28

76 3 4
                                    

Pagkarating ko sa shop, pinasa ko ang resumè ko sa manager at agad nya itong tinanggap. Napatingin ako sa pinto ng staff room. Yun talaga unang agenda ko dito.

"Sir pwede ba tayo magusap?" Um-oo naman sya kaya naman sinabi ko na sa kanya yung gusto ko. Nagulat naman sya.

"iho, di na kailangan. Maayos ang pintong yan-"

"Sir, kung maayos yan sana di kami natrap dyan, diba po?" Napabuntong hininga sya.

"Bahala ka, bahala ka!" At nilayasan na ako. Nakita ko naman si ayanna na nasa counter. Agad ako lumapit sa kanya.

"Good morning ayanna."

"Iba na talaga nagagawa ng love!" Biglang sumigaw yung nasa harap ng counter.  si dawon at hwiyoung. Naparolyo ang mata ko at hinampas ko sa kanila ang folder ko.

"Aray!" Magrereklamo pa.

"Ano ginagawa nyo dito?!" Tanong ko sa kanila. Ngumiti lang sila, kakaibang ngiti.

"Wala. Di naman namin inaasahan na nandito ka din!" Sigaw ni dawon.

"Layas na nga dito! Magtatrabaho pa ako!" itinulak ko na sila palabas kahit na nagrereklamo pa sila.

Mang aasar lang kasi yung mga yun. Parang mga tanga.

"Suwoo, halika muna dito." Tawag sakin ni ayanna. Agad naman ako lumapit sa kanya.

"Bakit? Ano yun baby?" Agad nya ipinakita sa akin ang cellphone nya.

Nagtataka pa ako tumingin sa kanya pero kinuha ko parin at tinignan mabuti.

"Picture ni aedrick hyung at unice noona? Ano meron?" Napakamot naman si ayanna sa ulo.

"Si suwoo naman eh... di mo ba nakita magkaholding hands sila?" Tinignan ko mabuti at oo nga, holding hands.

"Hala, sila na? Wala akong alam...teka! Kailangan malaman ni juyien hyung! Tyaka ni byuhui! Ha!" Agad ko kinuha phone ko pero pinigilan ako ni ayanna.

"Suwoo! Wag muna! Kaya ko nga sinabi sayo lang eh kasi baka malagot kuya ko sa dalawang kapatid ni unice." Napasimangot naman ako. Edi malalagot din ako.

"Mamaya na nga, baka makita tayo ni sir na nag uusap at hindi nagtatrabaho. Bye" kiniss ko ang noo nya bago umalis sa pinagtataguan namin.

Ilang oras ang lumipas at nakakapagod palang tumayo. Sunod sunod din dumating yung mga letche kong kaibigan na walang ibang ginawa kundi bwisitin lamang ako.

Di rin kami sabay ni ayanna ng break. Di pwede eh. Ganun talaga, i get to work with her but i can't ask her out to lunch.

"okay, tomorrow alam nyo naman closed tayo diba. Magpahinga muna kayo tomorrow." Nag apir kami ni ayanna, di alam ng manager na may something sa amin ni ayanna.

Kinuha ko ang bag ko at bag ni ayanna.

"Uwi na tayo, dun muna tayo sa bahay ko." Sabi ko sa kanya kaya naman pumayag sya.

Andun padin yung mahaderang yun. Ang tigas talaga ng mukha nya. I hope wala na sya sa pamamahay na yun kundi, ewan ko na lang.

Pag karating namin sa bahay, sinalubong kami ni yoo min. Mukha pa itong natataranta.

"O ano nangyari?" Lumapit sya sa akin.

"Andyan yung magulang ni galadriel." Nanlaki ang mata ko. Ano ginagawa nila dito.

"At kasama mo pa si ayanna suwoo, galit na galit tatay nya." Kaya ko tong harapin. Hinawakan ko balikat ni yoo min.

"Wag nya subukan sa mismong loob ng pamamahay natin." At buong tapang akong pumasok sa bahay.

Unang nakita ko ang gamit ni galadriel, sumunod ang mukha ng papa nya. Sa tabi nya, si galadriel.

"Take a seat." Sabi pa ng papa nya.

"I think i should be the one who will say that." Naiinis na ako sa anak nya gusto ko na syang umalis dito.

"Yan ba ang itinuro sayo ni jihoon?" Napasmirk na lang ako. Hinawakan ni ayanna ang kamay ko pero inalis ko muna yun at hinawakan ko ang wrist nya.

"Ang pananakit at panloloko ng kapwa ba ang itinuturo mo sa anak mo, mr.?" Namumula na sya sa galit. Mana nga siguro talaga ako kay appa, hindi kay eomma.

"You will marry my daughter! Your father promise that to me!" Nanlaki ang mata ko. Yan? Yan ba?

"Appa must made some mistake." Buong tapang ko isinagot sa kanya yan. Pero ngumiti lang sya na syang ikinaaasar ko.

"Wala ka magagawa, she will stay here." Paalis na sya pero pinigilan ko sya.

"May magagawa ako. I can make her leave. Diba, galadriel? Gusto mo bang mapahiya papa mo?" Nanlaki ang mata nya at lumapit sa papa nya.

"Let me go with you dad, ayoko na dito, he-he's horrible dad!" Hinawakan ng papa nya ang braso nya.

"Stay. Here." At umalis na sya. Nakakainis naman.

"Appa will know about this. Yoo min, hatid mo muna sa kwarto nya yan ulit nakakainis naman. Ayanna, una ka na sa room ko." Umakyat na si galadriel, sumunod si ayanna at inakyat namin ang gamit ng babaeng yun.

Pagkarating namin dun, nakita naming niyakap sya ni ayanna habang umiiyak.

What a softy. Hindi ko kaya yan, ginawan ka na ng mali pero nagagawa mo pading tulungan.

"Let's leave them alone. You know girly things" sabi ni yoomin at um-oo na lang ako. Gusto ko pa naman masolo si ayanna.

Eksena talaga yung babaeng yun!

"Hoy, wag ka sumimangot, magagawan ni uncle yun." Mas lalo pa ako napasimangot.

"Hindi! Tignan mo nga ginawa nung liit na matandang yun! Hay, akala ko pa naman talaga masosolo ko na ayanna ko." Napatawa naman si yoo min.

"Si suwoo may binabalaaaaak~" nabatukan ko na lang sya.

"Layas!" Sinipa ko sya palabas ng kwarto pero tawa padin sya ng tawa. Aish nakakainis, bakit ba kasi kaibigan ko tong lintik na to.

Sinusubukan kong silip silipin sila ayanna at baka may ginagawa na namang masama yung babaeng yun. Pero wala, nag kwekwentuhan lang sila at mukhang okay na si galadriel. Pwede na pumunta si ayanna dito pero mukha nakalimuta na nya ako.

Nung gumabi na, nagpahatid na sya sa akin. Naglakad na lang kami kasi ayaw nya magsasakyan.

Hinawakan nya ang kamay ko habang naglalakad kami, feeling ko talaga langit pag hinahawakan nya ako.

"Alam mo suwoo, hindi naman masama si galadriel eh." Naparolyo ang mata ko sa sinabi nya.

"May mga bagay lang talaga na sadyang ginagawa ang tao parang lang ikatuwa ng magulang nya, kahit na masama pa to." Napatigil kami sa lakad at hinawakan nya ang isa ko pang kamay.

"Hear her out suwoo. Di naman siguro masamang makinig sa kanya diba, tyaka itigil mo na pambubully sa kanya. I'll visit you tomorrow. Bye baby." Di ko alam nasa tapat na pala kamk ng bahay nila.

"Bye. I love you." Ngumiti sya sa akin at kiniss ako. Sa. Lips. Mga.pre.

"Bye." Di ko alam kung mag ka-cart wheel ako o harlem shake eh. Kinikilig ako eh. Bading ko.

Umuwi akong nakangiti.

I'm The Little Evil Man's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon