18

130 5 2
                                    

Nasa dalampasigan na kami ni ayanna. Naka rash guard sya at shorts. Gumagawa ng sand castle si ayanna habang ako tinutulungan lang sya.

Di ko padin makalimutan yung sinabi ni sung oh. damn that bastard. Tumingin ako kung asan sya ngayon.

Gusto ko syang batuhin ng hawak kong balde na lata.

"Suwoo?" Tinawag ako ni ayanna kaya napalingon naman ako sa kanya.

"Yes baby?"

"May problema ba? Kanina ka pa tahimik eh. Gusto mo swimming na tayo? Sama na tayo sa kanila?" Tinuro nya pa yung mga kasama namin na naglalaro sa dagat.

"It's fine just continue building your sand castle. I'll help you." Sabi ko naman sa kanya para di na sya magtanong pa.

Ano ba ang kinababahala ko kung nasa akin naman si ayanna? Kung ako naman ang mahal nya at wala nang iba. Ha! Ano ka ngayon sung oh. Ako padin ang panalo. Wag ka na makipag agawan sa akin.

Kung andito lang si yoo min eh kanina nya pa nasapak yang si sung oh eh.

Nang natapos si ayanna sa sand castle nyang pangit naman, nagswimming na kami. Shempre inggit na naman sila dahil may isang gwapo at maganda na naglalaro sa dagat.

"Sung oh?!" Bigla na lang sumulpot si sung oh sa gilid ni ayanna. Ano naman ang balak nito?

Mukha ka kasing shokoy.

"Ayanna sali naman ako sa inyo" napalingon ako kay sung oh. Alam nya ba yung epal? Sya yun eh.

"Ah? Ano kasi.." napatingin sa akin si ayanna at lumapit sa akin.

"..nagspespend kami ng quality time. Kaya sana sa susunod na lang" nakita kong nakatingin na pala sa amin ang lahat. Gusto ko belatan si sung oh eh.

Shempre, mas gusto ni ayanna na ako lang ang kasama nya. AKO. A-K-O. AKO.

"Oo nga sung oh epal ka dyan!" Sigaw ni lex.

"Humanap ka kasi ng chikababes mo din! Andito si master aries para tulungan tayo!" Umakbay a si yang kay aries hyung.

"HINDI NA AVAILABLE SI AYANNA!"sigaw ni heedo.

Ito talaga ang tropa ko. Suporta. Napatingin ako kay kay sung oh at bumelat sa kanya.

Napakamot naman sya ng ulo at umalis na. Ayan tama nga yan. Umalis ka.

"Ano meron dun? Gulo nya ha." Sabi ni ayanna at sinabuyan ako ng tubig.

"Ay!" Bumawi naman agad ako sa kanya hanggang sa pareho na kami nagsasabuyan ng tubig sa isa't-isa.

"Ay landi." Kantyaw nila. Sumimangot naman ako at natawa sila. Naramdaman kong may mga brasong pumupulupot sa akin.

"Thank you suwoo at naisipan mong magbakasyon kasama silang lahat. Ang saya kaya natin." Sabi ni ayanna. Niluwagan ko ang pagkakayakap sa akin ni ayanna at humarap sa kanya para yumakap din. Hinalikan ko ang noo nya.

"I just want you to be happy. I guess i did it." Sabi ko sa kanya.

Namula naman sya at hinampas ako sa dibdib. Kinikilig lang to eh. Hinawakan ko ang pisngi nya at hinalikan sya.

Ito ang pangalawang beses na nahalikan ko si ayanna.

Kasi andaming epal.

"Kilig ka lang eh. Lika na baby. Magtatanghalian na may balak ka naman siguro kumain no?" Hinawakan ko ang kamay nya.

"A-ah o-oo!" Sabi nya ng di tumitingin sakin. Cute.

Tulong tulong kami sa pag gawa ng tanghalian namin, shempre sa dami namin di naman kakayanin ng isang tao lang.

May namalengke since may malapit na market naman dito, tapos may nag ayos na ng lamesa sa kusina.

Nakapagpalit narin naman ang lahat.

Habang kumakain kami, ang ingay nila. I can't believe yoo min is missing this.

"Sayang si ayanna! Flawless ka pa man din" puna ni ate unice. Ayan na naman tayo.

"Pwede ba unice noona. Wag nyo syang pilitin ayaw nya eh." Sabi ko sa kanya.

"Bakit? Ikaw din naman makinis ah?" Sabi ni aedrick hyung kaya napatingin kami sa kanyang lahat.

"Are you guys checking my cousins out?" Sabi ni juyien hyung.

"H-hindi. Napansin ko lang." Namumulang sabi ni aedrick hyung.

"They can't date you." Sabi ni juyien hyung kaya napalo naman sya ni unice noona.

"Of course they can! Hello! Mas matanda ako sayo juyien how can you make bawal me to date him" turo ni ate unice kay aedrick hyung. Aba....mukhang may nagkakaroon ng interes.

"Tama na yan. Tama na yan. Kumain na lang tayo" sabi ko sa kanila kaya naman nawala agad ang tensyon.

Nagtatalo pa sila kung ano ang dapat gawin mamayang gabi. Buti na lang tumayo sa gitna si nayoung na syang kinatahimik namin.

Wala na naman emosyon ang mukha nya. Lagi namang ganyan yan kelan ba ngingiti yan.

"Ang camp fire na lang tayo sa tabi ng dagat at mag smores kesa sa mag movie marathon tayo dito ng horror movies tapos di naman kayo makakatulog." Bumaba na sya sa lamesa at umakyat sa kwarto nila ni ayanna.

"Okay let's listen to her." Sabi ni zhu tzu.

"She's scary bakit ganun yun?" Sabi ni heedo. Nabatukan ko naman sya dahil akala ko di nya pa nakilala si nayoung nung mga bata pa kami.

"Nakita ka nya kasi. Nakaka beastmode daw mukha mo" at nilayasan na sya.

Kanina pa wala sa tabi ko si ayanna. Sabi nya may kukunin lang daw sya sa kwarto nila ni nayoung kaya lang kanina pa yun.

Umakyat na ako sa taas para hanapin sya pero may narinig akong nag uusap sa balcony.Nagtatawanan pa ito kaya sinilip ko.

Si ayanna at sung oh.

Kumukulo na naman ang dugo ko. Talagang seryoso sya ha? Ipapakita ko sa kanya kung saan dapat sya lumugar.

"Ayanna!" Tawag ko sa kanya at tumayo na sya.

"Baby kanina pa kita hinahantay sa baba nakikipag usap ka pala kay sung oh." Sinamaan ko si sung oh ng tingin pagkatapos nun.

"Ah oo kasi may tinanong sya tapos ewan ko kung paano kami napunta dito. Sige baba na tayo baby" hinawakan na ni ayanna ang kamay ko at nauna sya maglakad kesa sa akin.

Binelatan ko ulit si sung oh na nakasimangot. CHEER NYO NAMAN AKO! Panalo na naman ako.

nang makababa na kami, nakita kong nanonood ang iba sa sala habang yung iba naman naglalaro sa may veranda nung jenga na nakita pa ata nila sa kataas taasan ng shelves.

Paano kaya nailagay nila uncle yoongi yun dun eh pandak din yun katulad ni appa.

Mas pandak lang si appa.

Niyaya ko si ayanna na maglibot sa resort. Pumayag naman sya kaya ito kami ngayon sa may beach, naglalakad.

"Ano naman yung itinanong sayo ni sung oh at ang lakas mo makatawa dyan?" Tanong ko habang namumulot sya ng shells.

Bakit ba? Curious ako eh.

"Nagtanong sya sa akin kung pwedeng manligaw eh ayoko tyaka tinawan ko lang sya. Ang galing mag joke ng kaibigan mo suwoo." Kumapit naman sya sa akin.

Aba gago yun ah.

Okay lang, napahiya naman sya nung tinawanan lang sya ni ayanna baby. Hmp! Buti nga sayo. Ako padin ang poging winner.

"Ganun talaga yun! Mahilig mag biro yun kaya wag ka maniniwala sa sinasabi nun ah? Di kasi seryoso lumalabas sa bibig nun." Sabi ko na lang. Baka siraan pa ako ng shokoy na yun kapag gusto nya padin mamilit na manligaw sa baby ko. Di ako papayag no.

Di sya marunong magbilang.

I'm The Little Evil Man's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon