Pagkauwi ko agad ko hinanap si yoo min. Gusto ko mag usap kami. Gusto ko malinawagan. Ano yung kanina?
"Yoo min." Tumingin sya sa akin.
"O suwoo bakit?"
"Ano meron sa inyo ni ayanna?" Umiling lang sya. Hmm naiinis ako ah.
"Yoo min sagutin mo ako!"
"I thought you never ask. Actually matagal na kami nagkikita ni ayanna and we have this kind of understanding. Pero wala kaming label." Di ko alam kung masusuntok ko tong si yoomin.
"Yoo min seryoso kasi. Alam mo naman pag dating kay ayanna di ko makuhang magbiro." Natawa na lang sya at iniwan ako.
I'm confused!
"Yoo min!"
"Suwoo wag ka makulit" gusto ko na sya sapakin sa inis pero ang nagawa ko lang ay batuhin sya ng sapatos ko.
"Suwoo!"
"Bakit mo nagawang itago sakin si ayanna! And let her be mad at me! Alam mo namang hinanap ko sya! You saw how i suffered, yoo min!" Pinulot ni yoo min ang sapatos ko.
"I'm just keeping my word suwoo. Ganun ang pagkakakilala mo sakin diba?"
"Bakit.. ano yung walang label pero may understanding kayo? Yoo min tell me, nanliligaw ka ba kay ayanna?" Sandali kaming natahimik. I know the answer.
My bestfriend just betrayed me.
"Wow, di ko alam irereact ko." Kinuha ko ang sapatos ko sa kanya at umakyat na sa kwarto ko.
I cannot live with a traitor. Kailangan ko maghanap ng condo. Ayoko naman malaman nila eomma alitan namin.
Siguro nga, natutunan ni ayanna na kalimutan ako. Natutunan nyang wala ako sa buhay nya.
I sighed. Ang sakit ng thought na yun ah? Galing pa sakin. Hahaha. I look pathetic now.
Tomorrow, nasa kompanya na si ayanna. I wonder how will i survive with seeing her everyday there.
kinuha ko ang phone ko, para tawagan si galadriel. Wala pa kasi sya dito sa bahay, na kay sung oh pa.
"Hoy buntis."
"Maka hoy suwoo! Makikita mo tatadyakan kita pag uwi ko!"
"Ingay! May ipapagawa ako sayo. Ilagay mo si ayanna sa worst position sa office."
"Ha? Bakit? Para to the rescue ka na naman ha? Yieee"
"Hindi. Basta, gawin mo na lang okay?wag na wag mo sya ilalagay sa floor natin. Never!" At binaba ko na ang tawag. Bukas ko na lang sasabihin sa kanya kung bakit.
Pero nararamdaman kong sa floor parin namin ni galadriel ilalagay si ayanna. Kulang rin kasi kami ng tao dun eh.
Bahala na.
Kinabukasan, late ako nagising. Late na rin ako nakapasok. Nakaabang na sa top shelf ni galadriel yung gagawin ko. Inabot ko na lang at pumasok na sa office ko.
Agad ako nagsimula sa trabaho ko. Andami ko palang meeting today. Ang hectic ng sched ko grabe. Sarap magbigti i need more coffee!
Dibale, may mauutusan naman pwera kay galadriel.
Lumabas ako sa office para silipin si galadriel. Mukhang busy din sya.
"Huy buntis. May sched ba ako mamayang gabi?" Naparolyo ang mata nya sa akin at pinakita ang planner nya.
"Dinner natin mamaya suwoo. Dinner with lee. Okay lang ba?" Napataas naman ang kilay ko.
"Sino nag organize?" Tanong ko sa kanya.
"Appa mo. Ano ginagawa mo dito sa labas? You supposed to be inside there.." tinuro nya ang office ko.
"I need coffee. Tawagan mo nga yung cafeteria padalhan ako ng unlimited supply ng coffee. Inaantok pa kasi ako." Napangiti naman sya ng kakaiba. Parang ayoko yung ngiti nya.
"May uutusan na lang ako. Ms. Isidro can you come here?" Nanigas ang buong katawan ko. Di ko naalala na nandito na si ayanna ngayong araw. I slap myself mentally.
"Huy bakit andito yan sa floor natin? Sabi ko ilagay mo sa customer service floor yan eh!" Bulong ko sa kanya. Tumawa na lang.
"Sabi ko na maiinis ka eh. Hi ayanna, nagpapabili kasi tong boss natin ng unlimited coffee. Di naman nakakaabala sayo no? Kaya ko naman gawin kaso buntis ako eh." Tumingin ako kay ayanna. Suwoo, wag ka muna mainlove ulit! Tandaan mo may something something sa kanila bg traydor mong kaibigan. Pinagpalit ka nyan!
"Forget it. Ayoko na." At pumasok na ako sa office.
"Ang arte! Sige na bumili ka na. Magagalit yun." Narinig ko pang sabi ni galadriel. Sabing wag na eh. Inaasar talaga ako ng bundat na yun!
Maya maya may kumatok sa office ko.
"Yeah come in" bored kong sabi. Di ko na tinignan kung sino yung pumasok.
iniisip ko kung paano ko mapapaimpress yung investors mamaya. Lagot ako kay appa pag di ko to inayos.
"Sir coffee nyo po." Tyaka ko lang narealize na si ayanna pala yun.
"Ms. Isidro can you seat in front of me for a while? I need to talk to you." Sabi ko nang di tumitingin sa kanya. Wala sya magagawa, ako ang boss nya.
"You are even more beautiful than before. Any, how's your first day? Di ba mahirap?" Pangangamusta ko sa kanya.
"Actually it's nice i am with the same floor with you." Tumingin ako sa kanya.
"Ah. Why is that? Actually nirequest ko na sa customer service ka eh." Ngumiti ako sa kanya saka ko binalik yung tingin sa monitor.
"Bakit po? Iniiwasan nyo ba ako?" Tumawa ako.
"bakit ko naman gagawin yun? Bakit naman kita iiwasan? Tagal kaya nating di nagkita. Tagal kaya kita hinanap. Pagkagising ko sa hospital na yun, ikaw agad ang hinanap ko. Pero asan ka? Asan mga kuya mo? Nawawala. Tinatraydor na pala ako ng kaibigan ko sa loob ng limang taon. Nagkikita pala kayo. Pero minsan ba nakuha mo ba akong itanong sa kanya, ha ayanna? Ano nagawa kong mali para ganituhin mo ako ayanna? Bakit ka nagagalit sa akin? Dapat ako ang nagagalit sayo kasi di kita nakalimutan pero i see that you are moving on with ny bestfriend." Tumawa ako ng mapait at tumayo.
"Di na dapat pala kita pinaupo dyan. Di na pala dapat kita tinanggap dito. Pinaglalaruan nyo lang ako ni yoo min. I hope he takes care of you like i used to. I hope he saves you like the last time i did for you." Tumayo na din sya.
"Suwoo-"
"Sorry if akala mo nawalan na ako ng pake sayo. Ineexpect ko pa naman pag nagkita tayo, masaya tayo, pero hindi. Tapos malalaman ko na lang kay yoo min na may understanding kayo sa isa't isa pero walang label. Sige ms. Isidro you may go. I shouldn't have said that." Wala na ako narinig sa kanya at lumabas na sya.
Suwoo ano ka ba, hindi ka dapat kay ayanna nagagalit! Aish! Napasabunot na lang ako sa sarili ko.
Dumating na ang gabi at isinabay ko na si galadriel kasi kasama sya sa family dinner. Shempre andun din si yoo min.
Inalis ko na ang coat ko kaya nakapolo na lang ako at inayos ko ang buhok ko, pang formal shempre. Inalalayan ko pa si galadriel maglakad papunta sa elevator.
"Sama ng mukha mo ah." Asar nya pa sa akin habang nakasukbit ang kamay nya sa braso ko.
"Mas masama mukha mo." Gustong gusto ko sya itulak pero tyaka na lang pag nanganak na sya.
"ayanna! Ikaw na bahala dito ha, aalis na kami ni suwoo! Ingat ka ha." Paalam ni galadriel. Andun pa pala sya. Hindi ko na sya tinapunan ng tingin.
BINABASA MO ANG
I'm The Little Evil Man's Son
FanfictionI'm lee suwoo, son of lee jihoon (woozi) and sue alonzo, and this is my story. >read the little evil man (book 1) and do you remember (book 2) before reading this. thank you.