Prologue

1.4K 64 55
                                    

Ang mga tauhan at pangyayaring ginamit sa kasaysayang nakalathala rito ay pawang kathang-isip lamang at hindi hinango sa tunay na buhay o ibinatay dito. Ang anumang pagkakatulad ay hindi sinsadya ng may akda.

Ang anumang bahagi o kabuuan ng aklat na ito ay hindi maaaring sipiin o mailapat sa ibang porma at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may akda.

 

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Prologue

She doesn’t mind being alone. It doesn’t matter if she has few friends. She don’t care about fame. Kuntento na siya sa simpleng buhay. Okay lang kahit hindi siya napapansin. Hanggang sa dumating ang taong gumulo ng kanyang tahimik na mundo.

Now her dull and quiet life turns into more exciting one. How can she ever resist this lad? Bata pa lamang sila ay siya na ang lagi niyang kasama. Noon ang buong inakala niya ay ayos lang kahit hindi magkaroon ng isang kaibigan na pwede niyang pagkakatiwalaan sa lahat. However, the lad made her feel that she really needs someone. He carved it in her heart that it’s not good to be alone. And it will never be. That is what she realized. She only thought about it that time. She only felt it the moment he made her feel that life is boring without him.

“Isabelle. Tingin ka nga dito.” Mahinang usal ni Tj upang hindi mahalata ng kanilang guro ang pagtawag niya sa kanyang best friend. They are best friend for many years.

Tila naiinis naman ng lumingon si Isabelle sa kaibigan niya. Seryoso siyang nakikinig sa kanilang guro dahil pagkatapos ng kanilang pagtatalakay ay magkakaroon sila ng pagsusulit.

Tumingin ito sa lalaki na para bang tinatanong kung ano na naman ang kailangan nito sa kanya. Lagi na lang siyang kinukulit ni Tj at madalas pa nitong gawin kapag nasa harap ang kanilang guro at nagsasalita. Ilang taon narin silang magkaibigan at simula noon ay puro pangungulit ni Tj ang nakasanayan niya.

“Sabay ka ulit sa akin mamaya pag-uwi ha.” Wika nito at hindi inaalis ang tingin sa kanya. Hindi man lang ba ito natatakot mapagalitan? Habang sinasabi ni Tj iyon ay nakatingin siya sa taong nagsasalita sa harap upang maiwasan na makuha ang atensyon ng kanilang guro.

“Okay.” Iyon na lamang ang kanyang sinagot upang magtigil na sa pangungulit ang kanyang kaibigan. Madalas ay sabay silang pumasok at umuwi. Ngunit dahil nahihiya si Isabelle na sumabay lagi kay Tj—na sinusundo ng driver nila—ay tinatakasan niya ito at umuuwing mag-isa.

Akala niya ay matatapos na ang pangungulit nito sa kanya dahil ilang saglit lang ay kinalabit siya ni Tj sa braso. Magkatabi sila sa bandang dulo ng silid-aralan kaya malaya siyang nakukulit at naasar ng lalaki.

“Tumigil ka nga Tj. Pagalitan pa tayo.” Umirap siya. Subalit hindi man lang iyon pinansin ni Tj.

“Huwag kang tatakas.” Pilyo nitong sagot dahil alam na alam naman niya na tatakasan siya ng babae. Ayaw na ayaw niya tuwing tinatakasan siya nito. Hindi niya maintindihan kung bakit nahihiya pa itong sumabay sa kanya samantalang inalok din si Isabelle ng kanyang ama na sumabay na lang ito.

Matapos ang kanilang klase ay agad niyang nilapitan si Isabelle. Hindi pa rin nakukumbinsi sa pagsabi niton sa kanya ng ‘okay’. “Isabelle! Mag-promise ka muna.” Malakas ang pagkakasabi niya sa pangalan nito.

“Ang kulit mo talaga! Oo nga di ba. Promise!” Pikon na sagot ni Isabelle. “Nakakahiya.” Bulong niya sa kanyang sarili na nahuli naman ng pandinig ni Tj.

“Anong nakakahiya? Lagi naman tayong sabay. Ililibre kita mamaya bago tayo umuwi. Yung peyburit mo.” Nakangisi nitong usal.

“Talaga? Promise yan?” Nagkunwari pa ito na tila natutuwa sa pagkakasabi ni Tj na ililibre siya.

“Oo. Basta sabay lang tayo.” Natatawa nitong sagot. Binatukan naman siya ni Isabelle.

“Bwiset ka. Bakit ka tumatawa? Hindi dahil sa libre kaya ako sasabay. Kung hindi lang talaga kita kaibigan.” Umirap siya sa tumatawa niyang kaibigan.

“Alam ko naman iyon eh. Pero gusto ko ililibre kita.” Kilala niya si Isabelle at hindi ito basta basta pumapayag. Hindi siya tulad ng iba na kapag sinabi mong ililibre ay agad na sumsama. Kapag hindi talaga niya gusto, sasabihin niyang hindi at kahit ano pang pilit mo ay wala rin magagawa. Isang sabi lang niya, mahirap ng baguhin pa ang desisyon nito. That’s it period.

“Okay promise yan.”

“Oo naman. Alam mo naman kapag sinabi ko—

 

Naputol ang pagsabi nito ng biglang sumingit sa kanilang usapan si Claire. “Tj yung sinabi ko sayo na magpapasama ako.” Panimula nito. Nag-isip naman si Tj sa kung ano ang sinasabi ni Claire.

“Ngayon na ba? Ano kasi—” Natataranta na ito dahil sa biglaan na pagsabi ni Claire sa kanya.

“Oo ngayon na. Di ba noong sinabi ko sayo, ang sabi mo sasamahan mo ako. Magkita na lang tayo sa labas ng school. Pupunta muna ako sa office ni Mam. Bye Isabelle.” Sinundan na lamang siya ng tingin ng dalawa. Nagmamadali itong lumabas. Nalaglag ang panga ni Tj. Tinignan niya si Isabelle na ngayon ay nakataas na ang dalawang kilay sa kanya.

Kinuha nito ang kanyang bag at naglakad palabas. “Kapag sinabi mo, hindi laging natutuloy. Walang isang salita.” Itinuloy niya ang kaninang sinasabi ni Tj.

“Hindi naman iyon. Alam mo naman na kapag sinabi ko, yun na yun. Nagkataon lang na ngayon nagpapasama si Claire. At siya ang nauna. Sorry. Next time na lang?” Nahihiya niyang tugon. Siya yung nagpumilit kay Isabelle na sumabay siya sa kanya ngunit hindi pa matutuloy ng dahil sa kanya. Hindi niya lang talaga matanggihan si Claire dahil nangako rin siya sa babae. Si Claire ay matalik niyang kaibigan at simula bata pa lang, silang tatlo na ang magkakasama.

 

“Hoy! Kung makapagsalita ka parang ako pa nagyaya na sabay tayo. Kinukulit-kulit mo ako kanina tapos ngayon sasabihin mo sa akin yan.” Nakahalukipkip itong humarap sa kanya. Napatakip pa siya sa kanyang tainga sa sobrang lakas ng sigaw nito. Alam na alam na talaga niya na sasabihin iyon ni Isabelle. Nagpatuloy pan rin ito sa paglalakad palabas na ng kanilang paaralan. Tahimik lang siyang sumunod. 

“Sorry na. Wrong timing. Hindi ko naman alam na ngayon pala siya magpapasama. Huwag ka ng magalit. Next time ililibre kita.” Pang-aasar niya sa babae. Kahit alam naman niya na hindi dahil sa libre kaya ito sasabay sana sa kanya. Gusto niya lang asarin si Isabelle. Natutuwa talaga siya tuwing napipikon ito. Alam din naman niya na hindi naman ito galit dahil sa hindi matutuloy ang alok niya.

Ilang beses na rin umasa si Isabelle sa mga sinasabi ni Tj kaya sanay na sanay na siya. At wala lang kay Isabelle kahit hindi sila magkasabay pauwi gaya ng sinabi ni Tj dahil hindi lang naman ito ang unang pagkakataon.

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon