Halos isang linggo na simula nung nakasama ni ayanna yung mingming na yun at araw araw na syang sinusundo sa neoz. Medyo naiinis na ako lalo kaya lang para sa sake ni ayanna eh magtitimpi muna ako.
Hindi ko na din nakakausap si ayanna dahil lagi nyang katext yung mingming na yun. Eh parang sya pa yung boyfriend kesa sakin.
Nakakainis lang.
Nasa court kami ngayon at kasama ko si ayanna at yung mga ugok at eto sya panay text na naman.
"Tara na tama na break time" sigaw ni sung oh.
"Tara na." Sabi ko naman para magpatuloy na kami sa paglalaro.
Hindi rin naman ako pinapansin ni ayanna ano pa saysay ng pagpapahinga.
"Si suwoo wala sa moooood" asar ni chani. Muntik ko nang mabato sa kanya yung bolang hawak ko kaso nasalo ni rowoon.
"Wag nyo na nga yang asarin mamaya maiinis na yan." Sabi naman ni lex. Buti naman at may kakampi ako diba.
Hanggang sa matapos kami maglaro andun sya nakikipag usap padin sa lintek na mingming na yan. Malapit na talaga ako sumabog.
Padabog kong kinuha ang bag ko, katabi lang ni ayanna at niyaya na syang umuwi nang hindi nakatingin sa kanya kahit lalabas sana kami.
"Uuwi na tayo agad?" Tanong nya. Ano bang gusto nya? At least i am giving her a favor na makasama yang mingming nya na yan.
"Oo. Nawalan ako ng gana." Sabi ko sa kanya ng emotionless.
"Bakit? May problema ba tayo?" Mukha bang wala ha ayanna? Gusto ko yan isigaw sa kanya kaso magcocause lang kami ng scene.
"Wala ayanna. Pwera dyan sa mingming na yan." Hinarap ko na sya at tumingin sa kanya.
"At paano naman naging problema si mingming dito?" So naive. I pity her.
"Lagi mo syang kausap, lagi mo syang kasama, lagi mo syang katext kahit nasa tabi mo lang ako ayanna! It seems like sya pa ang nagmumukhang boyfriend kesa sakin! Edi sana sya na lang ang pinili mo kesa sakin!" At iniwan ko na sya dun. Nakita kong nag aantay si yoo min sa may sasakyan.
"Woah, first arguement for real." Asar nya pa.
"Wag ngayon. Badtrip talaga ako" inilagay ko sa back seat yung bag ko.
Narinig ko ang tawag ni ayanna sakin mula sa malayo.
"Suwoo teka lang!" Hinawakan nya ako sa balikat at napalingon naman ako sa kanya. Nanatiling nasa labas lang si yoo min.
"Ano? Ano pa sasabihin mo?" Isinara ko ang pinto ng back seat."Wag ka magselos. Sinabi kong mahal kita at totoo yun. Kahit ilan pa makausap ko na lalaki ikaw lang ang mahal ko at totoo yun. Sorry kung napapadalas yung pagkikita namin ni mingming kasi nagcacatch up lang kami sa isa't isa." Napangisi naman ako.
"Dont make me feel na ako pa ang may kasalanan ayanna. It's clear na nagkukulang ka na agad di pa nga tayo tumatagal ng buwan." Napapansin kong nagtetear up na sya. Bahala na.
tumingin ako kay yoo min.
"Ayanna. I'm sorry but i don't love you. I never love you. I nothing you." At sumakay na kami ni yoo min ng sasakyan habang naiwan na nakatulala si ayanna sa labas.
"Dude wag ka magpadala sa selos." Payo ni yoo min.
"Di ako selos. Yun naman talaga ang gusto ko mangyari ang umalis sya ang basagin ang puso nya. Mukhang nakakasagabal pa ako sa kanila ni mingming na yon" nagdrive na ako paalis dun sa lugar na yun. Ayan. Hahantayin pa ba nya na magalit ako para lang mapansin nya ako?
Nang makauwi kami nakatulog naman agad ako. Antok pa kasi ako at medyo maaga kami nag basketball.
"Suwoo gising. Andito si ayanna" tinaboy ko kung sino man yon. Nakakainis natutulog yung tao eh.
"Go away." Sabi ko at lalo ko pang tinakluban ang sarili ko ng kumot.
"Suwoo bangon na dyan." Hindi ko iyong pinansin. Bahala ka dyan. Bahala kayo magantay. Antok pa ako.
Naramdaman kong lumubog ang likod na bahagi ng kama ko at may yumakap sa akin.
"Suwoo...wag na tayo magaway. Magbati na tayo. Di naman totoo yung sinabi mo kanina diba?" Si ayanna. Agad ako bumangon at nakita kong nasa pintuan si yoo min.
"Okay i'll give you some time para makapag usap. Ayusin nyo yan." At lumabas na sya
"Ayanna just get out." Humigpit ang yakap nya sa akin.
"Ayoko suwoo." Pilit kong kinakalas ang kamay nya.
"Ayanna. I said i nothing you. Niloloko lang kita. Hindi kita mahal, gusto parin kitang paalisin sa neoz." Unti unti syang humiwalay ng yakap sa akin.
"Sinasabi mo lang yan kasi nagagalit ka samin ni mingming." Napangisi ako.
"Just get out." At tumayo ako sa kama. Binuksan ko ang pinto para sa kanya.
"Get out. Go home and pretend we didnt even met." Unti unti syang tumayo at lumabas ng kwarto.
"Are we done?" Tanong nya. Tumango tango ako. Nakita kong ngumiti sya ng pilit.
"Salamat. Kasi sa konting panahon na yun akala ko mahal mo din ako. Na akala ko seryoso ko. Pero hindi pala. Aalis na lang ako sa neoz kung yun ang gusto mo." At tuluyan na syang umalis.
tinignan ko ang likod nya habang palayo sya ng palayo sa kwarto ko.
I feel nothing. Diba? I feel nothing.
No, i feel something.
"What did you do?" Tanong ni yoo min sa akin.
"I broke up with her." Sabi ko kay yoo min.
"Why?! Akala ko ba mahal mo na?! Bakit mo pinakawalan pa?!" Napairap na lang ako. Eto na naman sya. Yoo min and his lectures.
"i want her to get lost. Ayoko magkarelasyon masyadong madrama. Just look what happened." Bakit i feel like ang sakit? Ang sakit sa dibdib? Ambigat.
"So ano? Di mo sya hahabulin?" Umiling ako. This is what i wanted. Mission accomplished. Tapos na.
"You're so stupid." At iniwan na nya ako sa kwarto. Nangyari na ehm sabi ko nga ayoko ako ang susuyo.
I'm not experienced anyway.
BINABASA MO ANG
I'm The Little Evil Man's Son
FanficI'm lee suwoo, son of lee jihoon (woozi) and sue alonzo, and this is my story. >read the little evil man (book 1) and do you remember (book 2) before reading this. thank you.