nagiging fan na ako ng gfriend grabe. Lalo na yung napanood ko yung rough mga bes. Yung faster version dun sa weekly idol ENEBE. Yown, mahar ko si sin b hakhak kaso naalala ko babae rin pala ako 😐 anyway, wala lang 😂 gfriend is layp.
-------------------------------------------------
"DITO?!" sabay sabay silang sumigaw kasama si ayanna sa kanila shempre. Nasa tapat kami ng rest house nila uncle yoongi.
"Oo!" Proud kong sabi sa kanila at binuksan na ang padlock ng gate at pumunta na sa loob ng mala royal palace na rest house ng mga min.
Nasa may pintuan na ako nung nakatunganga pa rin silang lahat sa labas na nakanganga.
Sinasabi ko na nga ba ganito magiging reaksyon nila.
"Uh hello? Pasok na kayo. Wag na kayo tumunganga dyan." Actually meron namang rest house yang sila sana kaya lang di kami kakasyang lahat dun kaya dito na lang kela uncle yoongi.
They gained their senses back at isa isa nang pumasok.
Nakatengga lang kami sa sala nung nakapasok kami. Kailangan namin magdecide ng kung sino ang magkakasama sa iisang room.
Tumayo ako sa gitna ng wooden table ng sala para makita naman nila ako. Ang tatangkad kasi nung iba eh. Shempre isa ako dun, kaso baka di ako makita nung iba.
"Okay guys! Since iilan lang ang kwarto dito, magkakaroon tayo ng room mates! Sa 2nd floor, may apat na malalaking rooms. " Napag usapan na namin ng mga ugok na sa amin ang third floor kaya di ko na iooffer yun.
"Basta sa amin si ayanna. We will take room 1" sabi ni unice noona at shempre kasama nila si miwoo noona kaya naman umalis na agad sila.
Nakita ko pang sinusundan ng tingin ni adrian hyung si miwoo noona habang umaakyat ito pataas. tinaasan ko sya ng kilay nung napatingin sya sa akin. don't tell me yung maarteng yun gusto ni adrian hyung. eh mukha linta nga kay dawon kanina eh.
"huy hyung! baka gusto mong tumigil kakatitig diba?"sabi ko sa kanya kaya naman napaiwas sya ng tingin sa akin na syang ikinantyaw sa kanya ng mga kapatid nya.
"second room would be nayoung and sana. tapos kayo mga hyungs in law sa third room kayo at kayo juyien hyung sa pang apat kayo. tapos mga ugok alam nyo na." at inakyat na namin ang mga gamit namin. naririnig ko pa si ayanna na sumisigaw. alam ko na ang nangyayari, pinipilit sya ng dalawa magsuot ng swimsuit. ganyan nangyari kay soonie nung mga bata pa lang kami eh. kahit kelan talaga yung dalawang yun.
wala naman akong magagawa, pag pumasok ako sa kwarto nila para ipagtanggol si ayanna eh susuntukin lang ako ni miwoo noona gamit nung bag nya. masakit kaya.
"hala si ayanna nasigaw o." nakita kong napailing na lang yung dalawa. si sana at nayoung. alam kasi nila. lahat ng babae kong pinsan dumaan sa kamay ni miwoo noona. kaya tignan nyo si unice noona.
"matatapos din yan mamaya."sabi ko naman sa kanila.
pumunta naman kami sa kanya kanyang kwarto na. bumaba muna ako para pumunta sa sala nang bigla akong nabunggo ni ayanna habang nagmamadali bumaba. i guess she refuses miwoo noona and unice noona's ideas huh? that's my girl.
"where is she going?!"rinig kong sigaw ni miwoo noona.
"pwede ba tigilan nyo yung girlfriend ko. ililipat ko yan mamaya kela nayoung."sabi ko naman sa dalawa.
"eh kasi ayaw nya isuot to!"pinakita sa akin ni unice noona yung black two piece at agad nanlaki ang mata ko. seryoso ba sya?! ayoko mapatay ako ng mga kapatid nya no! isa pa, pagtitinginan sya ng mga ugok LALO AYOKO!
"micheoseoyo?! andwae! i won't allow it. geez. "sabi ko sa kanila at hinablot ang two piece sa kamay ni unice noona at ibinato iyon sa kama. hinanap ko agad ang bag ni ayanna sa loob ng kwarto nila at kinuha iyon. ayanna can't stay here.
she will be poisoned by these freak noonas.
"and what do you think you are doing?"sabi ni miwoo noona.
"ililipat ko sya sa kwarto nila nayoung! you can't just forced her by something alis na nga dyan noona." agad naman umalis si noona at kumatok ako sa pinto nila nayoung.
agad naman nya itong binuksan at iniabot ko sa kanya ang bag ni ayanna. nagtaka pa sya nung una pero inabot nya padin.
"ano to oppa?"
" dito na si ayanna sa inyo. alam nyo naman yung dalawa eh. "ngumiti naman sya at isinara na ang pinto. kailangan ko hanapin si ayanna.
bumaba na ako para hanapin sya sa iba't ibang parte ng bahay. sa kusina, sala, at kung saan saan pa at nakita ko na lamang sya sa ilalim ng hagdan nagtatago.
"ayanna baby."tawag ko sa kanya. agad sya napalingon sa akin.
"hindi na ba nila ako hinahanap? pipilitin pasuotin nung two piece na yun?"umiling naman ako at niyakap ko sya.
"inilipat na kita ng kwarto. mas safe ka kela nayoung di ka pakikialaman nung mga yun. isa pa, ayoko nagsusuot ka ng ganun kaya pinagalitan ko yung dalawa. " sabi ko naman sa kanya. inangat nya ang tingin nya sa akin.
isa ito sa mga dahilan kaya gusto ko magbakasyon kasama sya.
ang mahawakan ko sya ng ganito ulit. hello, kasi sila eomma biglang nasulpot tapos aasarin ako kaya hindi ko to nagagawa sa kanya.
nagpout naman sya at kinurot ko ang pisngi nya sabay tumawa.
"ay ang cute nila oh."asar ni juyien hyung sa hagdanan. nakahilera na pala silang lahat sa hagdanan habang nanonood sa amin. nakakainis naman pakipaalala nga sa akin kung bakit ko ba sila sinama pa.
may nagflash sa gilid namin ni ayanna. paglingon ko si asher pala dala nya ang dslr nya at kinunan kami ni ayanna.
"anak talaga kayo ng tinapa! panira kayo momemnt eh!"reklamo ko. napansin kong nakapalit na sila ng pang swimming.
"una na kami sa inyo nila ayanna ah! HOY WAG KAYONG GAGAWA NG BATA HA! AYAW PA NAMIN MAGING TITO!"sigaw ni aedrick hyung kaya binatukan sya ng lahat.
"sira. wala ka bang tiwala sa pinsan namin?"sabi ni byuhui.
"oo nga. kahit loko loko yang katropa namin di yan magagawa kay ayanna yun. respectful kaya si lover boy"lintik na jae yoon to. napa facepalm na lang ako habang isa isa silang lumabas para magswimming na sa tabing dagat.
"palit ka na dun. yung room mo sa second room na since pinaalis na kita dun kila miwoo noona. di ka na nila mahihila ulit natakot ka ba?"umiling naman sya.
"medyo mapilit sila pero okay lang. salamat nga pala sa paglipat sa akin ha."at nauna na syang umakyat sa taas.
ngumiti ako habang pinagmamasdan syang umakyat ng hagdan.
"gusto ko si ayanna, suwoo." napalingon naman ako sa gawi ng sofa. hindi ko napansin na nandun pa si sung oh.
pero ano sabi nya? gusto nya si ayanna? nagbibiro ba sya? alam naman nya ang nangyari sa amin bago ako maging seryoso kay ayanna tapos eto? gaguhan?
"ano ba yang pinagsasasabi mo ha sung oh? sabog ka na naman. lumabas ka na dun."ayoko pa sana mapikon sa kanya baka kasi nang aasar lang sya pero tumayo sya at lumapit sa akin,
"matagal ko na sya gusto suwoo, bago nyo pa sya makilala. gusto ko sya suwoo, seryoso ako. at gagawin ko ang lahat, maagaw lang sya sayo." what the? i can't believe this.
"can you stop messing around sung oh? di maganda ang biro mo, feeling ko gusto kita sapakin pero ayoko baka kasi nagbibiro ka lang."sabi ko sa kanya at ngumisi sya.
"punch me then. seryoso ako suwoo, so better hold her tight or i will."at lumabas na sya.
"tara na suwoo- o bakit ganyan padin suot mo? magpalit ka na."nakababa na sa hagdan si ayanna. peste, akala ko ba kaibigan sya? bakit nya ginagawa sakin to.
"hantayin mo ko sa tapat ng kwarto ko, baka may umahas pa sayo sa labas."at hinila ko sya paakyat.
BINABASA MO ANG
I'm The Little Evil Man's Son
FanfictionI'm lee suwoo, son of lee jihoon (woozi) and sue alonzo, and this is my story. >read the little evil man (book 1) and do you remember (book 2) before reading this. thank you.