23

81 4 1
                                    

(Ayanna)

Naisipan kong bisitahin ngayon si suwoo sa bahay nila tutal sya naman yung laging hatid sundo sa akin nung mga araw ng trabaho ko. Since off ko naman isusurprise ko na lang sya.
Naglalakad ako papunta sa kanila na may dalang kare-kare, gawa ni mama at gusto ibigay kay suwoo.

Nung umamin sa akin si sung oh, lagi na ako binabantayan ni suwoo. Hindi naman ako nasasakal dahil ibig sabihin nun takot lang nya na mawala ako.

Masaya ako naglalakad papunta kela suwoo. Ano kaya magiging reaksyon nya? Magugustuhan nya kaya yung kare kare?

Nang makarating na ako sa bahay nila at pinapasok ako ni tita sue, mama ni suwoo.

"Hi tita sue! Si suwoo po?" Pinatay nya ang hose.

"Ah nasa kwarto nya. Iha pakigising na lang. Batugan talaga ang batang yon." Ngumiti ako sa kanya at pumasok na sa bahay nila.

Nakasalubong ko pa si yoo min sa kusina, andito na pala sya. Ipaghahanda ko kasi sana sya ng almusal, shempre kasama yung dala kong kare kare.

"Buti pa si suwoo may taga dala ng pagkain. Hmp. Ayaw pa kasi ako sagutin ni dayen." Bumelat naman ako kay yoo min.

"Di ka nya type eh hahaha joke lang yoo min. Sige tawagin ko lang si suwoo." At iniwan sya sa kusina. Wag nya sanang papakin yung pagkain at masasapak ko sya.

Paakyat sana ako sa hagdan nang may babae na kasing edad lang namin ang nasa top ng stair case, nakatingin sa akin.

"Sino ka? Ano karapatan monh umakyat dito?" Aba? Ngayon ko lang sya nakita dito.

"Ah, si suwoo sadya ko." Sagot ko sa kanya. Tumaas naman ang kilay nya sa akin at unting unti bumaba.

"Tulog pa sya wag mo istorbohin. Sino ka ba?" Pasensya mo ayanna imaintain mo. Wag na wag ka makikipag away sa kanya, wag sa pamamahay nila suwoo.

"Ako si ayanna, girlfriend nya." Napangisi naman ako at nilagpasan sya. Pero nahawakan nya ang braso ko at hinila ako pababa.

Ano ba problema nito?!

"Ikaw nagtitimpi na ako sayo ha? Ano problema mo sakin?" Tanong ko sa kanya.
"Ayoko sayo. Di kayo bagay ni suwoo. Kami ang bagay. At sino ako? Future wife nya." At itinulak ako pababa ng hagdan.

hindi na ako nakahawak sa hawakan at nagpagulong gulong ako pababa hanggang sa nakahiga na ako sa lapag. Nahihilo ako. Nanlalabo paningin ko.

"Ayanna? Ayanna wag ka pipikit" di ko na kilala kung sino yung tumatapik sa mukha ko. Nagbublur yung mata ko.

"Omg what happened" best actress.

"Just wake suwoo up! Jesus!" Galit nyang sigaw sa babae.

Binuhat nya ako at inilagay sa sasakyan.

"Ano nangyari kay ayanna?"

"Nalaglag sa hagdan tita sue." Sumakay na yung lalaki sa sasakyan.

"Please ayanna wag na wag kang pipikit. Kung naririnig mo ako just raise your hand." Itinaas ko ng konti yung kamay ko.

"Thank goodness. Asan na ba si suwoo?!" Maya maya naramdaman kong nagbukas ang pintuan sa uluhan ko.

"Damn it baby! What happened?! Yoo min sana di mo na ako hinantay! Dinala mo na agad sya! Tara na!"

It happened so fast na nakatulog na ako sa sobrang hilo.

That girl. Isa rin ba sya sa hahadlang sa amin ni suwoo?

Nagising ako sa sigawan sa loob ng kwarto. Idinilat ko ng paunti unti ang mata ko.

"Nakita ko na lang sya nakahiga dun! Bakit mo ba ako sinisisi?!" Sigaw nung babae. Sya naman talaga ang nagtulak sa akin.

"Di kasi ako naniniwala sayo! Hindi naman malalaglag si ayanna ng ganun lang!" Sigaw ni suwoo. Lumabas yung babae sa room ko ng umiiyak.

"Suwoo." Tawag ko. Napalingon naman agad sya sa akin at niyakap ako.

"Buti gising ka na. Nagaalala ako okay ka na?" Tumango tango naman ako.

"Masakit lang ulo ko pero okay na" sabi ko sa kanya.

"Asan si yoo min?"

"Sya nagdala sayo baby. Magpahinga ka muna please?" At sinunod ko na lang sya.

Di ko na lang muna sinabi kung sino yung tumulak sa akin sa hagdan. Kakarmahin sya.

Gusto nya pala si suwoo ah. Ganito pala nafefeel ni suwoo nung umamin sa akin si sung oh. Nakakainis. Now i know. And for sure,

He is staying away from her.

Nakilala ko boyfriend ko over 5 months na naging kami, well i dont consider yung mga kalokohan na ginawa nya sa akin, he is still not forgiven though.

Inis na inis pa ako nun at gusto ko na talaga syang isumpa. Alam nyo ba kung ano ang nakalagay dun sa pesteng stickers nya na nilalagay sa noo at locker ko?

'What are you going to do about it?' 'I like it when you are mad' mga ganun maasar ka lang.

But i found myself liking him while he did those things. Ewan ko. Abnormal na ata ako eh.

My heart really moved when he chased me in the airport, begging me to stay. Who wouldn't love this guy?

pumasok si yoo min sa room ko. Kinausap na nya ang doctor at sabi pwede na daw ako lumabas.

"Buti daw di masyadong malala tama mo. Baka daw kasi magkaroon ka ng something something amnesia. Basta amnesia na lang bakit pa kasi pinahaba." Umupo na sya sa sofa at hinipo ang sentido nya.

"Kakabalik ko lang kahapon ganito agad ang nangyari. Hay nako." Napansin kong maayos na ang pananamit nila di tulad kanina na nakapambahay lang.

"Ah ano pala suwoo, yoo min, salamat. Sana wag makarating kela kuya to. Alam nyo naman yun baka mag freak out sila." Magpoprotesta na sana si suwoo pero pinigilan sya ni yoo min.

"Just do what she told you. Tigas din ng ulo mo eh. " umiling iling si yoo min sa amin.

"About the new girl-" itutuloy pa sana ni yoo min ang sasabihin nya pero pinutol ni suwoo ang sasabihin nya.

"Tsk. That girl. Kahapon pa ako asar sa kanya. Simula pa lang nung pagkarating nya. " napakunot ang noo ko. That girl is living with them? With suwoo?

"Ano? Nakatira sya sa inyo?" Tanong ko sa kanila. Naparolyo ang mata ni suwoo.

"Yes she is baby and i dont even like it. Ano ba pumasok sa kukote ni appa." Napakunot naman ang noo nya.

Maya maya dumating na ang nurse para tanggalin na ang dextrose ko at makauwi na. Gabi na din pala di ko napansin.

Inalalayan ako ni suwoo pumasok sa sasakyan bago sya pumasok. Nagprisinta si yoo min na sya ang magdadrive.

"Paano ko itatago to?" Turo ko sa bandage sa ulo ko.

"Itago mo ng bangs baby. Ang dali dali eh." Inayos nya ang bangs ko at natakpan nga.

"Better. Let me kiss it." Malapit na sana si suwoo sa noo ko nang biglang nagpreno si yoo min na syang dahilan para mapunta si suwoo sa unahan.

"Ano ka ba naman! Mahilo si ayanna!"suntok nya kay yoo min.

"Landi! Nasa tapat na tayo ng bahay nila!" Nagpaalam na ako sa kanila at binigyan ko na sya ng kiss na gusto nya.

"Bye suwoo, yoo min" at pumasok na ng bahay tyaka naman sila umalis.

Pagkapasok ko sa loob, naabutan ko sila kuya na nagkakatyawan, kinakantyaw si kuya aedrick.

"Ano meron?" Tanong ko sa kanila.

"Si aedrick! May girlfriend naaaaa~" kanta ni kuya aries.

"Tignan mo bunso!" Binato nila sa akin ang phone ni kuya aedrick at tinignan ko.

Pinsan to ni suwoo ah? Si unice?

"Ano ba! Idadamay nyo pa si ayanna!" Inabot ko sa kanya ang phone nya.

Sila na pala.

"Dalhin mo siya dito. Matutuwa yan sila mama." At pumasok na sa kwarto ko.

I'm The Little Evil Man's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon