(pov muna ni otor tutal nakakailang chapters na si suwoo, pagpahingahin muna natin sya okay?)
nasa labas na ang mga ugok habang nakahalukipkip si ayanna na nakaupo sa bench. natakot naman sa kanya ang magkakaibigan dahil ngayon lang nila nakita si ayanna na nagalit sa kanila. sino ba hindi magagalit kung yung boyfriend mo eh ibinato sa isang babae, ang masama pa kaibigan pa ang nagbato.
"sorry ayanna."sabay sabay nilang sabi.
"bakit nyo naman ibinato si suwoo dun? inisip nyo ba mararamdaman ko?"panimula ni ayanna. nakatungo lang ang mga ugok. guilty kasi sila.
"hindi naman namin sinasadyang maitapon sya dun sa babae"paliwanag ni rowoon kay ayanna pero di parin sya nakikinig.
"paano pag nagkagusto dun kay suwoo yung babae? sabi nyo maganda, mas maganda pa ata sa akin yun eh-"naputol si ayanna nang nagsalita si sung oh na ikinagulat ng lahat.
"mas maganda ka dun ayanna. wala nang gaganda pa sayo." natameme lang ang mga ugok.
"pwede ba iwan nyo muna kami?" pakiusap ni sung oh sa iba kaya naman pumasok na yung iba.
sa loob naman ng bahay, di maipigilan ni suwoo na bantayan ang kasintahan lalo na iniwan ng mga walang kwenta nyang kaibigan makapag isa ang dalawa sa labas. minsan napaisip sya kung bakit naging kaibigan nya pa ang mga to.
Hinawakan ni sung oh ang kamay ni ayanna, na syang ikinagulat ng dalaga at iniwas nya ito kay sung oh.
Gusto ni ayanna na tuparin ang pangako nya sa kasintahan nya. Ayaw nyang nasasaktan si suwoo.
"Pwede bang wag mo ako hawakan? di magugustuhan ni suwoo yan." Sabi nya kay sung oh kaya naman natawa ng mapakla ang lalaki.
"Sa tingin mo ba magugustuhan mo pa ang sasabihin ko tungkol sa kanya? May kailangan ka dapat malaman ayanna. Tutal bukas na ang uwi natin, gusto ko sabihin na sa iyo ito habang may panahon pa ako maging ganito kalapit sayo. Ayanna, alam mo ba ang dahilan ni suwoo bakit ka nya niligawan?"
Napakunot ang noo ng dalaga, sa pagkakaalam nya inamin na ni suwoo, at hindi naman sya nagalit.
Pero ang di alam ni suwoo di nya pa nasasabi kay ayanna ang buong katotohanan na babasagin nya lamang ang puso nito, noon. Iba na ngayon. Mahal na talaga nya ang dalaga.
"Oo. Gusto nya kasi ako mapaalis sa neoz nun diba? Alam ko na sung oh. Kung gusto mo man kaming sirain, hindi iyon mangyayari. Desperado ka sung oh, sorry kung masasaktan kita sa sinabi ko pero mukhang deserve mo naman." Sabi ni ayanna at tumayo na.
Iniwan nya si sung oh dun at binuksan na ang pinto. Sumalubong sa kanya si suwoo.
Nahawakan naman ni sung oh ang balikat ni ayanna at ipinaharap ito sa kanya.
"Perfect. Mismong sa harapan ko pa nya masasabi sayo ang totoo."napangisi na lang si sung oh kay suwoo.
"Ayanna baby? Naalala mo ba yung sinabi ko sayong puro kalokohan ang lumalabas sa bibig nyang si sung oh?" Tumango tango naman si ayanna.
"Baka ikaw ang puro kalokohan ang lumalabas sa bibig, suwoo? Nasabi mo ba sa kanya na para makaalis na sya ng tuluyan sa neoz ay wawasakin mo ang puso nya? Sabi pa nga ni yoo min "sino ang gugustuhin makita ang taong bumasag sa puso nya" you want ayanna to suffer right? Wag kang tumanggi suwoo. andun ang mga ugok at ako."
Naguguluhan si ayanna, sa isip isip nya hindi naman totoo yun dahil ramdam naman nyang mahal na sya ng binata. Nakatungo lamang si suwoo. Yun ang nakalimutan nyang sabihin kay ayanna.
"Ano suwoo? Nasira ko ba ang plano mo? Ang plano mong pahirapan si ayanna?" Tumingin si suwoo nang may galit sa mata kay sung oh.
"Ayanna pumasok ka muna dun mamaya tayo mag uusap" sabi ni suwoo kay ayanna at agad naman syang sinunod ni ayanna.
Kinuwelyuhan ni suwoo si sung oh. Nung kelan pa syang nagtitimping sapakin si sung oh.
"Mahal ko si ayanna. Iba na ngayon sung oh, kaya pwede ba tumigil ka na? Ang desperado mo masyado sa girlfriend ko." Napangisi si sung oh at itinulak si suwoo.
"Mahal mo ba talaga? Baka naman niloloko mo padin sya?" Nasuntok ni suwoo si sung oh sa panga ng malakas at bumangga ito sa vase sa labas at nabasag. Narinig naman iyon ng mga kasama nila kaya agad silang bumaba para matignan kung ano ang nangyayari.
"HINDI KO LOLOKOHIN ANG BABAENG MAHAL KO! TIGILAN MO NA KAMI PARE!" sigaw ni suwoo kay sung oh.
"Omygod pigilan nyo sila!" Sigaw ni miwoo kela juyien at sa mga kuya ni ayanna.
"Bros! Chill lang kayo!" Inawat ni juyien at byuhui si suwoo habang tinutulungan naman ni aedrick at adrian si sung oh.
"Ako? Chill? Andwae! That bastard is crazy!" Turo ni suwoo kay sung oh na nagpupunas ng dugo sa bibig.
"Ano ba nangyayari? Nakabasag pa kayo" tanong ni aldrich sa dalawa.
"Yan kasing lalaking yan gusto agawin si ayanna sakin." Napailing si aries.
"Kagabi pa kayong dalawa ah. Uuwi na nga tayo bukas ganito pa ang huling experience natin dito. Bros, pag usapan nyo ng maayos." Payo ni adrian."Kagabi ko pa yan gusto sapakin eh. Subukan mo pa kami sirain ni ayanna sung oh, kakalimutan ko talagang kaibigan kita." Binitawan na ni juyien at byuhui si suwoo at umakyat na si suwoo sa kwarto nila ayanna para kausapin siya.
Binitawan na din ng dalawa si sung oh at ipinaupo sa salas. Umakyat na ang mga babae at yung mga ugok habang ang mga kapatid ni ayanna at dalawang pinsan ni suwoo ay andun din sa sala para kausapin si sung oh.
"bro, hindi na nga pwede ipipilit mo pa?" Panimula ni byuhui.
"Hindi ito ang tamang panahon para magtapat sa kanya, sung oh. Nakita mo naman na masaya ang kapatid ko sa kay suwoo, bakit hindi mo na lang hayaan na ganun?" Sabi ni adrian kay sung oh.
Nanatiling nakayuko ang binata.
"I can't help it. I love her too much it kills me. Masakit sa akin na ngumingiti sya para lamang kay suwoo." Napailing na lang ang magkakapatid at sila juyien.
Nasa veranda sila suwoo at ayanna. Parehong nakaharap sa isa't isa habang magkahawak ng kamay.
"Ayanna baby." Tawag ni suwoo kay ayanna.
"Suwoo, alam ko naman na mahal mo ko at ramdam ko na iyon, kaya kahit anong paninira ni sung oh sayo di ko paniniwalaan. Malaki ang tiwala ko sayo. Hindi mo naman ako pipigilan umalis nun diba kung di mo ako mahal?" Tumango tango si suwoo.
"Sorry baby, i promise di ka masasaktan. Hinding hindi ka masasaktan." At hinalikan ang noo ni ayanna.
"Pero baby, totoo yung sinabi ni sung oh?" At ipinaliwanag na ni suwoo ang lahat sa kanya. Hindi naman nagalit si ayanna, naitindihan na nya at gusto lang naman nya ay magsabi ng totoo si suwoo.
Kinabukasan, balik sa dati ang lahat. Maingay sila habang naglalagay ng mga gamit nila sa apat na hiace van. Andami kasi nila. Plus ang sasakyan pa ni suwoo at kasama nya dun si ayanna.
Naging malamig ang pakikitungo ni suwoo kay sung oh.
"HOY! SUBUKAN MONG DALHIN KUNG SAAN SAAN SI AYANNA LAGOT KA SA AMING APAT!" Sigaw ni aries kay suwoo.
"Oo oo! Alam ko! Para kayong ewan eh. Sumakay na nga kayo dun nang makaalis na tayo!" At sumakay na sa sasakyan si suwoo at ayanna.
"Pasensya na kung hindi naging maganda ang bakasyon natin." Hinawakan ni ayanna ang kamay ni suwoo.
"Wala kang kasalanan. Ang kasalanan mo lang ay ninakaw mo puso ko." Ang korni man sa inyo, kay suwoo kinikilig na sya.
"Tara na nga! Ikaw talaga!" At umalis na sila sa lugar na iyon para bumalik na sa mga bahay nila.
BINABASA MO ANG
I'm The Little Evil Man's Son
FanfictionI'm lee suwoo, son of lee jihoon (woozi) and sue alonzo, and this is my story. >read the little evil man (book 1) and do you remember (book 2) before reading this. thank you.