Natatawa na lang sakin si yoo min kasi araw araw na ako nandun kela ayanna para gumawa ng gawaing bahay.
Pati barkada ko nagtataka kung bakit sinasamahan ko pauwi si ayanna at di na ako sumasabay sa kanila.
Sinabi sa kanila ni yoo min ganun daw pag in love. Minsan nagtataka ako bakit sa dinami dami ng tao, sya pa naging best friend ko.
Kaya andito na naman ako sa bahay ni ayanna, nakikitulong sa mama nya sa kusina.
Habang sya nanonood lang sa amin.
"Tita." Tinawag ko ang mama ni ayanna. Humarap naman sya sa akin.
"O bakit iho?" Ngumiti sya sa akin.
"Pwede po bang sumaglit lang kami ni ayanna sa labas?" Tumingin ako kay ayanna.
Ayoko na patagalin pa. Gusto ko na sya umalis.
"Sige saglit lang naman eh." Iniabot ko ang kamay ni ayanna at hinawakan iyon.
Bakit ganito? Nagtatambol na ang puso ko. In love na ba talaga ako? Mali to.
Hawak hawak ko lang ang kamay nya habang papunta kami sa park. Umupo kami sa bench at tumingin ako sa kanya nang hindi binibitawan ang kamay nya.
Wala akong hininging consultation mula kay yoo min o kung sino man. Sariling desisyon ko to.
"Ayanna. May itatanong lang ako pero ipangako mong sasabihin mo lamang ay 'oo' at wala nang iba" huminga ako ng malalim.
"Ano ka ba naman suwoo ano ba kasi itatanong mo para kang ewan." Na ewan pa ako. Eh kung umoo na lang kaya sya.
"Ayanna, please be my girlfriend i can't hold these feelings anymore." tumingin ako sa mga mata nya.
"Y-yes suwoo. Yes." Yes. Mission accomplished. Niyakap nya ako at ganun din ako.
Just wait until yoo min hears this.
"Tara na." Ngumiti naman sa akin si ayanna at hinawakan ang kamay ko.
Pagkatapos ko sya ihatid pauwi nagpaalam na ako sa mama nya at umuwi na din.
I don't know. Masaya ako dahil tagumpay ako hindi dahil sa sinagot ako..ng babaeng gusto ko..
OO INAAMIN KO GUSTO KO NA SYA OKAY BUT IT DOESN'T MEAN NA MAHAL KO SYA.
pagkauwi ko sa bahay sumalampak ako sa sofa ko, sa tapat ni yoo min.
"O? Anyare? Laki ng ngiti mo ah." Di ko namalayang nakangiti na pala ako kaya kinapa ko ang mukha ko.
"Wala." Umirap ako sa kanya.
"Ano nga?" Aasarin lang ako nito eh.
"Sinagot na ako ni ayanna. Ano na next step?" Nanlaki ang mata nya at hinawakan ang mga balikat ko.
"Duuuuude sinagot ka na nya?" Kakasabi ko lang diba yoo min gusto ata nito paulit ulit eh.
"oo nga! kailangan iulit ko pa ha yoo min. now what to do? gusto ko na sya umalis masyado na ako napapagod sa ginagawa ko."sabi ko kay yoo min.
"patagalin mo naman dude. baka may marealize ka din sa huli."napatingin naman ako sa kanya at tinaas ko ang kilay ko. ambading.
"na ano? ano marerealize ko? " napangisi naman sya.
"na di mo kaya mawala sya yiee! pumapagibig ka na ah!" siniko naman nya ako at di ko na sya pinansin. nakakainis naman. matatapos din to. tyaka di yun mangyayari, mas okay na mawala sya. para mawala din feelings ko. Nadadala lang ako.
kinabukasan sinundo ko si ayanna sa kanila. di pa alam ng magulang nya na kami na, lalo na sila eomma at appa, sa amin pa lang ni yoo min yun. tyaka ko na lang ipapaalam sa barkada. shempre kailangan convincing na talagang sineseryoso ko sya diba.
nakaakbay ako ngayon kay ayanna papasok sa room. kinuha na din nya ang mga libro nya sa lockers bago pa kami pumasok dito.
"wow bago to ah. kayo na?"nakasalubong namin si da yen.
"ah oo kami na, kakasagot ko lang sa kanya kahapon." itinaas ni ayanna ang kamay nya sa harap ni dayen.
"wow naman. kaya pala inaaway mo suwoo ha, type mo pala tong si ayanna. sige maiwan ko na kayo iaabot ko lang to kay yoo mi."itinaas nya yung plastic bag na dala nya sabay pumunta sa pwesto ni yoo min.
"sige maupo ka na dun ayanna. mamayang lunch na lang."tumango tango si ayanna at umupo na sa pwesto nya. umupo na din ako sa tabi ni yoo min na nag eenjoy sa kinakain nya na gawa siguro ni da yen.
"sarap sa feeling ng may girlfriend no?"tinanong nya ako bigla. parang ewan talaga. i shrug sabay tumingin sa bintana.
di ko na maitindihan minsan ang sarili ko. gusto ko na sya umalis desidido na ako nung una, pero nung narealize ko na gusto ko sya, bakit parang labag na sa loob ko at gusto ko na totohanin? ayoko mapahiya kay yoo min, nakita naman nya na determinado talaga ako sa plano namin eh.
"hindi. magastos sila."tanging sagot ko sa kanya. narinig ko bumuntong hininga sya at tumahimik na. aba dapat lang dami nyang tanong.
pumasok na yung teacher namin at nagsimula na ang klase. madami siyang pinagawa sa amin at ito na naman ako sa dati kong gawi. walang pake sa ipapagawa. kaya lang naman ako sinisipag pag good mood ako. kaso hindi.
"huy gumawa ka na! wag ka na tumunganga dyan suwoo!"siko sakin ni yoo min. Inirapan ko sya at tumungo sa desk.
"Huy suwoo ano ka ba tinitignan ka ni ayanna!" Siniko ulit ako ni yoo min.
"Tch! Wala ako pake."
"Ano ba nangyayari sayo ha. Para kang abno dyan. Wala ka lang papel eh o eto na." Nilapagan ako ng papel ni yoo min.
"Gawa na!" Wala naman akong choice kundi gumawa.
Dumating na ang lunch break at kasama namin ni yoo min si ayanna papunta sa table naming magkakabarkada.
"O kasama mo si ayanna." Puna ni rowoon kaya napatingin lahat.
"Hala. What's happening in the world?" Sabi ni lex. Napailing na lang ako. Akala mo mga walang alam.
"This is ayanna. My girlfriend." Pakilala ko sa kanila.
"Hi" nakanganga na lang sila sa akin at kay ayanna at palipat lipat ng tingin.
"Ano? Sinagot mo na yan?!" Tinuro pa nila akong sabay sabay. Peste talaga.
"Ha? Bakit wala namang masama ah? Mabait naman si suwoo sakin at pinatunayan naman nya sakin seryoso sya." Tumingin ako kay ayanna.
Masyado na syang nagtiwala sakin.
"Psshh seryoso daw." Bulong ni chani kay jae yoon.
Parehas ko silang binatukan.
May tiwala. Kulang na lang pagmamahal. Kailangan mapasabi ko sya ng i love you. Bago ko sya saktan.
"Upo na tayo tara na."
BINABASA MO ANG
I'm The Little Evil Man's Son
Fiksi PenggemarI'm lee suwoo, son of lee jihoon (woozi) and sue alonzo, and this is my story. >read the little evil man (book 1) and do you remember (book 2) before reading this. thank you.