ROOOAAAAAR~ COMEBACK OMG 😢 AY KENT EVEN GUYS THIS IS OTOR WEN NAT KALMA
very good sf9 beri gud tologo kayo😢
We played many games. Shempre kasali ako, wala munang boss boss ngayon. I want to bond with my employees as much as possible.
After this, wala na silang makikitang side ko na ganito kakulit.
Yung una naming nilaro na pass the paper gamit lips. Medyo kadiri pero okay lang kasi dinulo ko si ayanna at ako ang katabi nya. Nakatanggap kami ng samu't saring asaran at nakita ko ang ngiti ni galadriel na alam mong may balak talaga. Hay.
Yung sumunod naman at kailangan yung apple ay kagat kagat namin at kailangan namin ilagay yun ng sabay sa isang bowl. Pag nalaglag uulit kami. Narinig ko pa ngang nagcheer yung bundat sakin. Ito talaga siguro ang plano nya, di nya ba alam na ayos na kami?
Yung sumunod naman ay maayos na, since may pool, nag water polo kami. Lagi kami nananalo ni ayanna kaya naman free kami ngayon at sila ang naglilinis ng kalat namin bago kami mag hapunan.
Nakaupo kami sa kubo kung saan malayo sa kanila. Isa itong private resort kaya kami lang talaga ang nandito. Hindi kami magkatabi ni ayanna. Magkaharapan kami, sya may tinitignan sa phone at ako, eto, nakatingin sa kanya.
"Ayanna, nagenjoy ka ba?" Binaba nya ang phone nya at tumingin din sa akin.
"Oo naman! Nakakawala nga ng problema sa totoo lang eh. Masaya suwoo, lagi pa tayo nananalo" tumawa sya ng mahina.
"Asus...nagsolo na porket mga nanalo." Narinig ko pangaasar ni bundat habang naglalakad papunta sa kubo. Naparolyo ang mata ko. Maninira na naman to ng moment!
"Ano ba ginagawa mo dito." Tanong ko sa kanya kaya naman napasimangot sya.
"Bawal bawal? Bakit sayo ba tong kubo ha suwoo?!" Ang sakit nya talaga sa tenga.
"Haha, parang dati ayaw na ayaw talaga ni suwoo sayo, ngayon para kayong mag bestfriends" sabat ni ayanna sa away namin ni bundat.
"Shempre naman ayanna, nagmamature na tayo, at magkakapamilya na ako kaya dapat lang siguro ayusin ang gusot ng nakaraan" kinuha ni bundat yung kamay ng ayanna ko at yung akin. Pinagsama nya iyon at ngumiti."Naging mabait ka sa akin ayanna sa kabila ng kagagahan na ginawa ko sayo, pero oras ko na siguro para bumawi sayo. Tutulungan kita...kay yoo min." Napatingin ako sa kanya. Yoo min? She don't know who she is going to deal with.
"Bundat di mo kilala si yoomin-"
"Suwoo, i already have a plan, tyaka ngayon mo pa ba gusto siraan ang meron kayo ni ayanna? Isa pa, kung kaibigan ka talaga ni yoo min, di nya to gagawin sayo." May point sya. Nagkwentuhan pa silang dalawa, na OP ako bigla dahil usapang babae. Di naman ako makarelate sa mga lalaking iniidolo nila mga bading naman! Lahat nilagay na sa mukha!
Gwapo naman ako ah?! May mga friend naman akong idols pero aish basta. Selos lang siguro ako dahil binanggit ni ayanna si yang at lex. Taeyong daw eh. Nako lex wag na wag ka magpapakita kay ayanna, sakal abot mo sakin.
"Paano? Maiwan ko na kayo at mag moment na kayo." Tumawa si galadriel ng mahina. Nakasimangot padin ako habang nakatingin kay ayanna.
"Hoy babae. Anong sinasabi mong gwapo si taeyong?! May di ka ba namumukhaan sa kanya?!" Inis kong tanong sa kanya. Kumunot ang noo nya at natawa ng mahina.
"Wala. Para kang baliw, selos na selos suwoo?" Napairap ako. Pambading man sa inyong paningin, wag magpakita saakin, tiyak na meron akong tatagain. Ay ang galing ko nag rhyme.
"Tsk. Di ka ba informed na ang lalaking pinakagwapo ay nasa harap mo na? Choosy ka pa! Saan ka pa hahanap ng lalaking hahanapin ka kahit gaano pa katagal na panahon na sya naghahanap? Yung iba dyan wala pang isang buwan suko na agad." Natahimik kaming dalawa.
"I know." Paalis na sana sya pero binalik ko sa idol topic yung usapan. More like taeyong topic. Psh.
"Hoy wala ka talaga naaalala sa mukha ni taeyong?!" Inis syang humarap sa akin.
Pinakita ko ang picture ni lex. Lumaki ang mata nya at niyugyog ako bigla.
"Hala suwoo! Si lex pala yun! Hala suwoo! Pauwiin mo!"
"Hindi! mawawalan lang ako ng girlfriend!" Tinago ko na ang phone ko at pumunta na sa room ko habang kinukulit padin ako ni ayanna.
Nasa tapat na kamk ng pinto ko pero di nya ako tinitigilan. Nakakainis, bakit ko pa pinakita sa kanya. Ayan tuloy.
"Suwoo!" Binuksan ko ang pinto at hinila ko sya papasok saka ko inilock iyon.
"Ang kulit naman ni ayanna. Di nga pwede kasi nga nagkakasalungat ang scheds ko sa kanya, isa pa ayanna. Isa pa hahalikan na kita." Nakapamewang ako sa kanya habang nakatitig sa kanya.
Pinalo palo nya ako habang nakasimangot. Tumalikod sya sa akin pero niyakap ko padin sya.
"Idol ko lang naman si lex! Ang gwapo kasi. Tyaka, suwoo, di porket fan ako ni lex eh di na kita mahal. Iba ang mahal na binibigay ko kay lex iba yung mahal ko sayo. Ano ba." Napanguso ako at bumitaw sa kanya.
"Bakit mo ba sinasabi yan?!" Sigaw ko at humarap sya sa akin.
She cupped my face, our face is so close i could almost feel her breathe against my lips. Nakapikit na kaming dalawa.
Pero sa nakakabwisit na pagkakataon, may kumatok. Napahiwalay agad kami ni ayanna at di kami magkatinginan.
Shit! Ayun na eh! Mahahalikan na ako eh! Bwisit tong nakatok eh!Binuksan ko ang pinto ng nakabusangot.
"Ano?!" Sigaw ko. nagulat yung isa sa mga empleyado ko na kumatok.
"S-sir kasi mag iinuman kami kung gusto mo sana...sumama?" Iinom?! Iinom lang?! Mas nakakalasing pa halik ni ayanna eh!
"Hindi! Istorbo ka..hahalikan na ako ng taong gusto ko eh" bulong ko sa kanya. Lumingat lingat pa sya sa loob ng kwarto ko. Nabatukan ko sya.
"Wag kang tsismoso bawasan ko sweldo mo eh." At sinara ang pinto. Humarap ako kay ayanna na nakaupo na sa kama.
"Ayanna.." tumingin sya sa akin pero nakatakip ang mukha. Abnormal to eh.
"Wag suwoo. Nahihiya ako eh." Natawa ako at lumuhod sa harap nya.
"I love you ayanna baby, always and forever." And leaned closer just to kiss her.
BINABASA MO ANG
I'm The Little Evil Man's Son
FanficI'm lee suwoo, son of lee jihoon (woozi) and sue alonzo, and this is my story. >read the little evil man (book 1) and do you remember (book 2) before reading this. thank you.