30

96 3 2
                                    

Kinabukasan, binisita ko ang magsyota. Mukhang okay naman si galadriel dun. Masaya pa nga eh.

"Rowoon, pwede ka bang makausap?" Tumango naman sya at pumunta kami sa kusina.

"Sorry sa abala, pero dito muna si galadriel. May kailangan lang ako gawin. Tyaka last na rowoon, pabisita naman si yoo min sa hospital. Naaksidente kasi kahapon."

"Hala! Ano nangyari dun?" Kinuwento ko sa kanya ang lahat. Pero skip na sa part na kung saan binalaan ako ni galadriel.

"Hmm.. baka nga siguro. Tatanga tanga yung driver. Fine i'll check on him. Sige iwan mo na kami dito." Ngumiti ako sa kanya at pinat ang likod nya.

"Thanks bro." Bago pa man ako umalis hinabol ako ni galadriel.

"Suwoo, yung bilin ko. Wag mo baliwalain." Unti unti kong tinanggal ang kamay nya.

"Yes i know what to do in case." At umalis na. I must tell appa. Nagkakagulo na kami dito.

Ano ba kinalaman ng tatay ni galadriel samin bakit ang laki ng galit sakin na pati anak nya na labag pala sa kalooban nya na tumira dun eh ginamit nya.

Sunod kong pinuntahan si ayanna. Kahit pinakalabag sa kalooban ko to, wala kasing alam mga kuya nya, baka dalhin ko sya dun kay sung oh.

"Ayanna." Ngumiti sa akin si ayanna.

"Can you wait? Let me change muna. We have to go somewhere." Somewhere?

"Hindi. Teka bukas na tayo umalis. Kailangan lang kita kausapin ngayon kasi uuwi din agad ako. "

"no, ngayon na suwoo di to makakapag antay"

"Hindi ayanna. Ngayon na din to. Gusto ka bang kausapin nung papa ni galadriel? Hindi pwede ayanna. Wag ka makinig sa kanya. Dadalhin muna kita kay sung oh." Ngumiti sya.

"Suwoo. Nakausap na nya ako.. and i think it's best for us...to have separate ways.. hehe... mahal ko padin ang pamilya ko suwoo at ayoko madamay sila sa business nyo.. mahal kita pero-" hinawakan ko ang magkabilang balikat nya. Di ito pwede. Naunahan na ako.

"di pwede ayanna. Ayoko, please let's fight this together..." i felt my eyes are getting watery.

"Suwoo i'm sorry. It's for the best." Sinara na nya ang gate at naiwan akong nasa labas.

Ano bang sinabi nung matandang yun? Di pwedeng sumuko agad si ayanna. May kakaiba talaga eh.

"Ayanna. Buksan mo to ulit." Binuksan nya ulit ang gate. Pero tahimik lang sya. May nasesense akong mali talaga eh.

"Suwoo umalis ka na lang!" Wala na ako nagawa kundi sumunod. Kailangan ko na tawagan si appa. Kailan ba kasi babalik yun.

Nakailang attempt na ako pero di nya sinasagot. Sinubukan ko kay eomma at agad nya ito sinagot.

"Suwoo anak! Bakit?"

"Ma! I need appa now."

"Yes son?"

"Appa. Umuwi ka na dito. May problema. Basta i can't explain because i am driving. But appa please umuwi na kayo as soon as possible." At pinatay ko na ang tawag.

Pagkauwi ko ng bahay, sinubukan ko ulit tawagan si appa. Pero failed kaya itinext ko na lang sa kanya ang dahilan.

It's a big deal. And i hope mamayang gabi nandito na sila.

(Ayanna)

Hindi ko to gustong gawin. Pero yung tatay ni galadriel nakikinig. Walang tao ngayon sa bahay namin. Ako lang, nalaman nya siguro kaya kinuha na nya ang oportunidad para iblack mail ako.
"Susunod naman pala eh." Diniin nya lalo sa akin ang baril sa tagiliran ko. Oo, balak nya talaga ako patayin pag di ako sumunod.

I'm The Little Evil Man's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon