Natulala ako sa sinabi nya. ito na ba yung goal ko? Tagumpay na ba ako? Teka, sabi ni yoo min, make her fall for me. So she likes me palang, dapat mahulog muna sya sakin.
"A-ah edi good! S-sige magsisibak na ako hahaha andami pa kasi oh" sabay tanggal sa kamay nya at tumayo na.
Konti na lang naman yung kahoy. Makakauwi na ako pagkatapos nito.
"Suwoo kasi gusto ko itanong kung seryoso ka ba? Na hindi lang laro to para sayo." Bakit ba ang daming tanong nitong ayanna na to? Di ba nya naisip na maswerte sya dahil nililigawan ko "daw" sya.
Tumingin ako sa mga mata nya. Ang mga matang nagpapaamo sakin. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.
"Oo seryoso ako. Wag ka na madaming tanong ayanna."
Bakit ganun nararamdaman ko? Seryoso na ba talaga ako? Seriously? Kay ayanna pa talaga?
I shook my head. You are being silly suwoo. Di pwede.
Remember, kailangan mo syang paalisin sa neoz. Di ko maatim na makita sya araw araw sa neoz.
Nang matapos ako nag paalam na ako ng maayos sa magulang ni ayanna at lumabas na ng bahay nang di nagpapaalam kay ayanna. Di ko alam. Di ko maitindihan sarili ko.
Naglalakad ako pauwi na sa amin. Naalala ko, kailangan kong tanungin si yoo min. Baka nga talagang pinagtitripan ako nun.
"Hoy suwoo! Basketball tayo!" Nakasalubong ko yung mga ugok. Umiling ako nung di ko nakita si yoo min.
"Pagod ako eh next time na lang." At nilagpasan na sila.
Nang pagkapasok ko sa bahay agad ko hinanap si yoo min. Nakita ko sya sa kusina nagluluto ng di ko alam kasama si eomma.
"Eomma. Asan si appa?" Pumunta ako sa may counter at kumuha ng apple sabay kumagat.
"Ha? Appa mo nasa work pa. Uuwi na yun ng 5 pm." Sabi ni eomma ng di tumitingin sa akin.
"Yoo min, usap tayo sa garden" sabay umalis na ako sa kusina. Ramdam ko namang nakasunod si yoo min sa akin.
Nang makarating kami sa garden, humarap ako sa kanya. Ngumisi naman sya.
"About ba kay ayanna?" Napairap na lang ako.
"Oo! Di mo ba alam nagsibak ako ng kahoy kanina dun sa kanila kasi sinabi nya na nililigawan ko sya at inamin nya sa akin may gusto sya sa akin! Feeling ko talaga pinagtitripan mo ako yoo min eh" kamot ko sa ulo ko.
"Akala ko ba aalis kayo anyare?"
"Eh kasi habang hinahantay ko si ayanna sa labas ng bahay nila biglang sumulpot si janus eh. Eh naalala mo naman na hinahabol nya ako nun." Natawa naman sya na syang ikinasama ko ng tingin sa kanya.
"Teka. Sabi mo may gusto si ayanna sayo. Wala ka bang naramdaman?" As much as gusto ko ideny pero best friend ko si yoo min at alam nyang nagsisinungaling ako o hindi. Halos dito na lumaki yan eh.
"Sa totoo lang kaya ko sya gusto paalisin sa neoz kasi nakaramdam ako ng kakaiba sa kanya. Di ko alam tawag dun o kung anong pakiramdam yun. Para bang sya lang nakikita ko." Pag aamin ko sa kanya. Tinap nya ang balikat ko at ngumiti sya.
"That, my friend, is what you called 'love at first sight' tinamaan ka nga" umiling iling pa sya. Ako?! Naganun?! Ha! No way!
I can't believe this.
"No! Imposible yun ano ka ba naman yoo min! Wag ka magbibiro ng ganyan!" Tinanggal ko ang kamay nya sa balikat ko.
"Ewan ko sayo sige ideny mo pa. Balik na ako sa loob." At iniwan ako sa garden.
This is not happening. Not happening. This is a nightmare.
Di ako pwede mainlove sa isang babae! Magastos sila!
Nang makauwi si appa, sya ang pinuntahan ko. Baka kasi pinagtitripan lang ako ni yoo min nakakapanic lang.
Andito kami sa office ni appa habang inaayos nya ang laptop nya.
Nakakapagtaka, maliit si appa at lalo na si eomma pero bakit matangkad ako? Saan ko nakuha ang genes ng height na to? Baka ampon ako?
No no no. Chineck ko birth certificate ko eh. Galing talaga ako kay eomma.
Ano ba tong iniisip ko.
"Appa." Tawag ko sa kanya habang nakaupo ako katapat sya.
"Yes son?" Sabi nya ng di tumitingin sa akin.
"Appa, paano mo malalaman kung in love ka o hindi?" Napatingin naman sa akin si appa.
"Tell me kung ano naranasan mo or what you felt towards that girl." Nakikinig lang si appa sakin habang sinasabi ko sa kanya yung experiences ko.
"...then she told me that she likes me. Appa hindi ko naman kasi gusto yung babae kaya lang kasi bakit ganito nararamdaman ko kapag may interaction kami?" Napangiti na lang si appa.
"Sue, your eomma, i feel that towards to her up until now. I really love your mother so i did everything i can to prove that i love her." Oo paulit ulit yan kinukwento ni eomma kapag kami lang nandito. Na bully si appa na tamad mag aral pero tinulungan nyang mag bago si appa ganun ganyan.
"Yeah yeah i know the story eomma told me that several times i almost memorize every detail of your story." I rolled my eyes.
"Hahaha. Son. You don't understand. Yang nararamdaman mo? Pag ibig yan son. Dont deny it. The more you deny it, the more it will get the best of you. Just like what happened to me nung--" i cut my appa's words.
"..nung tinutulungan ka ni eomma. Yes yes i know. But what did you say appa? AKO? PUMAPAG IBIG?! You've got to be kidding me."
Bakit sila alam ang nararamdaman ko samantalang ako hindi.
"Ikaw din son. Someday aaminin mo din na inlove ka nga." Lumabas na ako sa office ni appa.
pumunta na ako sa kwarto ko. Parang hindi tama tong pinasok kong kalokohan. Nakakainis kasi tong si yoo min. Oo alam ko kanina ko pa sya sinisisi sa utak ko. Pero mas tanga naman ako dahil sumunod ako.
But i am still not sure if talagang nararamdaman ko to kay ayanna o baka nadala lang ako. Oo ganun nga.
Papaalisin ko padin sya sa neoz.
BINABASA MO ANG
I'm The Little Evil Man's Son
Hayran KurguI'm lee suwoo, son of lee jihoon (woozi) and sue alonzo, and this is my story. >read the little evil man (book 1) and do you remember (book 2) before reading this. thank you.