akin ang bata, eh ginawa namin eh.

And you know what? Twins ang pinagbubuntis ni ayanna nun.

Kamukha ni ayanna si Ayu, ang panganay ko, ito kayakap ko nga eh.

At ang poging kong anak, shempre mana sakin eh, si Na woo

"Asan si Na woo?" Tanong ko kay ayanna.

"Ayun nasa kusina, nagtatampo. Suyuin mo nga dun." Kumagat muna ako ng pancake at tumayo na.

Bumaba ako para puntahan ang anak kong nagmamaktol daw sa kusina.

"oy pare bakit nagtatampo ha?" Binuhat ko naman si Na woo sa likod ko.

"Si ate kasi... ayaw nya akong patulungin sa pancake..." natawa naman ako sa dahilan nya.

"Gawa ka na lang juice ni daddy okay na yon." Sumilay ang ngiti sa mukha ni na woo.

"Okay sir!" At nagsimula na sya kumuha ng baso.

Ito. Ito talaga ang naiimagine ko noon pa lang nung girlfriend ko si ayanna. Ang saya, ito talaga ang true happiness ko. Minsan nadalaw sila eomma at appa para kamustahin kami at makipag laro sa mga apo nila.

Minsan iniisip ko, paano pag hindi naging kami ni ayanna, sasaya ba ako ng ganito? Paano kapag di ako nagtyaga na hanapin sya? Magiging ganito ba buhay ko?

"Daddy! Here's your juice!" Inabot sa akin ni na woo ang juice. Ginulo ko naman ang buhok nya.

"Maligo na dun may pasok pa kayo ni ate mo diba?" Tumakbo na sya pataas at sinigawan ang ate nya.

Hahaha, mana nga to sa akin, walang duda.

Biglang may yumakap sa likod ko.

"Ikaw babae, ano oras pasok mo." Tanong ko sa kanya habang paharap ako sa kanya.

"Di ako papasok ngayon boss. Wag ka na din pumasok." Yaya nya sa akin.

Aba gaga. Joke lang, mahal ko to eh. May gusto syang gawin.

"Aba, saan tayo pupunta mrs. Lee?" Natawa naman sya at hinampas ang dibdib ko.

"Wala. Dito muna tayo." At niyakap nya ako 

This is all i could wish for. Wala na ako mahihiling pang iba. Kung para sa akin noon nung single pa ako eh ang importante ang sarili ko at mga kaibigan ko, shempre si eomma at appa din. Pero ngayon, hay.

Eto na ba happy ending namin ni ayanna? Ito nga.

At dito nagtatapos ang aming kwento. Bitin ba? Sorry ha. Kailangan ko na kasi tulungan si ayanna sa pag aayos ng gamit sa school ng mga bata, minsan pag nagagalit yang si ayanna nakakatakot eh.

Tyaka, ihahatid ko pa sila, diba ang sweet kong tatay.

I'm The Little Evil Man's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon