Summer na ngayon at ubod naman ng init. Bwisit na bwisit pa ako dahil ayaw paandarin ni eomma yung aircon ng bahay. Kailangan daw mag tipid kahit sabi ni appa di naman kailangan dahil kaya naman namin.
Nalahilata ako sa sofa ko ng komportable. I mean, nakataas ang paa ko sa sandalan, at yung isa ko pang paa nasa baba. Nakasandal ang ulo ko sa braso ng sofa at talagang nakahilata ako. Umuwi na si yoo min sa korea dahil summer naman daw at wala nang pasok at wala daw ako kwenta. Ang galing nyang best friend.
"Suwoo baby." Agad ako nalaglag sa sofa nang marinig ko kung sino ang tumatawag sa akin nun. sino pa ba. Si ayanna baby.
Pag ako nakarinig ng kantyaw sa inyo susunugin ko bahay nyo na nasa loob pa kayo.
WALA KAYONG PAKE KUNG BABY TAWAG NYA SA AKIN! at least ako lang ang baby nya.
"K-kelan ka pa nandyan ayanna baby?" Umayos na ako at umupo na ng maayos sa sofa. Umupo na din si ayanna sa tabi ko.
"Mukhang init na init ka ah?" Sabi nya sa akin. Tumingin ako sa kanya at binigyan ko sya ng 'di-ba-halata' na expression. Natawa naman sya sa akin at niyakap ako.
Sanay na sya sa akin, na ganito ako. Sanay na din sya na binabara ko sya, pero may kasama naman 'joke lang baby i love you' para matuwa naman sya. Shempre, gusto ko makita ang ngiti nya na ako lang naman ang dahilan. Mahal ko eh.
"Ayaw kasi buksan ni eomma yung aircon eh." Sakto namang dumating si eomma na may dalang juice para sa amin ni ayanna at cookies.
"Thank you po tita sue." Sabi ni ayanna.
"Sige maiwan ko muna kayo." At umalis na si eomma.
kumuha si ayanna ng cookies at nilagyan ko naman ang baso nya ng juice.
"Gusto mo ba mag out of town ayanna baby?" Humarap naman sya sa akin.
"Di ko alam kasi balak din nila kuya mag out of town eh." Napaisip naman ako, paano pag kasama ang mga pinsan ko plus ugok minus yoo min tapos mga kuya ni ayanna at sya?
Makakapag out of town padin kami ni ayanna. Kahit may chaperone.
Pwede na yun.
"Ayanna baby, kailangan ko makausap mga kuya mo tutal sabi mo nagbabalak kayo mag out of town"
"Sige" sagot naman nya sabay uminom sya ng juice.
Oo nga pala, alam na pala ng mga magulang ni ayanna na kami na. Na ako ang pumigil sa kanya mag china. Nagulat ako at pinasalamatan pa nila ako dahil labag sa loob nila mangibang bansa si ayanna. Pati din mga kuya nya.
"Sige pag hinatid kita mamaya. " teka bakit ba andito to? Wala man lang syang pasabi na pupunta pala sya at naabutan nya pa akong ganun ang pwesto sa sala.
"Teka baby bakit ka nga pala andito?" Tumingin naman sya sa akin at nagpout.
"Ayaw mo ba ako dito?"
"Hindi naman sa ganun,kaya lang kasi dapat ako ang pumupunta sa inyo to see how are you." Inipit ko naman sa likod ng tenga nya ang strands ng hair nya.
"Okay na to suwoo." Lumapit ako ng onti sa kanya habang hawak ko padin ang pisngi nya.
"Why are you so pretty?" Tanong ko sa kanya. Agad syang namula at itinulak ang mukha ko. Medyo masakit yung pagkakatulak nya.
"A-ano ka ba naman suwoo! Kung ano ano itinatanong!" Sigaw nya.
"Kinikilig ka lang kasi eh" kantyaw ko sa kanya.
"At least sayo kinikilig suwoo baby" at humalik sya sa pisngi ko. Ayan tuloy ako naman ang kinikilig.
Bading lang pakinggan para sa isang lalaki.
"Sige bihis lang ako at pumunta na tayo sa inyo para makausap mga kuya mo." Sabi ko sa kanya at umakyat na sa taas para magpalit.
