14

148 7 0
                                    

My last update within this month lang naman. So pag dating na lang ng july ulit ako mag uupdate. Need to focus on something and nasasaktan padin ako dahil naubusan ako ng ticket 😢😢😢 saket mga behhhhhhh yung bayot na prinsesa na minamahal ko hindi ko makikita T.T di ko na nga nakita nung nag trb dito tapos huwaaa /emotes in different languages/

------------------------------------------------------

Eto nga, hindi ko na sya dinadaanan tuwing papasok kami ni yoo min, para ngang wala lang. Hindi kami magkakilala, parang ganun.

Tinitignan ko sya mula sa upuan nya ngayon. She looks unhappy. Lumingon sya sa akin at iniwas ko ang tingin ko.

"Tss. Just approach her. Hindi yung para kang tanga dyan na susulyap sulyap" bulong ni yoo min.

"Ayoko." Sagot ko sa kanya.
"Wag feeling strong suwoo. Kung di na kaya kausapin mo na." Lumabas sya nung dumaan si rowoon at umakbay sya dito. Ako na lang yung naiwan.

bakit kasi walang teacher ngayong oras na to?! Nagbabayad ako ng malaking tuition tapos di nila gagawin yung trabaho nila?!

Nakita kong niyayaya nila dayen at in jeo si ayanna na lumabas pero tumatanggi ito. Lumabas na yung dalawa at tumayo naman sya at naglakad papunta sa akin.

"Suwoo, pwede ba kita makausap? Kahit saglit lang?" Napaangat naman ang tingin ko kay ayanna.

Ewan ko ba, parang natutuwa ako at inapproach nya ako.

"Kung may sasabihin ka dito mo na lang sabihin." Sabi ko sa kanya at umupo naman sya sa upuan ni yoo min.

"Suwoo, about kay mingming-" hiwalay na nga kami lahat lahat na yan pading pusa na yan. Pusang ama naman talaga.

"Kung yan lang naman ang pag uusapan natin, wag na lang." Tumayo ako para umalis pero hinila nya ang coat ko.

"Suwoo..kasi gusto ni mingming na sumama ako sa kanya pabalik sa china. Diba...gusto mo..na ako...umalis? Gusto ko lang sana magpaalam sayo..." tinanggal ko ang pag kakahawak nya sa coat ko nang hindi tumitingin sa kanya.

"Sige. Bye." At lumabas na ako ng room. Bakit ang sakit sakit? Mahal ko na ba talaga si ayanna?

Baka nga.

Tapos dinedeny ko lang.

Wala na. Huli na ang lahat. Tapos na ang dapat matapos aalis na sya masaya ka na ba suwoo? Im a jerk.

Pumunta ako ng rooftop para magpahangin. Inisip ko yung mga ginawa ko kay ayanna at kung paano kami humantong sa ganito.

Is it because i am jealous?

I am jealous.

Nung uwian na nakita ko na naman na sinundo nung mingming si ayanna at kinuha nya pa ang bag nito. Nakakainis. Ako dapat ang gumagawa nyan.

"Masira mo ang manibela." Puna ni yoo min. Ang higpit na pala ng hawak ko sa manibela. Bumuntong hininga ako.

"Wala na kami."

"Kahapon pa alam ko na suwoo. Nasigawan pa nga kita diba. O bakit malungkot ka? Dapat masaya ka diba?" Tumingin ako sa kanya.

"Hindi ko maitindihan. Di ako masaya. Nasasaktan ako. " at muling tumingin kay ayanna sa malayo.

"Tanga ka kasi." Sige mang asar ka pa. Paglalakarin kita pauwi.

"Pupunta na daw sya china kasama nung pusang ama na yun" sabi ko kay yoo min.

"Oo nasabi nga sa akin ni da yen. Are you aware na last day na nya ngayon?" Napaharap ulit ako kay yoo min ng mabilis. Last day? Hindi naman nya sinabi sa akin na last day na nya ngayon! Nagpaalam lang sya.

"O ano? Tanga tanga ka kasi ayan tuloy. Maghahabol ka pa." Pride mo suwoo kanina pa durog.

"Hindi ko sya hahabulin. Kung mahal nya talaga ako hindi nya to gagawin sakin." Pero sa loob loob ko hahabulin ko sya. Pero wag na lang.

Nagdrive na ako pauwi. Buti na lang walang pasok bukas kasi neoz day. Makakapasyal ako, maalis lang yung thought na aalis si ayanna, ayanna this ayanna that.

Habang nasa daan kami ni yoo min, tinawagan nya si dayen. Buti pa sya may love life. Pwe! Anong love life?! Nababakla ka na talaga suwoo!

I shrug the thought of mine. Nakakadiri eh, di ko naman kailangan nun. Tignan mo nangyari sa akin. Ginagawa lang akong baliw.

Tyaka puro kabadingan.

"Suwoo, lumagpas na tayo sa street natin. Yung totoo? Lutang ka ba o may iniisip?" Kinalabit na ako ni yoo min. Oo nga lagpas na kami.

"Ah? Ay di ko namalayan sige teka lang." Umatras ako para makabalik dun sa street namin.

Nang makauwi kami niyakap agad ako ni eomma. Hala bakit yumayakap to.

"Eomma bakit?" Tumingin sya sa akin pagkatapos nya yakapin si yoo min.

"Wala lang. Naisip ko kasi na hindi kita binabati pagkauwi mo." Drama ni eomma. May problema to.

Hinila ko si eomma sa sala at iniwan na kami ni yoo min.

"Eomma, what's wrong? Gwaenchana?" Hinawakan nya ang kamay ko.

"Kasi suwoo nakukutuban ko appa mo na may iba na." Lumungkot ang mukha ni eomma. Appa would not do that.

"No eomma. Hindi magagawa ni appa yun, he really loves you eomma." Niyakap ko naman si eomma.

"Maybe you should talk to appa, eomma. Para maclear ang misunderstandings nyo." Tumayo na ako para magpalit sa kwarto ko ng damit.

"Suwoo, lalabas lang ako saglit ha. Baka hanapin mo ako eh." Paalam ni yoo min. That's odd. Hindi na sya umaalis kapag may pasok kami. Saan naman kaya pupunta yun?

Nevermind ano ba pake ko.

Nagbasa na lang ako ng libro. Shempre hindi naman porket tamad ako eh di na ako mahilig magbasa ng mga ganito.

Pampatalino daw to. Eh bakit di gumagana sakin.

Dahil sa tinamad na ako malaman kung ano mangyayari in the next chapter, nagkapa ako ng bookmark sa lamesa ko malapit lang sa kama ko. May nadampot ako at inilagay ko sa libro.

Yung sticker na nilalagay ko sa noo ni ayanna.

Great. Ngayon naman nagpapaalala ka.

Di ko sya miss. Hindi. Diba? Madami pang iba dyan.
Pero iba sya.

Hindi. Ano sya alien? Basta marami pa dyang iba.

But nobody else make me feel this way.

Geez. Ano ba meron sa kanya. Magulo ka suwoo ha! Basta buo na ang desisyon ko! Hindi ko sya susundan!

No!

Tinalukbong ko ang sarili ko sa kumot. Makatulog na lang. Kung ano ano naiisip ko kapag mag isa lang ako eh. Nakakatakot.

Pero tuwing pipikit ako nakikita ko si ayanna, yung mga ngiti ni ayanna, lalo na yung mata nya na sobra akong naiinlove.

Ano?! Pweeee sabi sa inyo ginagawa akong bading ng pag ibig na yan eh!

Inalis ko ang kumot sa mukha ko at bumangon. Dapat talaga may ginagawa ako nang maalis sya sa isipan ko. Oo ganun nga.

I'm The Little Evil Man's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon