(12)

67 2 0
                                    

Nagising ako dahil may sumapak sa mukha ko. Ang sakit. Dumilat ako para tignan kung sino ang impaktong yun, only to find out na paa ni ayanna yun. Bakit ba ganyan posisyon nya?

Flashback

"Suwoo!" Naglalaro kami ng uno. Napaparolyo na lang mata ko. Bakit ba may dalang uno cards to.

"O ayan!" Bagsak ko sa color blue.

"Wala na ako blue!!" Sigaw nya at ikinalat ang mga cards. Abnormal, nagkalat lang.

"Edi wag na tayo mag laro." Sabi ko sa kanya at humiga na ng tuluyan. Bigla nya akong hinila patayo.

"Truth or dare na lang bilis." Naparolyo ang mata ko. Ano ba talaga gusto nya mangyari? Pagod na ako.

"Dali na suwoo! Minsan lang eh. Sige na." Umoo na lang ako sa kanya at hinawakan ang kamay ko. Huminga sya ng malalim at tumingin sa mata ko.

"Ako muna. Truth. Ask anything you want."

Ano kaya dapat ang itanong ko?

"Uhmm ano naramdaman mo nung nakita mo ako ulit? May kilig ba?" Nahampas naman nya ako ng malakas at tumawa.

"Ewan ko. Di ko pa kasi maexplain feelings ko noon. Ikaw naman." Pag dare? Baka weird ipagawa sa akin.

"Tulog na kasi tayo ayanna. Maaga pa tayo aalis bukas" nagpout sya at nagtaklob na ng kumot.

Tumayo ako at inabot ang hoodie ko. Tatabi ba ako sa kanya o hindi? Sa sofa na lang ako.

"Hindi ka ba matutulog sa kwarto mo?" Di nya ako pinansin.

"Sige patayin ko na ilaw." Tanging ilaw na lamang ay ang lamp shade sa gilid nya.

Papunta na ako sa sofa pero hinila nya ako pahiga sa tabi nya.

"Ah ayanna-"

"Tabi tayo suwoo."

At siguro umikot sya ng umikot sa kama kaya naging ganito posisyon namin.

"Ayanna gising na. Baka tayo na lang inaantay nila dun sa labas." Inalis ko ang kumot sa mukha nya.

If isn't she the most beautiful in my eyes then i don't know who else is.

"Ayannaaaaaaa isidroooooo" kinusot kusot nya ang kanyang mata at dumilat.

"Sige punta na ako sa room ko ha." Bumangon na sya at lumabas na ng kwarto ko.

As for me, i need to fix myself as well. Andami ko pa aasikasuhin sa condo. Bibisita pa ako sa bahay.

Si yoo min. Speaking of him, baka di nya magustuhan. Pero wala akong pake, sila eomma sinadya ko doon. Hindi sya.

Kinuha ko na ang twalya ko at naligo na. Balak ko pa naman sana dalhin si ayanna sa bahay ngayon. Kaso nga si yoo min. Aish.

Pagkatapos ko mag ayos, isinaksak ko na lang basta ang mga gamit ko sa bag at lumabas na ng kwarto.

"Hoy lee. Anong oras na. Mag almusal ka na nga dun. Bilis" eto na naman yung buntis na nagger.

"Oo na po nay eto na po." Nagkamot pa sya ng ulo bago ako layasan.

Lumapit ako sa lamesa kung saan may nakahandang mami. Ngayon lang ako kakain nito sa buong buhay ko, di ko alam lasa nito pero siguro masarap naman dahil sa amoy?

"Salamat." Inabutan ako ng isa sa mga empleyado ko ng isang bowl nun.

"Si ms. Isidro wala pa?" Tanong ko sa katabi ko.

"Ah yung bago sir? Nakita ko may kausap na lalaki kanina eh, pagkalabas dun sa kwarto." Napatayo ako bigla.

"Asan si ms. Fajardo?" Napakamot sa ulo yung pinagtanungan ko.

"Sir dami mo namang tanong, pumunta po sa parking lot." Umalis na ako sa pwestong yun.

Imposibleng andito si yoo min? Pero makikita naman sya ni galadriel eh. Shit. Shit shit!

Ano ba nangyayari sayo yoo min!

Pumunta ako ng parking lot at nakita ko si galadriel na may kinukuha sa van.

"Buntis! Andito ata si yoo min!" Sabi ko sa kanya. Bigla nyang tinakpan ang bibig ko at hinila ako pababa.

"Ang ingay mong koryano ka! Andun lang sila sa gilid nag uusap! Nagulat nga ako at nasundan nya iyan dito. Ano ba ginagawa ni ayanna at ang lakas ng tama sa kanya ni yoo min..."

Di ako makatiis dito. Baka kung ano gawin ni yoo min.

"..ayanna please. Buntis ka. Ako ang ama nyan. Ayoko lumaki ang bata na walang ama. Wag ka namang selfish ayanna, isipin mo magiging anak natin."

Nanlaki ang mata ko at napaupo ng tuluyan sa lapag.

"Suwoo...suwoo..." nakita kong naluluha na si galadriel.

"Ano ka ba, bakit ka ba umiiyak..di- wag ka na nga umiyak dyan" sinabi ko na natatawa pa.

It's too late for us anyway. Kaya pala nagkakandarapa si yoo min, it's not because of her, but because of the baby inside her womb.

"A-alis na ako ha? Wag kang magpaka chismosa dyan." Nauna na ako umalis sa lugar na yun.

Putangina, ang sakit sakit.

Wala naman na ako magagawa eh. Andun na yung bata. Andun na.

"Sir yung-" inabot ko na yung susi sa empleyado at dumiretcho na sa sasakyan ko sa kabilang parking lot.

Pagkasakay ko, dun ko ibinuhos ang lahat. Isa lang ang nasa isipan ko.

"Im going to invite each and every one of my friends except for him" at mabilis kong pinaandar ang sasakyan ko.

Iniwan ko si ayanna. Bahala na sya dun, andun naman ama ng dinadala nya.

Di ko alam kung ano gusto mangyari ni ayanna eh. Gusto nya ba ako saktan ng paulit ulit? Pero ano kasalanan ko. All i did is to love her all these years and this is what i get.

Fuck. Ako na ata ang pinakamalas sa lahat ng nagmamahal. Naging kayo, minahal mo, iniwan ka, nabuntis ng iba, ang masaklap, sa taong pinagkakatiwalaan mo pa.

Biglang nagring ang phone ko.

"What? I'm driving, whoever you are" di ko kasi tinitignan yung tumatawag. Nakakainis naman, wala pa naman ako sa mood makipag usap ngayon.

"suwoo bakit ka ba kasi umalis agad?" Huminto ako sa tabi, si ayanna.

"Bakit? Andyan si yoo min ha?" I said sarcastically.

"Suwoo... h-how did you know?" I can hear her uneven breaths. Kinakabahan sya.

"Ayanna, di ko alam kung anong gusto mong mangyari, pero tangina naman ayanna, wag mo naman ako saktan ng ganito. Buntis ka na pala at si yoo min pa ang ama. Bestfriend ko ayanna. Tapos ano? Nung nakita mo ako, sakin ka na kumapit. Ayanna, masakit eh. Ang sakit na eh. Ayanna, tao lang din ako, di bato puso ko, may pakiramdam din ako. Kaya utang na loob ayanna, mula sa araw na ito, wala ka nang koneksyon sakin. Hindi kita tatanggalin sa opisina, pero please, do not try to talk to me again" at pinatay ko na ang tawag.

Sunod sunod tumulo ang luha ko. Ambading ko na, wala eh, mahal ko eh. Mahal ko talaga eh, kaso ginago ako.

"Putangina suwoo, isa kang lee. Wag kang iiyak dahil sa babae. Gwapo ka at marami pa dyan. Wag kang ganyan." Sabi ko sa sarili ko.

Mukha akong tanga. Kinakausap sarili ko.

Hindi mukha, tanga talaga.

I'm The Little Evil Man's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon