Nakaupo na kami sa mga upuan at nasa tabing dagat na naman kami. May kumot na nakapalibot sa amin ni ayanna habang nagiihaw kami ng marshmallows.
Sila naman, nagkwekwentuhan, para bang getting to know each other. At least dagdag sa tropa mga kuya ni ayanna. Mas madali akong makakapag propose kay ayanna kung sakali diba?
"How about we play truth or dare?" Suggestion ni byuhui kaya naman sumang ayon ang lahat.
"Yeah. Let's play that." Sabi ko at tumingin kay sung oh. Pag yang bote tumapat kay sung oh, papahirapan ko sya.
Ipinaikot na ni juyien hyung ang bote at naghantay ang lahat kung kanino ito tiitgil.
Una itong tumigil kay rowoon.pinili nya ang dare. Napa evil smile kaming mga ugok.
Dahil malamig ngayong gabi, sinabi naming magbabad sya sa tubig for 15 minutes. Napasimangot naman sya at pumunta na sa dagat.
Ipinaikot ito muli at tumigil kay aedrick hyung. Napasama naman ang tingin ni juyien hyung kay aedrick.
"You like my sister?" Tanong ni juyien hyung kahit wala pa syang sinasabi kung truth or dare. Ambakla nito.
"I just like her geez. Plus i want a dare not truth. Nababaklaan ako sa truth." Sabi nya kaya naman nag isip muna si byuhui at juyien kung ano ipapagawa nila.
"Alam ko na! Join rowoon there." Nasabunutan naman si unice noona ang dalawa nyang kapatid.
"Mga lintik talaga kayo!" Pero ginawa padin ni aedrick hyung yung sinabi ni juyien hyung.
Pinaikot ito muli at tumama kay sung oh. Magsasalita pa sana si juyien hyung pero tumayo ako.
"In case you will ask if truth or dare, i'll choose dare. Sabi kasi ni aedrick hyung nakakabakla daw." I smirked. You want dare huh.
"Stay away from my ayanna. Forever. Do that." I said. Tumayo din sya.
"I can't do that." Ngumiti naman sya sa akin kaya nainis ako.
"Why not? Can't you see na kami na at ako ang mahal nya? You will throw our friendship over your silly madness on my girl?!" Nakakainis na talaga.
"I will do that! Bakit? Gusto ko sya! Gusto kita ayanna at wala ako pake kung magalit silang lahat sa akin." Lalapit sana sya kay ayanna pero hinarangan ko sya.
Di sya makakalapit sa kanya, at sa amin.
"Please stop. Tumigil na kayo. Ano ba naman kayo? Ilang taon na tayong magkakaibigan since elem pa nga ata tapos mag aaway kayo dahil lang sa babae?" Singit ni jae yoon.
"Hindi lang basta babae si ayanna. She's my girlfriend." Tumingin naman ako kay ayanna at ngumiti. That's true. She's my girl.
"Sung oh utang na loob naman, tigilan mo na nga to." Sabi ni seungyeun."It's been a long night. Stupid of me na niyaya ko pa kayo mag camp fire and stupid byuhui oppa for making us play that stupid game" at umalis na si nayoung kasama si sana.
"Tara pasok na kayong lahat kami na bahala dun sa dalawa." Tumayo na si ayanna at inakbayan ko naman sya. Muntikan ko na masapak yung si sung oh ah.
"Baby, promise lalayuan ko na si sung oh as much as possible, ayoko magalit ka or mag selos sa kanya. Ayoko nag aaway tayo" sabi nya sa akin. Pinisil ko naman ang kamay nya at hinalikan iyon."Di kita pinagbabawalan makipag kaibigan pero pag sya nga lalayuan mo talaga." Inihatid ko na sya sa kwarto nila ni nayoung at sana. Kailangan na namin mag pahinga.
Imbis na masaya ang bakasyon namin eh ganito ang nangyari dahil sa katarantaduhan ng sung oh na yun.
Buti na lang kasama ko sa kwarto si lex at heedo.
Bukod kay yoo min, close din kami nila lex at heedo.
Pumasok na ako sa kwarto namin at nakita silang naglalaro ng left 4 dead sa mga laptop nila. Nasapo ko na lang ang noo ko. May mga bagay talagang di magbabago."Tang*na! Ano ba bobo nito eh!" Sigaw ni heedo kay lex.
"Eh gago ka pala eh! Nakaharang ka kasi!" Humiga ako sa kama nang di nila napapansin.
"Oy tama na yan! Mga siraulo talaga kayo! Laro lang yan!" Sigaw ko sa dalawa.
"Palibhasa kasi may gelpren na si loverboy kaya di na naglalaro ng ganito" kantyaw ng dalawa kaya nahampas ko naman sila ng unan.
"Maiba kami pre, okay ka lang? I mean okay lang ba na mawala ang pagkakaibigan nyo ni sung oh para kay ayanna? Seryoso ka na ba talaga kay ayanna o tulad padin ng dati?" Napalingon ako sa kanila at ngumiti.
"Mahal ko si ayanna di ko itatanggi yun. Nung una in denial pa ako mga pre pero napaamin ako nung pusang amang kaibigan nya kasama si yoo min. At shempre kay sung oh, di okay na masira ang pagkakaibigan namin, natin. Sya ang gumawa nun di ako. Hayaan nyo na lang sya mga pre away namin yun eh."
Pumalkpak ang mga gago na may kasamang tango tango pa.
"Lumalaki na ang baby natin" sumama ang tingin ko sa kanila at hinugot ang saksakan ng charger ng mga laptop nila para mamatay na yung laptop.
"WAG NA KAYO MAGLARO MGA HAYUP!" At tinalikuran sila. Umaangal pa sila dahil uulit na naman ang laro nila. Guess what? Wala ako pake.
"Si suwoo madamot!!!" Parang mga batang nagmamaktol sa kuya nila.
Kinabukasan, nagising ako dahil malamang, ginigising ako ni ayanna.
"Oh baby?"tanong ko sa kanya habang kinukusot ang mata. Pinadaanan naman nya ng kamay nya ang buhok ko.
"Ang cute mo matulog. Nasa labas na silang lahat nagswiswimming. Nagstay na lang muna ako dito sa tabi mo." Buti na lang talaga nakakaitindi si ayanna.
"Kumain ka na? Kain na tayo." Bumangon naman ako para mag ayos na at samahan si ayanna kumain.
Nakita ko nga silang nasa labas na at nagsasaya. Kakapal ng mga mukha di man lang ako ginising nung dalawang panget.
"Baby gumawa ako ng waffle para sayo!" Sabay pakita sa akin ng waffle. Natuwa naman ako dahil nag abala pa si ayanna na lutuan ako.
Kumagat ako para tikman at masarap sya. Ngumiti na lang ako sa kanya at pinat ang ulo nya.
"Swerte ko sayo. Marunong ka magluto. Next time ako naman ang gagawa para sayo." At hinalikan sya sa pisngi.
BINABASA MO ANG
I'm The Little Evil Man's Son
FanfictionI'm lee suwoo, son of lee jihoon (woozi) and sue alonzo, and this is my story. >read the little evil man (book 1) and do you remember (book 2) before reading this. thank you.