Nang makabihis na ako, niyaya ko na sya para magpaalam kay eomma. Dadalhin ko ang sasakyan ko dahil mainit. Ayoko paglakarin si ayanna baby.
"At talagang naka sakay pa tayo sa sasakyan suwoo? Tamad lang baby?" Nirolyo ko ang mata ko sa kanya. Ayoko nga sya mainitan eh.
"Paglakarin kita dyan eh." Bulong ko para di nya marinig at baka batukan ako.
"Ano sabi mo?" Ngumiti lang ako kay ayanna bago huminto sa tapat ng bahay nila at bumaba.
"Wala ayanna baby sabi ko mainit kasi." At hinawakan ko ang kamay nya bago pumasok sa bahay nila.
Binati ko agad ang mga magulang ni ayanna at nakipag bro fist pa sa akin yung mga kuya ni ayanna.
Umupo kami sa sofa habang iniwan muna ako ni ayanna para magpalit ng damit.
"Kamusta ka na? Tagal nating di nagkita ah!" Palo sa akin ni aldrich hyung.
"Ano ka ba aldrich? Parang di mo nakita kahapon yang si suwoo habang naghahabol ka naman ng peste mong mga babae." Sabi ni adrian hyung.
"Ah oo nga pala. May gusto sana ako i-offer sa inyo" ngumiti ako sa kanila at agad naman nilang nilapit ang mga ulo nila sa akin. Inakbayan ko naman sila.
"Mga bro in laws. Narinig ko kay ayanna baby na mag a-outing daw kayo. Sama kami ng mga pinsan ko tyaka tropa ko para marami at masaya." Agad naman napaisip si adrian hyung at tumingin sya kay aedrick hyung at aries hyung.
*pak* *pak* *pak* *pak* *pak*
Nakatanggap kami ng tig-iisang hampas sa dyaryo galing sa tatay ni ayanna.
"PAPA NAMAN! BAKIT KA NANGHAHAMPAS!" sigaw ni adrian hyung.
"Mukhang may binabalak kayong masama at dinadamay nyo pa si suwoo! Kung si suwoo ang anak ko edi maganda!" Sigaw nya sa apat.
"Oo na oo na!" Sabay nilang sigaw na apat.
"Umalis ka na nga papa. May pinag uusapan kaming importante" taboy ni aries hyung sa papa nila.
"Aba't-" sasagot pa sana si tito nang bigla syang hilahin palabas ni aedrick hyung.
"Ayan continue.sige payag kami. Mukhang masaya to. May pinsan ka bang babae?" Biglang tanong ni aries hyung.
"Ah oo apat sila." Sagot ko. Napa facepalm ang dalawa sa sinabi ko.
"Maghahanap yan ng girlfriend. Wag na wag mo palalapitin yan sa mga pinsan mo." Sabi ni adrian hyung.
"Ah yun ba? Wala naman problema dun mas brusko pa sakin yung mga yun" sagot ko sa kanila.
Biglang bumaba si ayanna mula sa kwarto at sumimsik sa pagitan namin ni adrian hyung.
"Tuloy na tayo?" Tanong nya sa akin.
"Oo naman. Tatawagan ko lang yung mga ugok at mga pinsan ko para makapagpaalam. Sayang wala si yoo min"sabi ko kaya napatingin ang apat nyang kuya sa akin.
"Yoo min?! SINO YUN?" sigaw nila sa akin. Tumawa lang si ayanna at pinakalma ang mga kuya nya.
"Lalaki yun ano ba kayo. Bestfriend ni suwoo." Bakit ba kasi pambabae pangalan ni yoo min. Sa dinamk dami ng pangalan uncle yoongi yun pa talaga.
Isa isa kong tinawagan ang mga taong gusto ko sumama. Umoo naman silang lahat kaya ayos na kami.
Pwera sa titirhan.
"Saan pala tayo magstestay?" Tanong ko sa kanila.
"Saan ba maganda?" Tanong ni adrian hyung.
Agad naman ako napaisip.
"Alam ko na."
BINABASA MO ANG
I'm The Little Evil Man's Son
Fiksi PenggemarI'm lee suwoo, son of lee jihoon (woozi) and sue alonzo, and this is my story. >read the little evil man (book 1) and do you remember (book 2) before reading this. thank you.