Nag i love you na sya. Ano na suwoo? Akala ko ba pag nag i love you na sya tyaka ka makikipag break. Ano na nangyari sa plano?
I cant believe pati sarili ko lolokohin ko na din. I found myself kissing her again. Saglit lang naman. Humiwalay na ako sa kanya.
"Ikaw suwoo...do you love me?" Tumayo ako at ganun din sya.
"Iuuwi na kita. Sumama pakiramdam ko ayanna eh." At hinawakan ko ang kamay nya at inihatid na sya sa kanila.
What's wrong with me? Am i falling with that girl?! Or did i fall with that girl from the start without knowing it? Aish!
Pagkauwi ko sa bahay hinanap ko agad si yoo min. Kailangan ko sya kausapin.
"Yoo min!" Sigaw ko mula sa hagdan paakyat sa mga kwarto.
Pero wala akong narinig na sagot.
"Yoo min!" Asan ba kasi yun?! Kung kelan naman kailangan mo tyaka nawawala. Kung kelan ayaw mo maasar tyaka andyan.
"Yoo- oh andito ka lang pala." Nakita ko sya sa kwarto ko na nakahead phones.
Tumingin sya sa akin at tinanggal yung headphones.
"O bakit?" Umupo ako sa katapat sa kanya at bumuntong hininga.
"Gusto mo sabihin ko sayo yung balak ko kay ayanna?" Nakinig naman agad sya sa sinabi ko.
"..then she said i love you earlier. Di ko alam kung gagawin ko pa o ano na." Sabi ko kay yoo min.
"Dude, ano ba nararamdaman mo para kay ayanna? Wag mo isagot na wala, imposibleng wala."
"Ewan ko ba dude. Mahal ko na ata eh. Simula pa lang nung unang kita ko sa kanya" nakita ko na ngumiti sya.
"Sabi ko na eh. Mahal mo nga."
"Eh hindi naman ako sure sa nararamdaman ko dude"
"Pero gusto mo pa ituloy? I mean hindi mo na sya hihiwalayan?" Napaisip naman ako.
"Siguro. Bahala na yoo min. Bakit ko pa kasi sinunod yang plano mo." Napataas naman ang kilay nya.
"Sa akin ang plot, ikaw lang nagtuloy." At tumayo na sya.
"Punta lang ako kay dayen." Ayan na naman yang da yen na yan. Naparolyo na lang ang mata ko at dumapa sa kama.
---------------
Nasa sasakyan kaming tatlo ni yoo min at ayanna. Nasa likod si yoo min shempre. Papasok na kami sa neoz.
Kung ano ano kinukwento ni ayanna di naman ako nakikinig. Mas iniisip ko padin yung problema kong paano ako makakasiguro na mahal ko nga talaga tong babaeng to?
"..at alam mo ba pupunta sya ngayon! gusto ko maging friends kayo ah." Tumango tango na lang ako kahit wala ako naiitindihan.
Nagpark na ako at bumaba na kaming tatlo. Kumapit sa akin si ayanna. Salita lang sya ng salita habang lumilipad ang isip ko. Siniko naman ako ni yoo min.
"O bakit?" Tanong ko sa kanya.
"Tulala ka kasi. Narinig mo ba sinasabi ng girlfriend mo?" Alin naman dun? Di ako nakikinig.
Pinaupo ko na si ayanna sa upuan nya nung pumasok na kami. Tumabi naman ako kay yoo min.
"Alin dun? Di kasi ako nakikinig." Sabi ko sa kanya. Napakamot naman sya sa ulo.
"Dadating daw yung kaibigan nya! Susunduin sya mamaya kaya wag mo na ihatid pauwi! Hay." Umiling iling si yoo min. Sinong kaibigan?
"Sino daw?" Tanong ko naman kay yoo min at napailing na lang sya.
BINABASA MO ANG
I'm The Little Evil Man's Son
FanfictionI'm lee suwoo, son of lee jihoon (woozi) and sue alonzo, and this is my story. >read the little evil man (book 1) and do you remember (book 2) before reading this. thank you.