(15)

54 2 0
                                    

Kasama ko si ayanna sa isang coffee shop malapit lang sa condo namin. Sya ang nag insist na makipagkita kami kay yoo min ngayon kasama si allana castro.

"Andito na sila suwoo" napatingin ako sa gawi nila na papunta sa amin.

"Hello po sir." Tumango ako kay allana.

Umupo na sila sa tapat namin ni ayanna. Hindi makatingin samin yung allana.

"So, tell me when and how." Panimula ko kay yoomin. Bumuntong hininga sya.

"Kilala ko na si allana matagal na. I just woke up one day kasama ko na sya. We don't know how. Suwoo, ayanna is just my past and for sure hindi inacknowledge ni ayanna ang feelings ko because of you. I'm sorry if i have to hide her from you for years. Sana mapatawad mo pa ako. I am thankful enough dahil you didn't kick me out of your house. Nakakahiya at ikaw pa kailangan mag adjust. I'm so stupid to sacrifice our friendship."

Ito lang naman ang hinahantay ko eh, ang mag sorry sya.

"Sige na bro, wag ka na magdrama dyan. Okay na tayo, i wish you all the best with allana. Maging mabuti kang ama dyan ha." Ngumiti si yoo min sa amin.

"Yeah.. sorry suwoo. Kayo, mukhang ayos naman na kayo." Tumingin ako kay ayanna.

"Oo naman. I want to ask you something. How about da yen?" Ngumiti sya at hinawakan ang kamay ni allana.

"Da yen..is in the past. I want to be responsible sa magiging asawa at anak ko."

After namin mag usap, umalis na silang dalawa. Natira na lang kami ni ayanna dito sa coffee shop.

"saan tayo ngayon? Off ko ngayon, baka gusto mo mag ikot?" Tinanong ko si ayanna. Malay nyo naman, gusto nya mag ikot.

"Eh..alam ko na. Sabi mo gusto mo na ayusin ang mga gusot mo. Why don't we go to my house. I mean, my family's house. Matagal ko na din silang di nakikita"

Okay lang ba? Baka magalit sila sakin..baka, baka paghiwalayin na naman kami.

"Ayanna baka-"

"Ako bahala suwoo. Di na ako papayag na magkahiwalay tayo ulit. Hindi na" hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ko.

"Ganyan ako kakapit sayo. Ganyan kahigpit suwoo at di ko na yan bibitawan."

"Will you keep your promise?" Hindi naman sa nagkakaroon ako ng trust issues kay ayanna, but i want to make sure na hindi na talaga sya mawawala o kung ano man.

"Promise."

We had a long drive galing sa second district. Nasa province na pala sila. Ayanna said na lagi sya pinupuntahan ni yoo min on weekends doon. Ang layo layo but my bestfriend manage to see her.

Kinakabahan ako, but i have to try, i want to make ties again with her family. Gusto ko pag dumating na ang oras na gusto ko na talagang pakasalan si ayanna, maayos na.

Kasal agad? Basta! Dadating din sa point na ikakasal na kami! Mag antay kayo!

"Ngayon ko lang sila ulit makikita, sa tingin mo, mapapatawad nila ako sa paglalayas ko? 2 taon na akong hindi umuuwi suwoo..."

Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Seryoso sya? Dalawang taon? Tapos, sa dalawang taon na yun si yoo min lang kasama nya?

"It's tough..but i have to endure it. Kasama ko naman si yoo min eh. Kaso nga lang kinulang sya eh, kasi ikaw ang kailangan ko ng mga panahon na iyon, hindi sya" napangiti na lang ako sa kaloob-looban ko.

Kahit na may ibang tao na handa syang alagaan, ako at ako padin ang hanap nya.

Hiwa-hiwalay ang mga bahay dito. Hindi dikit dikit. Probinsya nga sya. Puro puno ang mga nadadaanan namin.

I'm The Little Evil Man's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon